- deuxième -

Magsimula sa umpisa
                                    

"C-Cedric. A-Ano'ng ginagawa mo dito? Classmate ka ba namin kay Prof. Braganza?" ewan ko na! Hindi ko na alam ang sasabihin!

Nginitian niya ako. "Unfortunately, not. Pero gusto lang kita dalawin. Wala namang masama doon 'di ba?"

Napaatras ang tingin ko sa kanya. "Ha?" wala talaga akong idea kung bakit siya nandito.

Nagulat na lang ako nang sumulpot si Andie sa likuran ni Cedric. "Actually, gusto kang makasama nitong si Ced so he bought pizza and pasta for you. Isn't it cute right?"

Nagtilian na ang mga kaklase ko at tampulan ng asaran. Aware akong sobrang pulang-pula na ang mukha ko at hindi ko na rin alam ang gagawin ko. Bakit ba naman kasi biglang nagkaganito si Cedric bigla!

"Can we go out?"

Wala na, hindi ko na narinig ang ingay ng mga kaklase ko dahil 'yung dagundong na lang ng puso ko ang nararamdaman ko.

 x - - - - - - - - - - x

Nasa botanical garden kami ngayon ni Cedric. Grabe, ang nostalgic lang. Ito rin kasi 'yung place kung saan pinagtanggol niya ako sa grupo nina Minna. At dito ko rin unang inamin sa sarili ko na mayroon nga akong espesyal na pagtingin sa kanya.

Nagsimula kaming kainin 'yung pizza at pasta na dala niya. Sabi niya pina-deliver niya ito galing sa Yellow Cab sa labas ng University.

"Masarap ba?" nakangiting tanong ni Cedric sa akin.

Tumango ako. Nang mapansin ko na titig na titig siya sa akin, inilayo ko ang tingin ko. Nakaka-conscious naman kasi e! Tahimik lang kami habang kumakain. Wala din naman akong maisip na topic na pwede naming pag-usapan. Aaminin kong mahiyain ako at hindi rin ako friendly.

"Pasensya na ah, kung boring akong kasama." nakatingin ako sa paanan ko habang umiinom ng coke in can.

Natawa siya. "Ayos lang 'yun ano. I find you interesting. Who says you're boring?" ang cool talaga ni Cedric. The way he talk and move, everything. Kaya 'di rin ako magtataka kung bakit maraming babae ang nagkakagusto sa kanya kasama na ako.

Hindi ako sumagot, nanatili lang akong nakayuko. Naramdaman ko na lang na inangat niya 'yung chin ko tapos nginitian niya ako. Ang ganda ng pagkakangiti niya sa akin, maaliwalas, 'yung pantay-pantay at mapuputi niyang ngipin ang isa sa mga dahilan kung bakit mas nagiging gwapo siya sa paningin ko. Ang mapungay niyang mata--arrgh! In love na ba talaga ako?

Eh hindi ko naman kasi alam kung anong pakiramdam ng in love! Hindi ko rin alam kung ito bang mga nararamdaman  ko sa kanya ay sintomas na in-love na ba talaga ako sa kanya.

"You know what, this is weird but you're actually knocking off my feet, Suri."

"A-Ano?"

Yes, I understand English fluently. Pero hindi ko alam kung bakit biglang 'di ko naiintindihan ang ibig niyang sabihin! Tumawa siya ng mahina. Nakakahiya tuloy! Pakiramdam ko katawa-tawa ako sa paningin niya.

"I mean, you got me interested towards you." ayan na! Nasabi niya na. Sobra 'yung kabog ng dibdib ko.

"You're kidding, right?" hinarap ko siya.

"I'm not a joker, Suri. Alam ko kapag interesado ako at may gusto ako sa isang babae."

"So you're saying that you like me?" I know parang ang inosente pa ng dating ko pero parang 'yun lang naman ang puno't dulo ng sinasabi niya e.

T-in-ap niya ang ulunan ko tapos umupo siya ng maayos. Tumingala siya sa kaulapan samantalang ako naman ay nakatingin sa kanya. As usual, malakas pa din ang tibok ng puso ko.

"I'd be dumb if I say I didn't like you."

"Why me? There are any better girls out there who likes you so much..." mahina 'yung pagkakasabi ko pero enough para marinig niya.

"But I'm not interested with them as much as I'm interested with you." seryoso niyang sabi.

"P-pero ano bang nagustuhan mo sa akin? Hindi naman ako kagandahan, simple lang ako, hindi rin ako kasing talino tulad mo--"

*tsup!*

Natulala lang ako nang biglang halikan niya ako sa pisngi. Hindi na ako nakaatras pa o nakatanggi. Masyadong mabilis ang pangyayari.

"Wala naman akong pakialam sa panglabas ng kaanyuan mo, o kung sosyalera ka ba, Dean's Lister o kahit ano pa. Ang mahalaga 'yung ikaw mismo."

"C-Cedric--"

"I like you, that's it."

"P-per0--"

"No buts, I want you to be mine. I'll do my best just to get straight into your heart."

At dahil sa sinabi niyang iyon, finally, napakinggan ko na rin ang sinasabi ng puso ko. Na-in love na nga ako kay Cedric Gonzalvo sa napakaikling panahon.

Your Boyfriend SucksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon