Ihahakbang ko na sana ang aking paa papalayo nang biglang may tumawag sa pangalan ko.

"Xiridrea?" rinig tanong nito, napukaw ang atensyon ko at lumingon ako para tignan kung sino ang tumawag sa akin.

"Tara dito saluhan mo kami." alok ng isa pang babae na kasama niya. Pinasadahan ko sila ng tingin, dahil hindi ko sila mamukaan, nakakagulat naman na kilala agad nila ang isang dyosa na katulad ko.

Saglit siyang umiling at tumawa ng mahina bago muling mag salita.

"Ano ba 'yan Xiridrea, classmates mo kami." sambit n'ung katabi ng tumawag sa akin kanina.

"Ako si Mina... Si Hera... At si Hasha. My ghad! Girl, kaka-introduce lang kanina nakalimot ka na. Since bago ka dito at alam namin na wala ka pang friends." pag papakilala ulit n'ung Mina.

Naiilang ako na umupo sa bakanteng upuan at nag simulang kumain "Pwede mo kaming maging kaibigan. And from now on pwede ka ng sumama sa amin." napatingin at napangiti ako sa kanila. Mabuti na lang may mga makakasama na ako sa Unibersidad na ito.

"Salamat."

"Tama si Hera, tingin namin magiging close tayong lahat." sa wakas nag salita ang isa na si Hasha dahil pansin ko ang pagkatahimik nito. Natutuwa ako dahil ramdam ko ang pagiging kumportable sa kanila.

Hindi ko namalayan na sa paglilibot ko, breaktime na pala.

Natapos kaming kumain, pero hindi pa rin tapos ang kuwento ni Mina, napaghahalataan na madaldal at madaming chismis, iniligpit at tinapon na namin sa basurahan ang kalat na pinagkainan namin kanina. Nagpahinga at nag-ayos kami saglit bago mapagdesisyunan na bumaba na, at si Mina ayun patuloy pa rin sa pagdaldal.

"Tapos si Ken ang pogi niya talaga, lalo na pag ngingiti siya heaven! At si Brind habulin ng chix pero walang pake masyadong hambog, si Nemar, napakamaloko no'n siya ang joker sa grupo nila pero pogi rin siya, at si Frank, leader nila. Walang pinapatos 'yun lahat ng gusto niya makukuha niya kapag sa kaniya raw sa kaniya lang, sobrang pogi rin niya, ano pa bang aasahan ko sa magkakaibigan na 'yun." pagpapakilala nito sa apat na sinasabi nilang sikat sa BHU.

"Pero si Ken talaga crush ko--" saglit kaming nagulat dahil sa pagtigil ng bunganga niyang armalite at maging ang paglalakad niya tumigil din. Lumapit kami sa kaniya upang alamin kung ayos pa ba siya, pinagmasdan namin siya at para na siyang bato na sobrang tigas dahil hindi siya gumagalaw ultimo pati paghinga niya tumigil.

Tulala lang siya sa isang direksyon, tinignan ko kung saan siya napatulala, at ang dahilan kung bakit siya natigilan, napangisi ako nang makita ko kung sino ang tinititigan niya siguro siya 'yung sinasabi niyang Ken.

"Ano? Crush mo ako? Haha, huwag kang mag-alala crush din kita noon pa." at tama nga ako siya nga, nagulat ako sa paghalik nito sa pisnge ni Mina. At ang bruha, kamatis na ang mukha.

Hindi nakasagot ng kahit ano si Mina, pati yata paghinga niya tumigil na, nanatili lang kami sa likod ni Mina at pinapanood ang nangyayari sa kanila.

Ramdam ko na rin ang pagpipigil ng tawa nila Hera at Hasha. Sino ba naman ang hindi matatawa sa nangyayari ngayon nagkukwento ka lang naman tungkol sa crush mo tapos hindi mo alam na naririnig niya pala, para silang mga juniors kung umasta.

Pero grabe sa fast 'tong si Ken ha.

"Labas tayo minsan. Bye, Mina." paalam nito sa armalite kong kaibigan, ang speed ah, sa isang iglap biglang nabaling ang atensyon namin sa lalaking sumigaw.

"Ang harot mo talaga, tara na!" sigaw nito sa kaharap ni Mina ngayon, bumalot ang katahimikan sa amin napabalik ako sa reyalidad dahil parang pamilyar sa akin ang boses na 'yun

THE PATH FINDING THE CURE (On-going) Where stories live. Discover now