23

1.2K 18 5
                                    

"Pakilagay na lang po diyan."


Bumili na ako ng bagong sofa para dito sa codo since ang dami na palang sira nung luma. Bumili 'din ako ng coffee table at ibang mga paintings. My condo is a combination of black and dark blue now.


"Thank you," sabi ko sa mga delivery boy pagtapos nilang malagay 'yung mga furniture sa sala.


Pagkatapos non ay naglinis na lang ulit ako ng condo. Mamaya ay magkikita kami ni Trevor kaya tatapusin ko muna ang mga kailangan kong gawin.


Nasa gitna ako ng paglilinis nang tumunog ang cellphone ko. Naglakad ako papalapit sa coffee table at tiningnan kung sino ang tumatawag.


Napakunot ang noo ko nang makitang tumatawag si Mommy.


"Hello, Mom?"


[Laurene! May dinner tayo tonight, ha.] Bungad niya agad.


"What?" Sabi ko, gulat.


[Yes, be here at seven.] 'Yun lang at binaba na niya ang tawag.


Tiningnan ko ang orasan at nakitang five pa lang naman. Bumuntong hininga na lang ako bago tinawagan si Trevor.


[Hello?]


"Trevor! Sorry, I can't see you later. May dinner kasi sa bahay." Naguilty naman ako.


[Oh..Okay.] He said.


"Bukas nalang?" Tanong ko habang naghahanap ng pwedeng isuot mamaya.


[Okay, I'll see you.]


"Okay." I ended the call.


Nang mag six pm ay nag-ayos na ako para sa dinner namin mamaya ni Mommy. Nagsuot na lang ako ng white tube top at mom jeans. Nagsuot 'din ako ng maong jacket at white sneakers. Nag-bun na lang ako at naglagay ng kaunting liptint.


Pagkatapos ko mag-ayos ay dumiretso na ako parking lot para kunin ang kotse ko. Kung minamalas ka naman ay traffic pa! Ten minutes na lang nago mag seven!


Seven ten na nang makarating ako ng bahay kaya nagmamadali na lang akong pumasok.


"Mom-" Napatigil ako sa pagsasalita ng makita si Kenzo kasama ang family niya!


"Oh! Buti naman nandito ka na! C'mon sit!" Sabi ni Mommy at pinaghila pa ako ng upuan.


Napatingin ako kay Kenzo na walang emosyon sa mukha. Umiwas din ako ng tingin ng magsalita si Mommy.


"Shall we eat?"


Tahimik lang ako habang kumakain at nagsasalita lang kapag nagtatanong si Mommy o sila Tita. Ganoon din naman si Kenzo.

Reminiscing Memories (Fernandez Series #1)Where stories live. Discover now