O marahil nadama nila 'yung kirot habang kinakanta ko ito.

"Ang ganda ng boses mo, parang gusto ko na ikaw ang kumanta sa kasal ko." biro ni Mina na ikinatawa ko.

"Go, Mina! Go, Mina! I-shoot mo i-shoot mo! Go!" para kaming mga cheerleader dito habang inaasar si Mina na naglalaro ng basketball. Umirap na lang siya sa hangin at patuloy sa pag-shoot ng bola.

Kinuha na niya ang ticket na lumabas mula sa machine bago kami lumipat sa iba pang arcades dito.

Tutok kaming apat sa claw machine na siyang nilalaro namin ngayon, seryoso ako dahil gusto kong makuha 'yung Ice Bear na stuff toy. Para akong nasa isang competition na dapat kong ipanalo dahil dala-dala ko ang apilyedong "Colland..."

Kahit na may aircon dito ramdam ko ang pagtulo ng pawis ko dahil sa pagtutok sa walang buto na metal sa loob. Ilang subok ang ginawa ko ilang tokens ang inilaan ko para sa ice bear ko. Pero bakit? Bakit wala pa rin? Ano bang kasalanan ko? Charot.

May ilang bata na siyang nanonood sa akin kaya naman lalo akong naging tensyonado.

"YESS! OMG!" hindi ko maiwasang mapatili dahil nakuha ko ang kanina ko pang gustong kuhain, kahit na kaya ko naman bumili nito mas maganda pa rin 'yung pinahihirapan. Lalim ng hugot girl.

"Hala! Ang galing ni Ate Ganda!" rinig kong sabi ng isang maliit na boses sa tabi ko.

Saglit na napatingin ang ilang tao na malapit sa amin dahil sa pagtili ko, bumalik naman sila sa sarili naming mga mundo nang bumalik kami sa reyalidad.

"Ate! Ito po token kuha mo rin po ako." pagmamakaawa ng isang batang katabi ko kanina.

Dahil naman mabait ako at isa akong dyosa kinuha ko ang mga binigay niyang tokens bago nagtungo sa claw machine na gusto niya, nalaman ko na ang techniques kaya mabilis ko na lang ito nakuha, ilang bata pa ang nagpatulong sa akin nagpa-picture pa sila sa akin para raw remembrance nila at ikukwento sa pamilya nila.

Nakakataba naman ng puso ang mga batang 'to kung nakawin ko na lang sila sa mga magulang nila. Loka-loka talaga. Napailing ako sa kalokohan na naiisip ko.

"Bye Ate Ganda, salamat po!" isa-isa na silang umalis, bahagya kong ginulo ang mga buhok nila at ginawaran nila ako ng halik sa pisnge.

Kunot pa rin ang noo nilang tatlo habang napaupo na lang ako sa isang tabi habang pinapanood at hinihintay sila. Ilang bata na ang lumapit sa akin at nakuha ko ang mga gustong stuff toys nila pero silang tatlo narito at abala pa rin.

Lumipas pa ang ilang minuto na ginugol nila sa lintek na claw machine na 'yan nilaro ko na lang si ice bear ko para naman malibang ako, sunod-sunod din silang natapos, natuwa naman kami dahil pare parehas kaming may bitbit na stuff toy.

Naglaro rin kami sa timezone, para kaming mga bata na kaka-sweldo lang ng mga tatay namin, napunta rin kami sa sinehan, nanood kami ng most watched ngayong buwan, kaya sa kapaguran at pagabi na rin nagtungo na kami sa kakainan namin.

Natapos ang araw namin na puro kasiyahan, nandito kami ngayon sa isang Korean restaurant habang inaantay ang order namin, hindi talaga kami mawawalan ng topic dahil kay dyosang armalite.

Halo-halo na tin ang naging topic namin, mag-o-open ng topic hanggang sa mapadpad sa iba't ibang topic. Nalaman ko rin na may ilang similarities kaming apat tulad na lang na kapwa kaming mga dyosa, pero mas maraming ang pagkakaiba namin tulad ng ako ang dyosa ng mga dyosa samantalang sila dyosa lang ng armalite, bipolar, at matured.

Nag-upload kami sa IG story namin at iba pang social medias makalipas ang ilang minuto dagsa na ang reacts at comments sa mga post namin.

Kakatapos ko lang na mag bihis at mag-ayos dahil may pasok pa ako, tumingin ako sa full length mirror para sa final touch. Today is Monday again isang linggo na rin pala ako sa BHU, hindi ko rin ito napansin dahil sa mga bago kong kaibigan at iba pang nakakasalamuha.

THE PATH FINDING THE CURE (On-going) Where stories live. Discover now