2

1.7K 34 0
                                    

"Good Morning Laurene!"


Hindi ko napansin ang pag pasok ng mga pinsan at patuloy paring nakatulala. Hindi ko pa rin kasi makalimutan 'yung ginawa ni Kenzo. Kagabi ko pa siya naiisip, hindi ko alam kung bakit. 


What does that mean?!


Imposible naman kasing kilala niya ako eh nung party ko lang naman siya nakilala. Saka close ba kame para bulungan niya ako ng ganon.


"Kilala ba niya ko?" Mahinang bulong ko. Hindi naman siguro, 'di ba?


"Nino?" Napatalon ako sa gulat ng bumulong saakin si Hanson, ang pinsan ko.


Napahawak ako sa dibdib ko habang naghahabol ng hininga dahil sa gulat.


"Damn it! Hanson bat ka ba nangugulat?!" Hinampas ko pa pero tumatawa lang siya.


Hindi siya sumagot at patuloy lang na tumatawa. Bumaling ako sa kila kuya Zach at Axton na naka upo sa sofa ko dito sa office.


"What are you guys doing here?" Tanong ko habang tinatanggal ko ang reading glass ko.


Nagkibit balikat lang si kuya Zach pero sumagot naman si Kuya Axton. Kuya Axton is my cousin also, actually lahat sila. Kuya Axton is a business man also, isa din siyang CEO sa company nila. Si Kuya Axton and Kuya Hanson ay magkapatid, mas matanda si Kuya Axton.


"We are here to visit you, looks like you're so busy that you can't even text us or something." Parang nagtatampo pang sabi niya.


Minasahe ko naman ang sentido ko. "Look, I'm sorry. I've been really busy this past few weeks."


Dumagdag pa si Kenzo!


Naramdaman ko naming minasahe ni Kuya Hanson ang balikat ko kaya ngumiti ako sakanya. Kuya Hanson is a car racer, makulit siya pero alam niya kung kelan dapat seryoso, siya din ang pinaka sweet sakin.


"Pahinga ka muna kaya." Concern na sabi ni Kuya Zach.


Umiling ako." Kaya ko pa naman eh." Ngumiti ako sakanila.


Umupo na rin si Kuya Hanson sa tabi nila Kuya Zach. Seryoso na siya ngayon, alam kong pagsasabihan na rin niya ako.


"Thalia Laurene, you don't have to push you're self too much, pag hindi mo na kaya nandito naman kami." Buong pangalan ko ang sinabi niya kaya alam kong seryoso na talaga siya.


Ngumiti ulit ako at tumayo papunta sa kanila, gumitna ako kila Kuya Zach at Axton at nagpayakap. Agad naman nila akong niyakap kaya na relieve ako.


"Okay lang ako mga kuys! promise I'll tell you if I'm tired already." Ngumiti ako sakanila.


Even from the start we are already very close, protective din sila minsan sa akin. May mga times na nagkakatampuhan kami pero naayos din naman agad.

Reminiscing Memories (Fernandez Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon