Nag kani-kaniya na kami kung kanino sasakay, dahil puro motors ang dala nila angkas-angkas na lang kami.
Si Hasha ay angkas ni Brind, habang si Mina ay angkas ni Ken, at nakakagulat na si Hera ay angkas ni Nemar, si Wesley at Jiron naman ang magkasama, si Frank at Kryton naman, at kami ni Zean ang magkasama. Anim na motor ang magkakatabi sa paradahan. Halatang mga mayayamann ang nag-mamay-ari.
Kani-kaniya na kaming suot ng helmets at jackets dahil medyo mainit na din sa balat ang araw dahil tanghaling tapat pa, oo tapat hindi likod.
"Nakatulog ka ba ng maayos?" tanong ni Zean habang inaayos ang motor niya.
"Uh, pwede na hehe." pilosopo kong sambit.
Pinitik na lang niya ang noo ko at pinainit muna ang motor niya, ilang minuto ang lumipas bago sumakay ang lahat. Kami ni Zean ang nauna dahil siya ang manglilibre e. Bahala na din siya kung saang restaurant or fast food kami.
Sabay-sabay na umarangkada ang anim na nag gagandahang motorsiklo, agaw pansin ito sa lahat sa nag-gagwapuhan at nag-gagandahang ba naman ang sakay ng mga motorsiklo na ito, dahil sa bilis nilang magmaneho na akala mo ay hari sa kalsada, agad kaming nakadating sa pagkakainan namin.
Isang restaurant ito, akala ko fast food e, isa-isa kaming pumasok sa loob at naghanap ng bakanteng pwesto para sa amin, at dahil madami na naman kami, sa taas na kami tumambay, tulad ng dati pinag-dikit-dikit namin ang mga lamesa at mga upuan, kami na ang nag-ayos nkakahiya naman sa mga crww e hehe.
"Ano ba gusto niyong kainin?" sambit ni Zean.
At dahil doon nagkagulo-gulo ang mga alaga naming aso,, este mga kaibigan nain, akala mo mga taong hindi pinakain sa loob ng isang taon, pero hindi ko sila masisisi, hindi kasi kami nag-agahan. Paano ba naman kasi ang haharot e.
Imbis na bumili ng mga pagkain, ayon mga naglaro ang loko, kasalanan na nila 'yan tsk.
Dahil mga mukhang tigreng gutom na ang lahat kami na ni Zean ang bumaba upang mag-order ng kakainin naming lahat.
"Kawawa naman sila mga gutom na." biro kong sambit.
"Oo, kaya nga eat all you can itong pinuntahan natin e."
Nag-ningning ang adorable eyes ko dahil sa aking nadinig, "Eat all you can." girl, blessing na 'to, dahil sa tuwa ako na ang nauna kay Zean.
Nadinig ko pa na bahagya itong tumawa, pagdating ko sa counter nakakatulo-laway, ang sarap ng mga pagkain dito. Natameme ako sa mga nakita ko, si Zean na ang siyang kumausap sa counter kasi abala pa ako sa pagtitig sa mga crew, char syempre sa mga pagkain.
"Hoy, tara na kanina ka pa nakatulala diyan." sambit ni Zean sa likuran ko.
Agad akong tumakbo papalapit sa kaniya at nag peace sign. Grabe naman pagkasabik ko sa pagkain, hindi ko namalayang tapos na siya mag-oder.
"Sorry na, nakakagutom kaya!" maktol ko dito.
"Tara na, maya-maya dadating na 'yung mga inorder ko." sambit niya na lalo kong ikinatuwa.
Pag-akyat namin, bumulantang ang mga kasama naming sugatan at nag-aagaw buhay, charot. Parang mga taong iniluwa ng langit ang mga itsura nilang lahat. May nakahiga sa ibabaw ng 'mesa, at sa mga upuan may nakahiga rin at naka-upo, at ang iba ay nasa sahig pa nakahiga.
"Bumangon nga kayo! Para kayong mga sira diyan!" sigaw ni Zean sa kanila.
Mabuti na lang at kami lang ang nandito sa taas, kung hindi nakakahiya sa ibang tao, walang nakinig sa tinuran ni Zean kaya naman naupo na lang kami at hinintay ang order namin. Dahil umandar ang precious mind ko.
YOU ARE READING
THE PATH FINDING THE CURE (On-going)
Teen FictionAre you willing to sacrifice your life for others? Are you ready to fight to save them? Are you ready to go through the path of death? Do you accept that you will be the solution to solve this situation? Or you will be the cause of everyone's death?
PATH NINETEEN
Start from the beginning
