Pababa na ako at narinig kong nagtatawanan sila sa sala. Narito na ang tatlong itlog, nasanay na rin ako na maaga silang pumupunta rito, para na rin maaliw sila Mama. Patuloy lang na nagkukwento si Nemar kay Mama at halata naman na tuwang tuwa si Mama. Tumungo na lang ako sa kusina para kumain, dahil alam kong sumabay na sila kanila Papa kanina.
Kaya lang naman sila maagang pumupunta para may almusal sila mga abusado talaga. Sa isang linggo na ganito ang nangyayari nasanay na rin ako na may feeding program sa bahay.
"Ang ganda talaga sa bago mong school, instant bodyguard ka pa, isang linggo ka na tin pala roon." asar na bulong ni Mama matapos akong makita na palabas sa kusina, hindi pa rin siya nakakamove on sa tatlong itlog. Umirap na lang ako at nagpaalam sa kaniya, dahil nasa trabaho na si Papa.
"Paki ingatan si Xian huh." bilin ni Mama sa tatlong itlog. Humalik na ako kay Mama, nasanay na akong si Brind ang taga-dala ng mga gamit ko, kaya hindi na ako nag-abalang kunin ito.
"Opo, Tita Xindy. Thank you po sa almusal hehe." si Ken na ang nagpaalam kay Mama, at agad na itong sumunod sa amin.
"Good morning Master Boss." bati niya ng makapasok na siya sa kotse. Si Nemar ang nasa driver seat, at si Brind ang nasa passengers seat, at kaming dalawa ni Ken ang nasa likod.
"Master Boss, 'musta ang tulog mo?" tanong ni Nemar habang tutok sa daan.
"Pasensiya na Master Boss, nakikain na naman kami haha." sambit ni Nemar.
Anong bago doon? Isang linggo na nga kayong may supply e.
"Ayos lang naman haha, 'tsaka ano ba kayo okay lang 'yun." tinuon ko na lang sa labas ang atensyon ko, nagpatugtog na lamang si Brind para hindi tahimik sa loob.
Biglang naalala ko si Mina sa 'di malamang dahilan kaya napalingon ako kay Ken. Nakangiti ito habang tutok sa cellphone niya, sinilip ko at nakita kong si Mina ang ka-chat niya. Chismosa rin ako e.
Matagal na rin silang lumalabas dalawa, nagkakamabutihan na talaga sila, at mukhang mate talaga sila, ayan 'mate' pa nga kakabasa ko ng mga fiction stories 'to e.
"Uy! Kahit na isang linggo ko pa lang na kilala si Mina huwag mong sasaktan 'yan dahil mananagot ka sa akin." banta ko rito, at tila nanlambot siya sa sinabi ko.
Masasabi ko na takot ang tatlong itlog na 'to sa akin, dahil nakikita at nakikilala na nila ako sa loob lang ng isang linggo.
"Oo naman Master Boss, matagal ko na rin siyang gusto, kaso torpe ako pagdating sa kaniya. Pero ngayon lalakasan ko na ang loob ko." napangiti ako sa sagot niya sa akin, halatang determinado nga ito.
Pero bakit ka kasi torpe tsk.
"At saka takot ako sa'yo Master Boss." pagsuko nito at taas pa ng dalawang kamay. Bahagya ko na lamang siyang hinampas sa braso at tumawa.
Binalik ko na lang ang atensyon ko sa labas, at hinintay na makarating sa Campus. Hinatid nila ako sa room ko, hindi naman nagkakalayo ang mga classrooms namin, sa totoo lang sa kabilang building pa talaga sila dahil STEM ang strand nila.
12A-HUMSS kami at 12A-STEM sila sa kabilang building, iisang floor lang kami, kaya hindi na hassle para sa tatlo dahil tatawid lang naman sila sa maiksing bridge na konektado sa kabilang building
Sinalubong na naman ako ng tatlo, mukhang routine na nila 'to. Pinaupo muna nila ako bago na naman kulitin.
Sobrang saya naming apat noong Sabado, dahil sa pagod ko, hapon na ako gumising noong Linggo, pero nagsimba pa rin ako, dahil iyon na rin ang nakasanayan ko.
"Alam mo Xirid, ngayon lang 'yan ginawa n'ung tatlo, kasi sa totoo lang bully sila rito at lahat takot sa kanila, pero sa'yo lang tumiklop haha." entrada agad ni Hera.
Paulit ulit na lang girl.
"Ang swerte mo, baka ipagpalit mo na kami." pagmamaktol nito sa akin, hilain ko buhok mo e.
"Arte naman, siyempre kayo pa rin, kayo kaya ang unang tumanggap sa akin rito." aba bully pala ah, patay kayong tatlo sa akin.
Sa isang linggo na narito ako, hindi nila pinaramdam na iba ako, totoo nga sila sa akin, kitang kita sa galaw nila. Nang dumating ang Prof. namin, umayos na kami ng upo at nakatuon ang atensyon sa lessons. Seniors na kami, at ngayong taon graduating na kami, kaya dapat kaming magsipag, para makatungtong na sa College.
'Di kalaunan natapos ang oras para sa subject na 'to. Dalawang oras ang vacant time namin dahil may meeting na naman ang mga teachers.
Sinabihan ko ang tatlo na mauna na lang sila, at susunod na lang ako. Pumunta agad ako sa tambayan nilang apat.
Halatang nabulaga sila sa biglaang pagpunta ko rito, agad na lumapit 'yung tatlong itlog
"Ano 'yung nababalitaan ko na bully daw kayo rito aber?" nagsimulang manlumo ang mga mukha nila.
"Hala! Master Boss sorry na." nangungunang sabi ni Brind.
"Master Boss, dati pa 'yun huhu sorry na." sinundan pa ni Ken.
E'di inamin niyo nga duh. Nag-iinit ang skeletal system ko sa mga 'to, patuloy lang sila sa pag sosorry sa akin isang mahinang tawa ang narinig namin sa katahimikan na bumabalot ngayon.
Saglit naming tinignan ang lalaking kalmado lang na nakaupo at tumatawa.
"Hoy! 'Di ba kasama ka rin!"
Naiiling na lumapit si Pareng Frank sa amin at mahina pa rin siyang tumatawa.
"Dahil sa pinaggagawa niyong 'yan, sumama kayo sa akin hahanapin natin 'yung mga binully niyo at mag-sorry kayo. Hala sige tayo!" irita kong sabi at sunod sunod silang nag mura pabulong.
Ayaw ko lang talaga kasi nang may na-b-bully, OA na kung OA pero kumukulo talaga dugo ko kapag may nababalitaan ako na mga ganito.
"Shit..."
"Damn..."
"The heck..."
"Fvck..."
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
-cassioussness
YOU ARE READING
THE PATH FINDING THE CURE (On-going)
Teen FictionAre you willing to sacrifice your life for others? Are you ready to fight to save them? Are you ready to go through the path of death? Do you accept that you will be the solution to solve this situation? Or you will be the cause of everyone's death?
PATH TWO
Start from the beginning
