Hindi mag kamayaw ang mga nag papapicture at ang mga nakapila sa labas ngayon, panay ang tilian ng mga babae sa mga makikisig na lalaki na siyang una mong makikita sa pagpasok mo.

Paano ba naman ibinalandra ba naman ang mga abs nilang apat, yes may abs silang apat alagang gym kahit mga bata pa, kabataan nga naman.

Ngayong Monday, naka assign ang mga booths kaya naman dapat na 'tong sulitin, kinahapunan na at halos na yata ng mga mag aaral ng BHU nakapag pa Photo Booth na isama mo na ang ilang professors, facilities, at iba pang laman ng BHU.

Nagulat nga ako dahil pa din si Tatay Amando narito din. Si Tatay Amando ay si Kuya Guard na siyang naging tatay tatayan ko dito.

"Nako! Hija nahihiya akong lumapit sa'yo napakaganda mo."

"Grabe naman po kayo Tay, ako lang 'to si Xian."

Siya lang din ang pinayagan ko na tawagin akong Xian, hindi ko inaakala na may pangalawang ama ako na makikilala dito.

Isang shot lang ang nagawa namin ni Tatay Amando dahil sapat na pera lang daw ang dala niya at inilaan niya talaga para sa akin ngayon but I insist to treat him that's why we take a different shots.

Nag paalam na siya kaagad sa akin at babalik na sa pwesto niya tumakas lang daw siya, nakakataba ng puso dahil nag sacrifice talaga siya para lang makita at makapag picture sa akin.

"Tara tayo naman mag picture mukhang wala naman yatang dadating, para may remembrance tayo." ngising sabi ni Hera na ikinatuwa naming lahat.

"Okay girls, give me your best shots." si Gordon na ang kumuha ng litrato sa amin dahil siya ang pinakamagaling kumuha.

Ilang shots na ang nagagawa namin bago ko maisipang tawagin ang apat na adonis na mukhang mag bibihis na yata.

"Boys sumama na din kayo sa amin!" tawag ko sa apat na adonis.

Agad na silang lumapit at tumabi sa aming apat si Mina at Wesley ang siyang magkatabi ngayon na sinundan ni Hasha at ni Kryton, at kasalukuyan kong katabi si Zean habang sa dulo naman ay si Hera at Jiron.

Walang katapusang pose ang ginawa naming walo bago kami matapos. Saglit akong pumunta sa pwesto ni Gordon para sabihing akin na lang 'yung isang camera dahil mahilig din akong kumuha ng mga pictures.

Makalipas ang ilang oras napagpasyahan namin na mag linis na para naman makapunta din kami sa ibang booths, pinili naming mag kakaibigan na huwag nang tanggalin ang costume namin.

Pagkalabas namin ng classroom agaw pansin talaga kami dahil sino ba naman ang hindi mapapalingon sa mga dyosang katulad namin, may ilan pang nag papicture sa amin habang nag lalakad kami at 'yung iba ayun tulala na.

"Feel na feel talaga ni Mina!" iritableng bulong ni Hera sa akin.

Tumango na lang ako bilang sagot kay Hera mainis lang talaga ako dito kay Mina batukan ko na 'to.

Nakarating kami sa iba't ibang booths at relay games, muntik pa kaming madawit sa Jail Booth, ampangit naman kung ikukulong ang mga dyosang katulad namin.

"GIRLS!!" sigaw na siyang nakaagaw ng atensyon namin. Patakbong palapit si Brind sa amin.

"Tara punta kayo sa booth namin." alok niya sa amin, kung maaalala ko Horror Booth ang sa kanila kaya pala gano'n suot nila kanina. Hindi naman siguro masisira ang ayos namin kung lulusong kami doon 'di ba?

"Ano papayag ba kayo?" tanong ko na lang sa kanila, at sabay sabay naman silang tumango.

Panay ang papuri ni Brind habang dinadala kami sa booth nila, panay na lang ang pag papabebe ni Mina, kaya panay din ang irap ko sa hangin. Hindi din nagtagal nakarating na kami at mahaba ang pila.

THE PATH FINDING THE CURE (On-going) Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin