Pinilit kong alalahanin, pero hindi na ako nakipag talo pa sa sarili ko, alam kong siya 'yon, nilingon ko na lang ito upang makumpirma kung tama ba ako. Tila naipon ang lahat ng dugo ko at umakyat sa ulo ko.

"Teka!, Miss bakit ang sama ng tingin mo sa akin?." taas kamay pa niyang tugon sa akin.

"Aba sino ang hindi maiinis, huh?, hindi na ako natutuwa rito kabago bago ko pa lang dito sa University na 'to tapos pumasok ako ng maaga rito sa Campus ang ganda pa ng welcome ni Kuya Guard sa akin tapos may babato lang ng bola sa akin!" walang hintuan kong reklamo sa kaniya, pansin ko na nag tinginan silang apat bago lumingon sa akin.

Ito pa lang ang sinasabi nilang sikat dito sa BHU, pwes hindi ko sila aatrasan isa akong magandang dyosa na hindi umaatras. Bahagyang tumahimik ang tatlong babae na kasama ko kanina.

"Ano? Tahimik lang ako na nag lalakad kanina tapos babatuhin niyo ako ng bola? Kung hindi niyo maalala pwes ako tandang tanda ko lalo na 'yung tawanan niyo!" saglit akong tumigil sa pag sasalita nang mag salita ang isa sa kanila.

"Hala ka dude, siya pala 'yung natamaan kanina, mag sorry ka, yari ka, tsk tsk." kantyaw n'ung lalaking moreno na matangkad na nasa kaliwa niya.

"Rinig ko 'yung mga boses niyo, kaya pala pamilyar sa akin." Dagdag ko pa.

"Sorry Miss, hindi ko sinasadya." sinsero niyang sabi sa akin pero hindi ako satisfied, tumingin siya sa mga bulok niyang kaibigan.

"Hoy? Mag sorry rin kayo mga kupal!" agarang lumapit ang tatlo sa akin at humingi na rin ng tawad. Hindi pa rin ako satisfied.

Bakit maarte ako e.

"Sorry your face! Pero dahil mabait ako, sige I accept your apologies." O 'di ba, sabog lang.

"Bbasta mag-ingat na lang kayo para wala nang mapahamak at madamay pa dahil sa kalokohan niyo, kasi kung maulit pa 'yan lagot na lagot na kayo sa akin." matapos kong magsalita o sabihin natin na magbanta sa kanila, bigla akong napangiwi nang yakapin ako n'ung tatlo.

Para silang mga bata na inagawan ng candy at nagsusumbong sa dyosa na ate nila.

"Huhu. Akala namin hindi mo na kami papatawarin, promise hindi na mauulit." sabi naman n'ung mestizo na may dimples sa kaliwang bahagi ng pisnge niya.

Grabe ang OA ha.

"Oo nga, sorry na, akala namin ibabaon mo na kami ng buhay."

Lumapit 'yung nakabato sa akin at hinila ang tatlo at isa isang binatukan.

"Master sorry talaga." patuloy pa rin 'yung isang mestizo na may pagka-baby face. Lumapit sila sa akin at isa isang nagpakilala.

"Nemarson James Holem, at your service."

"Kenorick Haze Cole, ang iyong poging bodyguard."

"Brindzerous Tim Fredlin, pleasure to meet you 'Mi Lady."

"Frankeous Dim Madrigal."

Nakipagkamay na silang apat sa akin matapos ay lumuhod ang tatlo na parang sinasamba ako, ganoon talaga kapag dyosa, ngisi na lang ang nagawa ko dahil sa ginawa nilang pagluhod, para silang mga bata na pinapagalitan ng dyosa nilang ate. Pinatayo ko rin sila at ako naman ang nagpakilala.

"Xiridrea Xian Coland, transferee ako rito, salamat sa pag-welcome ng bola sa akin huh? Joke lang haha." muli ko silang kinamayan lahat at ngumiti.

THE PATH FINDING THE CURE (On-going) Where stories live. Discover now