Buti na lang may mga dala kaming extra na damit, kaya nagpalit muna kami bago kami pumunta ng mall. High waist short at crop top lang ang suot ko, si Mina maong shorts at cropped top off shoulders, ganda niya, si Hera high waist ripped jeans at tube shirt, at si Hasha kulay blue na racer back at short, ang simple pero may dating.

Minsan gusto ko na lang kantahan si Hasha ng hashaby don't you cry, magiging cocomelon pa ako dahil sa pagka-bipolar ni Hasha.

"Let's go girls." si Hasha na ang humila sa amin, jusko mahabagin, parang kanina lang ang tahimik tapos ngayon siya pa ang nangunguna.

Sumakay na kami sa kotse ng aming driver na si Hera, dahil mala racer ang pag mamaneho niya nakarating kaagad kami sa pinakamalapit na mall sa BHU.

Una kaming pumunta sa bilihan ng pagkain kung saan habang nag lalakad kami ay may kinukutkot kami, chips, drinks at kung ano-ano pa ang binili namin, sapat na rin 'to para sa snacks namin.

Hinila ako ng tatlo papunta sa store ng mga damit at make up, tuwang tuwa sila dahil may bagong dating 'yung mga brand na binibili nila.

Bumili na rin ako ng mga facial wash ko at iba pang essentials, nahuli ng mga mata ko ang hagikgik nilang tatlo habang tinitignan ang mga make up kits doon. Bumili rin kami ng mga matchy-matchy na damit at kung ano-ano pang stuffs.

Nadagdagan na naman ang matchy-matchy stuffs namin, mag wawaldas na naman kami ng pera ngayon. Masaya rin ako dahil may makakasundo ako pagdating sa mga ganito. Pero grabe itong si Hasha, siya pa ang nangunguna sa amin, iba ka girl.

Kung ano-ano ang ipinasusukat nila sa akin, at ganoon din sila, nag-picture-picture kami para raw memories, at may ma-upload sa social medias namin. Madaming stores and botiques pa kaming napuntahan.

Super enjoy ko talaga dahil sa buong buhay ko mag-isa ko lang tong ginagawa.

Pagkalabas namin sa pang pitong store nagtanong agad itong si Hasha. "Ano pa gusto niyong gawin?" habang ginagala ang mga mata, naghahanap kung saan maaari pa kaming magtungo.

"Pagoda na ako tambay na lang tayo." pag-aawat ni Hera sa kaniya, halata naman sa mukha niya, at mukhang nabahiran na rin sila ng kapaguran.

Naisipan namin na umupo na lang sa bench na malapit sa may Cinema, iniisip ko rin kung minsan ay makapag get together kami at magkaroon ng bucket list na gagawin namin.

Naisipan ko na pumunta ng book store kaya nag paalam na muna ako sa kanila. "O sige dito muna kayo punta lang ako bookstore, titignan ko kung may bagong dating na books."

Hindi lang ito kalayuan sa kinaroroonan namin kanina, kakaunti lang ang mga tao na gumagala ngayon dito sa mall. Nakarating na agad ako sa isang book store, dahil halos maglagi na ako sa iba't ibang book store alam ko na kung saan nakalagay ang mga librong gustong gusto ko, kumuha lang ako ng mga limang libro, na siyang gustong gusto kong basahin at binayaran na ito.

Sakto lang ang pag bisita ko sa book store na 'to dahil kakarating lang ng mga panibagong publish ng mga pinakamamahal kong authors.

Pagbalik ko, nakita ko mga mukha nila na akala mo ay pinagbagsakan ng langit at lupa, pero dahil ginusto nilang mag mall kami, hinila ko sila sa timezone.

Bumalik ang sigla nilang tatlo, well sa tuwing nasa mga arcades kami para kaming mga bata na kakasuweldo lang ng mga tatay namin. Hindi rin nagtagal naawa na ang dyosang katulad ko kaya naisipan na naming umuwi na lang para makapagpahinga.

Si Hera na ang nag hatid sa aming lahat, dahil siya lang ang may dalang kotse, naubos ang lakas namin kanina kaya nakaidlip ang dalawa, dahil sa malapit ang bahay namin ako na ang naunang inihatid.

THE PATH FINDING THE CURE (On-going) Where stories live. Discover now