"Ingat kayo, nag-enjoy ako ng sobra." pagod kong paalam kay Hera na nag-iisang gusing.
Tumango na lang siya sa akin at nagsimula nang paandarin ang kotse niya, hinintay kong mawala sa paningin ko ang minamaneho niya bago ako pumasok sa loob.
Sinigurado kong na-lock ko ng maayos ang gate at ang pinto namin, halos twenty paper bags ang nakasabit sa magkabilang braso ko, ibinaba ko agad ito sa gilid ng kama ko at sumalampak saglit sa kama.
Pagkadaan ng ilang minuto naglinis na ako ng katawan at inayos saglit ang mga pinamili namin, nakasandal lang ako sa headboard ng kama ko nang tumunog ang cellphone ko.
From Unknown number:
Sleep tight my Queen, don't let the bugs bite you. Good night.
Maaga ulit akong gumising, Tuesday pa lang ngayon pero parang gusto ko na lang na huwag pumasok, puro meeting na lang kasi sila. Nagbago ang isip ko nang may nag-chat sa GC namin, dapat daw pumasok ang lahat dahil preparation pala para sa Foundation Day.
"Nako Master Boss, matutuwa ka sa Foundation Day rito, madami ang pakulo ng BHU." masayang sambit ni Brind sa akin.
Kasalukuyan na kaming papunta sa BHU at panay ang kuwento nila kung gaano kasaya kapag Foundation Day. Dahil seniors na kami kailangan talaga kami dahil isa rin kami sa mga gagawa ng iba't ibang mga booths, foods at kung ano-ano pang pakulo.
Mabilis akong hinatid ng tatlong itlog at kumaripas agad sila ng takbo, excited daw sila sa magiging paandar ng section nila.
Katulad ng nakasanayan ng tatlong dyosa kong kaibigan, naka-abang na sila sa may pintuan at nag-uusap usap, ngisi ang sinalubong nilang tatlo sa akin, sabay-sabay na kaming pumasok at umupo sa pwesto namin.
Dumating na si Ms Helina para ipaliwanag ang mga dapat naming gawin, hinati sa dalawang grupo ang section namin, isa para sa booth at isa para sa foods. Masaya kaming magkakaibigan dahil sa booth kami napunta, binigyan na kami ng oras ni Ms Helina para mag usap-usap.
Si Gordon ang nag-lead sa amin para sa gagawing pakulo sa booth namin, twenty-five kami sa grupo at napag desisyunan naming lahat na mag-Photo Booth na lang, and guess what kami lamg naman ang magiging models na naka-display.
Pinag-usapan na namin ang magiging ambagan namin, para kinabukasan makabili na ng mga materials at maisagawa na namin ang booth namin.
Napag-alaman ko rin kay Sheena na siyang naging leader na mag-aasikaso sa foods, pinili nilang mag-milktea at fries, well iba talaga kapag mayayaman.
"OMG, excited na ako sa magiging costume natin!"
Halos lalaki ang mga napunta sa amin, apat na lalaki at kaming magkakaibigan ang naging models, at may walo ring magiging photographer para sa bawat isa, dalawa ang nasa entrance at dalawa rin sa exit, ang natitirang tatlo ang naka toka sa sounds at taga abot ng kung anong kailangan namin at taga assist ng mga pupunta ng booth namin.
"Sabi ni Gordon, mga gods and goddesses ang i-m-model natin!"
"Hell yeah! Bagay lang para sa mga dyosang katulad natin duh!" simpleng sagot ko na lang.
One week lang ang preparation namin, dahil buong third week ang celebration ng Foundation Day, kasalukuyan kaming nasa cafeteria kasama ang tatlong itlog at ang balot. Naikwento ni Nemar na Horror Booth daw ang sakanila.
Nang nalaman nila na Photo Booth ang sa amin, sila raw ang magiging first customer namin, kaya nakisabay na lang kami sa kalokoham nilang tatlo.
Dumaan ang Wednesday na siyang pagsisimula namin para sa design ng classroom, at ang paggawa ng maliliit naming stage, pinili na lang na maging open kaysa gumawa pa kami ng mga box para mag mukha kaming mga manika, mas maganda kung open para magkasya at makagalaw kami ng maayos.
YOU ARE READING
THE PATH FINDING THE CURE (On-going)
Teen FictionAre you willing to sacrifice your life for others? Are you ready to fight to save them? Are you ready to go through the path of death? Do you accept that you will be the solution to solve this situation? Or you will be the cause of everyone's death?
PATH THREE
Start from the beginning
