"Ayos lang, huwag na kayo mag-sorry sa akin haha." dugtong ko ng may kalmadong tono para naman mawala ang mabigat na atmosphere rito.

"Basta simula ngayon bodyguard mo na kami, para wala na ang aapi sa'yo." malokong sabi n'ung matangkad na moreno na siyang si Nemar kaya napatawa na lang ako.

Nagpaalam na kami sa isa't isa para bumalik sa mga classrooms namin. Sa paglalakad namin pabalik natahimik ang tatlo dahil sa mga nangyari kanina lalo na ang pinakamadaldal na may bibig na armalite.

"Hala! Girl swerte mo naman, first time nilang gawin 'yun at sa 'yo pa talaga. Sana all." akala ko pa naman hindi na nila mauungkat 'to.

"I second emotion, pero okay na 'yun at least mapapalapit ako kay Bebe Ken, at guess what. Nag-text siya sa akin at sinabing mag-dinner daw kami after class!" kilig na kilig na sambit ni Mina, at panay pa ang talon dahil sa tuwa napatawa na lang kami dahil sa kakulitan niya.

At dapat lang nilang gawin 'yon sa tulad kong dyosa, ano ngayon kung sikat sila rito at madaming babae ang tumitili sa kanila? Tiklop nga sila sa akin e.

Nagpakita at nagpakilala lang ang mga magiging Professor namin sa iba't ibang subjects para sa buong taon, hindi nawala ang rules and regulations na siyang patuloy na ipininapaliwanag ng mga Profs. namin, ang ilan pa ay nag kwento ng talambuhay nila.

Natapos na ang klase o sabihin na nating wala talagang klase ganito na raw ang nakasanayan dito sa BHU kapag first day of class. Nag-ayos na kami ng gamit para makauwi na, sanggang dikit ko na silang tatlo hindi na ako naiilang sa kanila dahil maganda ang pakikisama nila sa akin. At magaganda rin kami, hindi mawawala 'yon.

"Nice meeting you, Xiridrea." kaswal na sabi ni Hera.

"Xirid na lang ano ba kayo."

Paglabas namin ng pinto nahinto kaming apat dahil nakita namin 'yung tatlong lalaki kanina na nakasandal malapit sa pintuan ng room namin, akala ko nag bibiro sila na ihahatid daw ako pauwi pero tinotoo nga ng mga loko.

"Sige na nariyan na mga Guards mo, una na kami." pang-aasar naman ni Hera sabay irap kay Nemar.

"Ingat ka!" tipid na sabi ni Hasha.

"See you tomorrow!" masigla pero nahihiyang sambit ni Mina.

"Sige ingat din kayo!" kumaway na lang ako sa kanila at tuluyan na silang umalis.

Lumuhod ulit sila bilang pag-greet "daw" nila sa akin sabay kuha ni Brind ng bag ko. Napa-irap na lang ako sa ginawa nila.

"Master Boss, hatid ka na namin." sabi naman ni Nemar, sinimulan na naming lumakad at inaalalayan pa nila ako 'di naman ako lumpo duh! Napapailing na lang ako sa kalokohan nilang tatlo.

Ramdam ko ang mga mata ng mga kababaihan dito na siyang nakatuon sa aming apat lalo na sa akin, dahil nga sikat ang mga ito sa Campus iniisip siguro nila kung bakit close kaming apat, bahid na ang inggit, inis, at galit sa mga tingin nila sa akin. Oh no, ayoko ng gulo butihing dyosa lang ako na pinagsisilbihan ng tatlong itlog, yes tatlong itlog ang tawag ko sa kanila pwede namang tatlong bibe, pero bet ko tatlong itlog.

Nakadating kami sa parking lot at isinakay nila ako sa koste ni Nemar, hindi raw sila nagdadala ng kotse dahil nagpapahatid na lamang kay Nemar, dahil na rin under age pa silang tatlo at si Nemar pa lang ang nasa hustong edad.

Masaya ang buong byahe, dahil sa mga kwento nila na kung ano-ano at mga kalokohan nila, ang saya nilang kasama panay lang ang tawa ko hanggang makadating na kami ng bahay.

"Tapos Master Boss, si ano HAHAHAHAHA!" pagkukwento rin ni Nemar pero puro tawa lang ang naintindihan ko.

"Tama na nga mag-drive ka na lang diyan!" sita ni Ken sa kaniya.

THE PATH FINDING THE CURE (On-going) Where stories live. Discover now