"Master Boss tara na para makapag pahinga ka na." Ken ends the conversation.

They played a soft musics all along until we reached our house. I said good night to them before I went inside.

Half day lang kami ngayon, which is tuwing Friday, kaya naman mabilis lang na lumipas ang araw na iyon, katulad ng nakagawian sinundo at hinatid pa rin ako n'ung tatlong itlog.

I woke up early to ready myself later, I woke up early even though I stayed until midnight just because I want to choose what should I wear today.

And it's Saturday na, ito ang araw ng schedule namin para mag-hang out magkakasama, girls get together. Sa loob ng isang linggo ko sa BHU lalo akong napalapit sa kanila at sa iba pang tao sa BHU, at si Kuyang Guard na naging ama amahan ko na sa Campus.

Sinisigurado niya na ligtas akong nakakapasok at nakakauwi, he just like Papa, he also jolly person that's why I felt comfortable with him, we talked every morning, he tells me his story. Siya na yata ang papalit kay Ms. Charo. Char!

"Sige guys, bye na mag aayos na ako para mamaya." paalam ko sa kanila at nag-leave na sa video chat namin.

Tulad nga ng sabi ko kanina, kagabi pa ako halos hindi mapakali kakaisip sa kung ano ang susuotin ko ngayon! Babae nga naman oh!

Sa huli bumagsak ako sa pagpili ng simpleng blue crop top with small prints and high waist denim shorts, naisipan ko na lang na i-tuck in at mag lagay ng Chanel belt para naman may dating, at plain black nike rubber shoes. Oh, hindi niyo keri Chanel.

Napagkasunduan namin na tanghali na lang kami gumala para hanggang dinner na kami magkakasama, nagpaalam na rin ako 'kanila Mama, tapos na ako mag-ayos at hinihintay na lang ang pagdating ng kapwa dyosa ko na siyang susundo sa akin.

Muli na namang tumunog ang cellphone ko kaya tinignan ko kung sino ang nag-message sa akin.

From: Unknown number
Always wear your smile, to show how beautiful you are, enjoy with your friends today...

Simula first day ko sa BHU nakakatanggap na ako ng ganitong mga texts from that 'Unknown number'. Hindi siya pumalya ng pag-t-text sa akin sa loob ng limang araw umaga, tanghali, hapon, gabi pati na ang madaling araw. Hinayaan ko na lang siya sa kung anong trip niya sa buhay at ako pa ang napili.

Pero nangangamba ako dahil bawat kilos ko alam niya o baka naman trip lang ako ng tatlong itlog na 'yun. Hangganga ngayon wala pa rin akong clue kung sino ba talaga 'to.

Sa dinami dami pa ng tao sa mundo ako pang hamak na dyosa pa ang naisama niya sa mga kalokohan niya. Narinig ko na lang ang busina sa labas ng bahay, well nandito na ang sundo ko na kapwa kong mga dyosa.

Tumakbo na ako pababa para salubingin sila, wala rin ngayon sila Papa sa bahay mayroon daw silang date ni Mama, sana all.

Feeling nila teenagers pa rin sila at parang wala pang anak hays, okay na rin 'yun kaysa naman na mag-away sila, maganda na rin na may communication and bonding sila sa isa't isa.

"Let's go!" excited na bungad ni Mina sa akin.

Katabi ko ang dyosa ng mga armalite habang nasa driver seat ang dyosa ng matured at sa passengers seat naman ang dyosa ng bipolar. At ako lang naman ang dyosa ng mga dyosa katabi ang dyosa ng armalite, sige paulit ulit ako.

Sa buong biyahe namin nag kwentuhan lang kami ng kung ano-ano at nagtawanan. Si Mina lang ang bumubuhay ng kaingayan dahil siya lang naman ang maraming baon na chika.

"Saan niyo gusto girls? Restaurant, Coffee shop, or Fast-food?" Tanong ni Hera sa amin.

"Fast-food."

THE PATH FINDING THE CURE (On-going) Where stories live. Discover now