Introduce yourself ikanga.
"I'm Ms. Helina Soriano, ang magiging Professor niyo para sa buong taon." bati sa amin ng isang magandang babae sa harapan, hindi mo aakalain na Professor pala siya rito para lang siyang student here.
"Siguro naman sanay na kayo sa ganitong introduce yourself right? So the floor is yours now." ang millennial ni Ms. Mukhang magiging maganda ang bonding namin with her.
"Heramid Chloe Cruzette..." sambit ng unang babae na naroon sa pinakaunahang upuan.
"Minaflix Jane Comer..." sumunod naman ang katabi nito.
"Hashatina Claire Caringan..." mukhang magkakaibigan silang tatlo.
"Jironiel Sigua..."
"Kryton Ponce..."
"Wesley Shun Profane..."
"Zean Gozma..."
Sumunod ang apat na lalaki na nasa likuran noong tatlong babaeng nagpakilala kanina.
"Yumi Robles..."
"Sheena Dizon..."
"Rylen Adora..."
"Josh Salvador..."
"Gordon Reyes..."
Patuloy ako sa pakikinig sa mga sinasabi ng mga bago kong makakasama ngayong taon. Hindi rin nagtagal ay tinawag na ako ni Miss Helina, upang ako na ang mag pakilala, tumayo ako at inayos ang aking sarili.
"Xiridrea Xian Colland, uh... Bago lang ako rito kaya sana maging kaibigan ko kayo, salamat sa pag-welcome sa akin." at dali-dali akong bumalik sa kinauupuan ko, at pinakinggan na lang si Ms. Helina sa ilang rules and regulations niya.
Hindi ko maiwasang hindi mailang dahil ramdam ko na magkakakilala na sila, siguro 'yung iba rito, rito na rin nag elementary at patuloy pa ring nag-aaral dito.
Napagkasunduan rin na pagkatapos ng Foundation Day kami mag botohan para sa mga class officers.
Wala kaming ginawa kung hindi ang umupo at hintayin ang breaktime, first day pa lang kaya hindi muna sila nag bigay ng sama ng loob, buti naman. Dahil mahaba ang oras na ibinigay sa amin, pinili kong lumabas na lang at naisipan ko na libutin ang buong Campus o kahit kalahati nito, sadyang malaki talaga ang Blue Hearts University.
Mabuti na rin 'to para hindi ako maligaw mahirap na.
Halatang mga mayayaman talaga ang mga nag-aaral dito, parang pang Korean School ang datingan ng School Uniform namin. White long polo sleeves with blue necktie, Dark blue above the knee balloon palda, long white socks, and three inch black high heels.
Well nakakagulat na required ang heels dito, previous school ko kasi which is sa CU (Clifford University) kasi flats lang ang pwede roon, unti-unti na akong natutuwa sa bagong University na 'to.
Sa paglalakad ko, may nakita akong building halatang luma na ito at walang gumagamit, siguro ay ginawa na rin itong tambakan ng mga sira sirang gamit dito sa BHU. Pumasok ako rito para saglit na libutin, halata na ang pagkaluma nito dahil sa sirang mga bagay na nakatambak, maalikabok at makalawang na rin.
Umakyat ako sa rooftop ng building na ito para mag pahangin, at nais ko ring pagmasdan ang mga ibang nandito na naglalakad sa ibaba. Habol hininga ako nang makarating na ako sa tuktok ng lumang building na siyang rooftop nito. Uupo na sana ako sa gilid, pero napaatras ako dahil may naramdaman akong presensya.
YOU ARE READING
THE PATH FINDING THE CURE (On-going)
Teen FictionAre you willing to sacrifice your life for others? Are you ready to fight to save them? Are you ready to go through the path of death? Do you accept that you will be the solution to solve this situation? Or you will be the cause of everyone's death?
PATH ONE
Start from the beginning
