9

903 16 1
                                    

"C'mon!"


Gabi ng ng makarating kami dito sa beach resort nila Kenzo kaya naman, wala ng masyadong tao sa beach at madilim na. Sabi nga niya ay bukas nalang pero, atat na atat ako na maligo sa beach.


Hila hila ko siya papunta sa beach habang tumatawa, nakasuot ako ng loose t shirt at maong shorts. Siya naman ay naka boardshorts at white shirt.


"Whooo!" lumangoy agad ako kahit malamig ang tubig. I really need this, a break from work and papers. Sinabi rin kanina ni Kenzo na pina-alam na niya sa secretary na nag file na siya ng leave para sa aming dalawa.


Planado talaga, 'to, ah...


Tumingin ako kay Kenzo at nakita kong nasa may buhangin lang siya at pinapanuod ako.


"Let's go, Kenzo! Ang sarap kaya!" Kanina pa kasi siya nag rereklamo na malamig ang tubig.


Nang hindi parin siya gumalaw ay umahon ako at sapilitan siyang hinila.


"Laurene!" Tawa lang ako ng tawa habang hinihila siya.


"C'mon! Ang kj mo.." Napailing nlang siya at nagpahila na.


Nang maka lubog kami sa tubig ay napabuntung hiniga ako habang nakatingin sa buwan.


I hope this is the time for us to give each other a chance to express are like for each other. I hope he's willing to risk his fear for me, because I'm willing to fall in love again as long as it's him.


Nagulat ako ng may tumamang tubig sa mukha ko. Napatingin ako kay Kenzo na ngayon ay tumatawa habang sinasabuyan ako ng tubig, kaya naman sinabuyan ko din siya ng tubig.


Nang mapagod kakalangoy ay umahon kami at umupo sa may damuhan, kinuha naman niya ang robe namin at binigay sa akin ang isa. Nakangiti ako habang nakatingin sa kalawakan, mga maliliwanag na bituin at buwan ang nagbibigay ilaw ngayon sa madilim sa gabi.


Sana ganito nalang kami palagi, yung walang ilang sa isa't isa at masaya lang.


"What are you thinking?"


Napatingin ako kay Kenzo ng magtanong siya. "Hmm, iniisip ko lang na kailangan ko talaga ng ganito. Yung malayo sa stress, nakaka relax." Ngumiti ako at umiwas ng tingin.


"Yeah, we really need this. A quiet time." He looked at the night sky.


"Why did you bring me here?" Tanong ko at tumingin ulit sakanya.


"Because I know you need this, you look really stressed." My jaw droped.


"Excuse me?! Ako mukhang stressed?! Aba sa ganda kong to." I joked.


Reminiscing Memories (Fernandez Series #1)Where stories live. Discover now