16

835 12 1
                                    

"Ano bang ginagawa niyo dito?"


Nandito kasi sa office ko sila Kuya Zach, nangugulo. Buti nalang at wala akong masyadong ginagawa.


"We just want to see you, is that bad?" Kuya Axton raised his brow.


I rolled my eyes and looked at kuya Zach, holding his calming oil. Kuya Zach always have that with him, lalo na kapag may show siya. Not everbody knows that though.


"Where's Jeila?" I aked kuya Zach, pertaing to Jeila, yung girlfriend niya.


"May shoot siya ngayon." simple niyang sabi, tumango nalang ako. Ang cold talaga.


Napatingin naman ako kay Kuya Hanson na minamasahe ang balikat ko. Pansin ko lang na kanina pa siya nakatulala, parang ang lalim ng iniisip niya.


"Pst... Okay ka lang ba?" Tanong ko pero hindi siya sumagot at nakatulala lang. "Hanson? Leon Hanson!" sigaw ko kaya napabaling siya sa akin.


"Why are you shouting?" Parang inis pa na sabi niya at umupo sa tabi nila Kuya.


"Okay ka lang? Bakit ba ganyan 'yung mga mukha niyo?" Lahat kasi sila seryoso at hindi umiimik.


It's very unusual that they are quiet, usually kapag nandito sila magulo at maingay sila. Lalo na si Kuya Hanson.


"Huy!" tumayo ako at umupo sa tapat nila. "Huy! Okay lang ba kayo?"


Kuya Hanson sighed and closed his eyes. "Una na 'ko" tumayo na siya at lumabas ng office.


Napatulala ako.


What the hell is happening...


"I'm sorry, Laurene. We have to go, we will see you next time." Kuya Axton said and kissed my forehead, ganon 'din si Kuya Zach.


Naiwan naman akong nakatulala at nagtataka. I just sighed and stoop up.


Baka mga pagod lang...


Pagkatapos kong magtrabaho, I decided to call Kenzo. Pero nakakailang tawag na ako hindi pa'rin siya sumasagot. I texted him instead.


To: Love

Kenzo, 'san ka?


Ilang minuto na ang nakalipas at hindi pa'rin siya sumasagot kaya umuwi na ako. Pagdating ko sa condo, naligo lang ako at nanood ng movies.


Pagkatapos ng isang movie, tiningnan ko ang phone ko at nakitang hindi pa'rin nag re-reply si Kenzo.


To: Love

Love? Busy ka?

I sent him a message again, gabi na kasi dapat nakauwi na siya.

Reminiscing Memories (Fernandez Series #1)Where stories live. Discover now