Bumaba na ako at nagpaalam. Ngunit napatigil ako nang marinig kong sumigaw si Brind.
"Sunduin ka ulit namin bukas Master Boss. Good night."
"Haha, sige na ingat kayo. Good night din. Salamat." pumasok at isinara ko na ang gate, naabutan ko si Mama na nakatanaw sa pintuan at nakita kong nginitian ako ng maloko, hay nako mama talaga.
"Mama, ano na naman 'yang ngiti na 'yan? Ang issue Mama ha." umakyat ako sa kwarto ko at nagpalit na ng damit. Hindi na rin ako nagtagal at bumaba na rin ako para maghapunan kasabay sila Mama at Papa.
Hindi ako makakain ng maayos dahil panay tingin at malokong ngiti ni Mama, bumuntong hininga ako bago tuluyang ikinuwento ang nangyari 'mula umaga hanggang ngayon. Natawa na lang si Papa, at si Mama panay ang asar sa akin.
Matapos kumain nagpaalam na ako, naiwan sa sala si Papa habang nanonood ng kung ano, habang si Mama naman naghuhugas ng pinagkainan kanian. umakyat na ako dahil pagod din ako sa mga nangyari buong araw. Ginawa ko ang night care routine ko kumakanta kanta pa ako sa banyo habang naglilinis ng katawan, matapos sumalampak na lang ako sa higaan ko. I open my social media accounts, hinanap ko ang pangalan ng tatlong bago kong kaibigan na siyang mga dyosa rin.
Mukhang sikat din pala sila sa Campus namin, hindi na ako nagulat nang makita kong naka follow na 'yung tatlong ugok sa akin at gumawa pa talaga ng GC. Tumunog ang cellphone ko hudyat ng mga nagpadala ng mensahe.
From: Unknown number
Good evening young lady, don't forget to eat your dinner...
Hula ko ay isa sa tatlong itlog itong nag text, ang galing naman saang lupalop kaya nito nalaman ang number ko kaya hinayaan ko na lang. Binuksan ko din ang FB account ko at para maakita ko rin ang GC na ginawa nila. Tumawa na lang ako dahil sa Group Name "THE BODYGUARDS OF MASTER BOSS"
Nemarngaw: Hi Master Boss, Good night.
Kenatbe: Sweet Dreams Master Boss.
Brindpogi: Good night <3
Xiridrea: Che matulog na kayo haha, good night.
Hindi ko inaasahan sa panibagong Unibersidad na ito, nakahanap ako ng mga taong masasabi kong...
"Kaibigan..."
Hindi ko alam kung saan nila nakuha ang endearment nila sa akin, napapailing na lang ako habang inaalala ang mga nangyari kanina.
Maaga akong gumising dahil excited ako sa mangyayari ngayon, gustong gusto ko na ring makilala pa ang tatlong bago kong kaibigan.
Nilinis ko na ang kama ko bago ako pumasok sa banyo, hinalikan ko muna ang pagkarami-raming poster ng aking Baby Taehyung bago tuluyang maligo.
Nakasanayan ko na ito pagkagising at bago ako matulog, bakit ba, mahal ko 'yang si Taehyung e. Hindi na ako nagtagal pa at naligo na ako. Baka dumating na 'yung tatlong itlog.
Inspired din ako sa bago kong school, lalo na sa uniform namin, saglit akong tumingin sa salamin bago kunin ang bag ko. Pagkababa ko nakita ko ang tatlong itlog na nakaupo sa sala.
"Nariyan ka na pala, Anak pinapasok ko na sila para rito na mag-antay." bungad ni Mama na kakalabas lang sa kusina.
Lumapit ako kay Mama at ginawaran siya ng halik sa pisnge na lagi kong ginagawa, hindi na kami nagtagpo ni Papa dahil maaga raw ang pasok niya sa kumpanya.
"Tara na kumain na kayo baka mahuli pa kayo sa mga klase niyo." galak na sambit ni Mama.
Nag-unahan pang tumayo at pumunta ng kusina ang tatlong itlog kaysa sa akin, nagtungo na rin ako sa kusina baka maubusan pa ako.
"Ma, baka naman masanay 'yang tatlo, magkaroon pa tayo ng feeding program." iling kong sabi kay Mama bago maupo sa puwesto ko.
Tuwang tuwa ang tatlong itlog nang makarating kami sa loob ng sasakyan ni Nemar.
"Ang sasaya niyo ah? Galing nakalibre ng almusal, ang yayaman niyo pero patay gutom kung kumain."
"Masarap luto ni Tita grabe!" puri pa ni Ken kay Mama.
Hindi nawawala ang ngisi nila hanggang maihatid ako sa tapat ng classroom ko.
Nakita ko sila Hera na nakaupo na sa puwesto nila, at naka reserve na rin ang upuan ko.
Nilingon nila ako nang naramdaman nila ang presensiya ko, simple akong ngumiti sa kanila at nagtungo na sa upuan ko, pangalawang araw ko na wish me luck.
"Hi Xirid!" si Mina agad ang bumati sa akin.
Nagkwentuhan kaming apat habang hinihintay ang Prof. namin.
"Let's try to hang out together naman para makilala ka namin Xirid." suggest naman ni Hera.
"Uhh... Sure pwede naman ako." tipid ko na lang na sagot.
Nag-apir silang tatlo at umayos ng pagkakaupo, madami pa kaming naging topic, lalo na si Mina, sobrang daldal chikadora pa.
Dumating si Ms. Helina na siyang first subject namin, kasalukuyang nag-d-discuss si Ms. Helina tungkol sa first topic namin sa english lesson. Hindi nagtagal sumunod na rin ang ilang Profs. na nag paggawa ng mga activities sa amin.
Dahil nga HUMSS students kami isa ang strand namin sa mga palaging busy, more on public speaking kami, puro utak bibig at kamay ang palaging gumagana sa amin. Kaya bagay talaga si Mina rito walang preno ang bibig e.
Nang matapos na ang second day namin. Sinabi na rin sa akin ni Hera na sa Sabado na lang raw kami mag-hang out para hindi sagabal sa study days.
Natutuwa rin ako kasi priority pa rin nila ang pag-aaral, alam ko naman na mahilig mag-bar hopping at gumala silang tatlo.
Maganda rin ang records nila noong juniors pa sila, syempre ako rin, kilala rin ako sa dati kong school, at isa rin akong role model gan'on nga kasi kapag dyosa.
Matataas ang grades ko at madaming competitions ang naipanalo ko dala ang pangalan ng school ko dati.
Hindi ko rin gugustuhin na lumipat dahil mula kindergarten hanggang grade eleven ko roon na ako nag-aral, pero dahil sa trabaho nila Mama at Papa kailangan talaga naming lumipat.
Katulad kahapon, hinatid ulit ako pauwi ng tatlong itlog, hindi rin sila nagtagal kasi ihahatid pa ni Nemar 'yung dalawa pauwi at baka gabihin pa sila sa daan.
Tulad ng inaasahan ko, narito na si Papa sa bahay, kumain kami ng hapunan sabay-sabay, puro business lang ang topic nila Mama kaya naman hindi ako makasabay sa kanila, dahil wala akong interes sa ganyan kaya puro tango na lang ako sa kanila.
Parehong magaling sa business sila Papa at Mama, pero ako gusto ko maging Teacher, hindi sila hadlang sa pangarap na gusto ko kaya natutuwa ako sa pagiging supprtive nila.
Natapos ang pangalawang araw ko sa panibagong unibersidad na pinapasukan ko. I was happy to met them, they become my saviour on BHU.
Nang matapos akong kumain, madali akong nagtungo sa kwarto ko, gusto kong silang makadaldalan. When I finished my night care routines, diretso kama na ako para makipag-chika. Ilang oras din ang tinagal namin, umiikot talaga ang topic namin dahil sa kadaldalan ni Mina.
Para tuloy naririnig ko na 'yung boses niya kahit sa chat lang. Nang makaramdam ako ng antok, I decided to say good night to them. Nang mailapag ko ang phone ko, biglang may bumato sa bintana ko.
Napatayo ako at tumungo upang tignan kung sino ba iyon. Ngunit nang sumilip ako, wala namang tao, nagkibit-balikat na lamang ako at bumalik sa kama ko. Sobrang tahimik na at malalim na ang gabi. Bigla ako nilamig ng walang dahilan.
Bigla na lang akong napatayo sa pagkakahiga nang tumunog ang phone ko. Damn!
From: Unknown number
Sleep now young lady, don't stay late at night. Good night...
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
-cassioussness
YOU ARE READING
THE PATH FINDING THE CURE (On-going)
Teen FictionAre you willing to sacrifice your life for others? Are you ready to fight to save them? Are you ready to go through the path of death? Do you accept that you will be the solution to solve this situation? Or you will be the cause of everyone's death?
PATH ONE
Start from the beginning
