"Fast-food na lang."
"Sige sa Fast-food."
"Okay then, sa Fast-food na tayo majority wins haha!"
Sa isang kilalang Fast-food restaurant ang napili naming pagkainan para sa tanghalian.
"Ang onti mo kumain!" sita ni Mina kay Hera.
"Kaysa naman sa'yo pang kargador!" napaawang ang labi ni Mina nang marinig iyon mula kay Hera.
Bahagya kaming natawa ni Hasha sa reaksyon ng dyosa ng armalite saglit pa silang nag-asaran bago natahimik sa table namin. Nandito na kami sa loob ng mall at naglalakad lakad muna para mag patunaw ng kinain kanina.
Narito pa lang kami sa first floor ng mall at patuloy pa ring naglalakad lakad, sa hindi inaasahan biglang uminit ang dugo ko dahil sa nakita ko.
Hindi ko alam kung nagkataon o sinasadya lang nila, habang naglalakad kami nasulyapan ng magaganda kong mata ang gawi ng tatlong itlog kasama ang nag-iisang balot. Yeah, sila Nemar, Ken, Brind at Frank lang naman ang nakita ko.
Ayokong magulo ang girls get together namin, kaya naman inilayo ko sila rito at nilibang ko, mahirap na baka makita nila kami at sumama pa sa amin.
"Tara roon tayo oh ang ganda!" masyadong OA kong sabi para hindi magawi ang atensyon nila roon sa apat.
Dapat ko silang mailayo sa kanila dahil mag dudulot lang ng awayan sila Hera at Nemar lalo na si Mina baka mag lupasay 'to rito sa mall kapag makita niya ang beloved Ken niya.
Dinala kami ng mga paa namin sa gawi ng isang Friendship Stuffs Botique namangha ako sa ganda ng mga naka display dito.
Hindi gaanong girly ang kulay ng Botique na siyang ikinatuwa ko dahil hindi naman ako kikay tulad ng iba, typical color lang naman ang bumabalot sa Botique. Sa palagay ko halos lahat ng pwede o gusto niyong bilihin magkakaibigan makikita niyo na rito.
Hindi na kami nagpaligoy ligoy pa pumasok na kami sa loob at tuluyan pa kaming namangha ang lakas makahila ng costumers sa labas pa lang paano pa kaya sa loob.
Heaven na this inaamin ko na hindi ako ganoong fan ng girly stuffs pero napukaw nito ang atensiyon ko masisigurado ko kung mahilig ka sa girly stuffs baka buong Botique bilhin mo na.
"Bili tayo! OMG!"
"Ang ganda!"
"Bagay lahat sa ating apat!"
"Sige tara tara, gusto ko rin na may gamit tayo na matchy-matchy tayo!" kaya naman nag-unahan na kami maghanap ng mga bibilihin namin.
Kaniya-kaniya kaming kuha ng basket na siyang paglalagyan ng mga bibilihin namin.
Para fair kaming apat, bibili kami ng kung anong gusto namin para sa isa't isa, napukaw ng atensyon ko ang bracelet section, bracelet ang napili kong ibigay sa kanilang tatlo, it's a simple friendship bracelet.
Silver bracelet siya at may iba't ibang color ang pendant nito, pinili ko ang may pendant na mayroong first letter ng mga pangalan namin, color blue para sa akin, pink para kay Mina, violet para kay Hasha, at red para kay Hera, sa pagkakataon na ito iyon ang mga napili ko.
Kumuha rin ako ng ilan pang bagay na siyang nagustuhan ng mga mata ko.
Sabay-sabay kaming nag kita-kita sa counter tanging ngisi lang ang ginawad namin sa isa't isa bago magbayad, oversize shirt ang napili ni Mina para sa aming lahat, color black na may nakalagay na different countries and small designs, airpods na may magkakaibang kulay ang hawak ni Hasha ngayon, at apat kulay white na rubber shoes ang napili ni Hera, payaman masyado si ate girl.
YOU ARE READING
THE PATH FINDING THE CURE (On-going)
Teen FictionAre you willing to sacrifice your life for others? Are you ready to fight to save them? Are you ready to go through the path of death? Do you accept that you will be the solution to solve this situation? Or you will be the cause of everyone's death?
PATH TWO
Start from the beginning
