"Sige na pumunta na kayo sa unahan VIP kayo kaya libre na din." iling na lang ang tanging naisagot ko sa kaniya. Panay din ang puri ng ilang kaklase nila sa amin.
Hindi na umangal ang mga nakapila nang makarating kami sa unahan parang expected na din nila, ngiti lang ang sagot nila sa amij bago kami tuluyang makapasok sa loob.
Nanlamig ako nang makapasok na kami sa loob malakas na sound effects ang bumabalot sa classroom nila, kahit madilim nakikita ko at masasabi ko na super effort din sila, maganda ang mga props na ginamit nila, ginawa nilang mini maze para daw may twist.
Malalakas na sound effects, mga na pupunding ilaw (baka kulang budget nila sa ilaw kaya pundido na binili), mga maniquins na siyant nakabihis ng mga nag gagandahang damit.
Panay ang kapit nilang tatlo sa isa't isa, totoong nakakatakot naman talaga isama mo na ang nakakagulat na sound effects tapos ang mga letchutas na nang gugulat.
"AHHHHH!" nauunang sigaw ni Hasha.
"MAMAAAA, UUWI NA AKOOO!" na siyang sinundan ni Hera.
"GUSTO KO PA MABUHAY!" at ang nag hi-hysterical na si Mina.
"DYOSA AKO PANGIT NA MULTO KA LANG!" hindi ko alam kung bakit 'yun ang lumabas sa bibig ko.
Puro tilian at tulakan ang ginawa naming apat paikot ikot na kami sa maze nakakailang dasal na ako para makalabas na kami, sadyang malakas ang Guardian angel ko natatanaw ko na ang hangganan nito.
Nasa hulihan na din kami ng maze nang may gumulat na naman sa amin apat na nakasuot ng itim na damit at pandemonyong headband hawak hawak pa ang mga malalaking tinidor na laging dala ni Kamatayan.
"LUMAYAS KAYO SA HARAPAN KO LETCHUGAS KAYO!!" sigaw ko sa kanila na ikinatawa nila ng bahagya.
"KUNIN NIYO NA AKOOO!"
"AYOKO NA DITOOOOO!"
Panay lang ang atungal ni Mina hanggang makalabas kami. Tawang tawa kami sa pag mumukha ng aming chickadorang kaibigan.
"Ayoko na doon! Mamamatay ako!" halos paiyak na niyang sabi.
Kasunod naming lumabas ang apat na lalaking naka suot ng itim kanina, napag alaman ko na ang tatlong itlog at ang balot. Malakas na tawanan ang ibinungad nila sa amin.
"You're so beautiful, young lady..." bulong sa likuran ko na siyang ikinatinding ng balahibo ko.
Tuesday na ngayon at tapos na din ang mga booths buti na lang booths ang sa amin dahil by schedule ang food stalls para naman may pagkain kaming mabibili sa loob ng isang linggo, dahil nangyari na 'yun mas naging kilala pa kami sa BHU. Laking ipinagpapasalamat ko dahil walang humila sa akin sa Wedding Booth. Ngayong Tuesday daw mag hahanap sila ng mga sasali sa mga contest.
Mayroong, Slogan contest, Poster making contest, Singing, Dancing, Spoken poetry, pageant at kung ano ano pa, pinipilit ako ng section namin na mag represent para sa Pageant, madalas naman akong sumasali kaya walang kaso sa akin 'yun, dahil isa akong dyosa hindi na ako umatras.
Napiling sumali ni Hasha sa Spoken poetry pambato na din daw siya simula elementary pa sila, at Poster making naman itong si Hera, at ang isa pang ikinagulat ko ang dancer na si Mina, may grupo na pala siya dati pa at sila ang laging panalo.
Sobrang saya kahapon dahil sa mga booths na napuntahan namin, at kahit tapos na ang Photo Booth namin panay pa din ang nag papapicture sa amin.
Inilista na namin ang mga pangalan namin sa contest na sasalihan namin, Wednesday gaganapin ang Spoken poetry at Poster making, at sa Friday ang Dance contest sa umaga, Pageant sa gabi.
YOU ARE READING
THE PATH FINDING THE CURE (On-going)
Teen FictionAre you willing to sacrifice your life for others? Are you ready to fight to save them? Are you ready to go through the path of death? Do you accept that you will be the solution to solve this situation? Or you will be the cause of everyone's death?
PATH FOUR
Start from the beginning
