"Thank you po mga Ma'am! Come again po!" masayang sambit ng mga sales lady na siyang nadaanan namin. Tumango na rin si Kuya Guard sa amin ngumiti kami sa kaniya at tukuyan nang lumisan sa Heaven na lugar na 'yon.
Pagkalabas namin ng botique nagpunta agad kami sa pinakamalapit na restroom at isinuot ang mga napamili namin. Suot-suot ko ngayon ang black oversized shirt na may nakalagay na printed South Korea, at ilang Korean dialects sa bandang dibdib ko na galing kay Mina, isinuot ko rin ang white na rubber shoes na galing kay Hera, at ang silver bracelet with blue pendant na binili ko, itinabi ko muna sa bag ang light blue airpods na binigay ni Hasha.
Nauna akong lumabas at sumunod si Hasha, suot din niya ang oversized black shirt with printed France at kasama ang Eiffel Tower, pare parehas kami na nasa bandang dibdib nakalagay ang print na galing kay Mina, naka jeans lang siya na suot na niya kanina at suot na rin ang rubber shoes na bigay ni Hera, suot na rin niya ang violet pendant bracelet na bigay ko.
Sumunod si Hera, suot na rin ang oversized black shirt na may printed Japan, at ilang cherry blossoms na parang hinahangin na bigay ni Mina, at ang kanina rin niyang suot na ripped jeans, suot na rin ang sapatos na siya mismo ang bumili at ang red pendant bracelet niya na ako ang nagbigay.
At ang huli ay si Mina, suot na rin ang black oversized shirt na mayroong printed Singapore kasama ang Merlion na galing sa kaniya, at ang kaninang suot niya na high waist shorts, at ang white rubber shoes na galing kay Hera at ang pink pendant bracelet na galing sa akin.
Bumili kami ng tig-isang eco bag para roon ilagay ang mga suot namin kanina.
Nagtawanan kami nang makita namin ang isa't isa, nakailang picture kami sa loob ng restroom bago lumabas.
"Ipopost ko 'to ang gaganda natin!"
"Oo nga para tayong quadruplets!"
Napuno ng tawanan ang restroom dahil sa mga kalokohan namin.
Pagkalabas namin bumalik kami sa parking lot para ilagay ang mga damit namin kanina sa black Porsche ni Hera.
Naghanap din kami ng magandang background para mag picture, may picture kami na solo, duo, at trio, nakisuyo rin kami sa isang dumaan para kuhaan kami ng picture, napapansin ko rin ang mga matang dumadapo sa amin, sanay na ako ganito kasi kapag dyosa, nasamahan pa ng tatlong dyosa.
"Ikaw naman kumanta dali na!" narito na kami ngayon sa may kantahan section, karaoke station rather.
Pinipilit nila akong kumanta kasi kanina pa papalit palit ang mic sa kanilang tatlo, magaganda rin ang boses nila, hindi ganoon kaganda ang boses ko pero masasabi ko na pwede na. Kinuha ko na lang ang songbook at pumili ng kanta baka mag tampo pa sila sa akin.
Hinawakan ko na ang microphone at tumayo malapit sa monitor. Pumalakpak silang tatlo pagka-ere ng intro.
Dinama ko ang bawat bitaw ko ng lyrics na bumabalot sa katahimikan. Mabagal at malambot ang tempo ng kanta.
Napansin ko rin ang pagpikit nilang tatlo dahil sa lamig ng boses ko. Hindi man ako ganoon kagaling na kumanta, ngunit marunong ako.
Bakit ba ito ang napili ko? Hay nako naman para kanino ko ba 'to dine-dedicate. Marahan at malungkot na kanta ang aking napili.
Saglit akong bumuntong hininga bago ituloy ang kanta dahil sa 'di maipaliwanag na pakiramdam.
Alam ko na para sa isang tao ang kanta na ito, para sa kaniya ito...
Tuluyang pumatak ang mga luha ko na dali-dali kong pinunasan bago mapansin ng tatlo na tahimik na nakikinig sa akin.
Matapos ang kanta nag palakpakan silang tatlo at niyakap ako na parang ako ang nanalo sa isang singing contest.
YOU ARE READING
THE PATH FINDING THE CURE (On-going)
Teen FictionAre you willing to sacrifice your life for others? Are you ready to fight to save them? Are you ready to go through the path of death? Do you accept that you will be the solution to solve this situation? Or you will be the cause of everyone's death?
PATH TWO
Start from the beginning
