7

913 21 0
                                    

"Ugh! I hate you, Axton!"


Iyan ang bumungad sa akin pagkapasok ko ng office ni Axton.


Tss ano nanaman kaya ang ginawa ni Axton...


"Shit! Laurene!" Nagulat ako ng magtago sa likod ko si Kuya Axton.


Nakita kong hawak hawak ni Sabrina ang maliit na halaman na dapat ibabato niya kay kuya Axton.


Sabrina is kuya Axton's childhood bestfriend.


Tumawa ako dahil mukhang takot na takot itong si Axton.


"Tigilan niyo nga yan." Natatawa kong sabi.


"Bwisit." Bulong pa ni Sabrina bago nilapag ang maliit na halaman.


Bumalik naman si kuya Axton sa swivel chair niya.


"What brings you here, Laurene?" Tanong ni kuya Axton.


"Wala lang, I just want to visit you." Umupo ako sa maliit na sofa kung saan nakaupo din si Sabrina.


It's three in the afternoon and wala na akong ginagawa sa office that's why I decided to go here.


"Kamusta ka na, Laurene?" Tanong ni Sab.


"Ganon parin, ikaw tagal na kitang hindi nakikita. Kahit same lang tayo ng building." Tumingin ako sakanya.


Same lang kami ng condo na tinitirhan ni Sab kaya nakakatawa dahil hindi man lang kami nagkikita.


Sab's family is also our friends family, mas close nga lang sila sa parents nila Axton.


Sabrina is very pretty, she has this beautiful brown eyes, and fair skin. Matangos din ang ilong niya at mapula ang mga labi.


I wonder why kuya hasn't fall for her yet..


"Musta lovelife?" tanong niya sa akin.


Umirap ako. "Alam mo na sagot diyan."


"Wait.....last week I went to my friends condo unit which is at your floor, tapos parang may nakita akong lalaki na lumabas sa condo mo." Nanlaki ang mata ko sa sanabi niya.


"What? Who's that?" I heard kuya Axton asked.


Well, wala namang ibang lalaki na pumupunta sa condo ko...


Kenzo!


Napapikit ako ng maalalang pumunta nga pala si Kenzo sa condo ko.


Reminiscing Memories (Fernandez Series #1)Where stories live. Discover now