"Opo, kami hungry na po." sumunod na sabi ni Hasha.

"Mommy can you make bilis na po." hanggang sa nakisali na ako sa kanilang dalawa.

"Mag sitigil kayong tatlo 'di ko kayo pakainin diyan." halatang irita na ang aming Mommy.

Natapos ang hapunan na puro tawanan, si Hasha ang naghugas ng pinggan, at isa-isa na kaming nag-night routine nang matapos ako inayos ko na ang hihigaan at papanoodin namin, umakyat na si Hasha dala ang mga pagkain.

"Anong magiging ganap natin ngayon?" tanong ni Hera.

"Ano pa nga ba e 'di mag puyat, mag kwentuhan, mag-asaran at manood ng kung ano-ano."

Hay nako ewan ko ba sa kanila tahimik na lang ako na nanonood sa kanila habang nagtatawanan. Ilang oras ang tinagal namin kakausap at kakanood.

Lumipas ang Sabado at Linggo ko na mag-isa lang ako sa bahay dahil wala pa rin sila Mama rito sa bahay pagbabasa at panonood lang ang ginawa ko sa loob ng dalawang araw na iyon at hinintay lang na dumating ang Lunes na siyang simula ng aming Foundation Day.

"Sabi kasi namin sa 'yo na riyan muna kami para may kasama ka!"

"Ano ba kayo, okay lang naman ako rito and also to spend time with your families." daing ko na lang sa kaniya.

"Whatever Colland!" umirap na lang sa hangin si Hera.

Tinapos na namin ang chikahan namin sa video call at tuluyan na akong nagliwaliw sa bahay, naglinis ako ng bahay at nagpatugtog na lang.

Today is Monday again, and Foundation Day na maagang pumunta sila Mina rito, wala na naman sila Papa dahil may business meeting sa UK, nang makumpleto na kami dumiretso agad kami sa BHU.

Dala namin ang mga kakailanganin namin, at tulad ng inaasahan abala na ang lahat, dumiretso na kami ng restroom at nagpalit na ng damit.

I wear white off shoulder above the knee dress, with two gold belt white cape that connected into my wrist also with gold bracelet, and six inch high heels, I let my long Brazilian hair, and wear my yellow flower crown. I also do the light make up, kapag katulad kong mga dyosa hindi na kailangan ng magarbong ayusan.

I saw Hera, she looks stunning, she wears plain cream long fitted gown with slit on her right leg, also with six inch high heels, she curls her brown shoulder length hair also wear her white flower crown, and light make up too.

"You look so stunning Hera!" I praised her.

"You are a real goddess Xirid..." she said with her teary eyes.

Mina looks simple but appealing with her long peach gown, with five inch high heels, also she braids the half of her hair and wear her pink flower crown, she just put lipstick and powder, then voila perfect.

"Your gown looks simple but it's more appealing, Mina!" Hera told Mina.

And lastly Hasha walks with her maroon long dress, also curls her black long hair wearing her red flower crown, wearing a four inches heels like with Mina, she simply puts powder and lipstick.

"Bakit ba kasi mga dyosa tayo!" maarteng sabi ni Mina.

Ilang asaran at tawanan pa ang ginawa namin bago kami tuluyang lumisan ng comfort room..

"Tara na nga punta na tayo sa room." yaya ko na sa kanila para naman masilayan na nila ang kagandahan namin.

Nang tumapak kami papasok sa loob pansin ko ang nga sulyapan ng mga kalalakihan na nandito sa loob ng classroom namin. Ilang mura pa ang narnig ko bago kami tuluyang nakalapit sa kanila.

"Ganito ba talaga kapag dyosa? Sobrang ganda?" maarteng sambit ni Mina.

Katulad ng inaasahan ko ilang pambabatikos na naman ang makukuha niya.

"Tulog mo na lang 'yan Mina."

"Kain ka muna baka gutom ka na."

"Kulang ka ata sa tulog."

Walang katapusang purihan ang ginawa naming mga dyosa sa isa't isa hanggang sa nag vibrate ang phone ko.

From: Mama
Good luck sa inyo Xirid, sayang wala kami ni Papa mo ngayon nag send ka ng picture mo para makita ka namin ni Papa mo.

Saglit akong nag reply sa kaniya.

To: Mama
Sige po ingat po kayo ah, love you both po!

At tuluyan ko nang tinago ang cellphone ko at itinuon ang atensyon sa mga kasamahan ko at sa iilang tao na pumupunta rito.

Wala na namang tao na napapadpad dito kaya naman kinuha ko na lang muli ang cellphone ko at nilibang ang sarili ko at tumunog na naman ang cellphone ko kaya naman tinignan kung sino ang nagpadala ng mensahe.

From: Unknown number
You really look beautiful, elegant, gorgeous, and stunning young lady, can't wait to take a picture with you...

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

-cassioussness

THE PATH FINDING THE CURE (On-going) Where stories live. Discover now