"Gusto ko na ulit ng normal na buhay," aniya. Narinig niyang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Hindi isang kilalang numero ang nakarehistro. Binuksan niya ang mensahe at binasang mabuti.

Naïve. Naive. Naïve.

Bring back what you've received,

Spill out the fame you swallow,

Before the killings are soon to follow.

I am maybe a friend or an obsess fan,

Or a monster like a bogeyman.

Look at your back and be aware,

Once your dream becomes your worst nightmare.

Nanginig kaagad ang kanyang mga kamay at hindi sinasadyang naibagsak ang kanyang cellphone. Nanlalaki ang mga mata niya habang tinititigan ang bumagsak na cellphone.

"S-sino k-kaya s-siya?!" tanong niya sa sarili habang hindi pa rin maalis ang kaba sa dibdib. Agad siyang lumabas ng kwarto at hinanap ang kanyang Tiya. Ngunit sa kanyang paglabas ay hindi matagpuan ng kanyang mata mata ang kanyang Tiya. Isa-isa niyang pinasok ang mga kwarto. Nagpapaalam naman kasi ito kung aalis para pumunta sa bayan.

"Tiya! Tiya!" paulit-ulit niyang sigaw.

Isang kwarto na lang ang hindi pa niya nabubuksan. Kinakabahan siyang pinihit ang doorknob nito, para kasing may hindi maganda siyang makikita. Sa pagbukas niya ay nakita niya ang larawan niyang nasa lapag.

"Tiyaaaa!" sigaw niya nang makitang sa ibabaw ng larawan ay ang Tiya niyang nakabigti. Lawit ang dila nito na animo'y nilabanan pa ang humihigpit na tali sa leeg. Mabilis niya itong nilapitan upang maisalba.

"Tiya! Hindi ka pwedeng mamatay!" naiiyak niyang sabi habang pilit na binubuhat ang katawan ng Tiya upang hindi masakal. Pero huli na ang lahat, naubusan na ng hininga ang kanyang Tiya at tuluyan ng pinanawan.

"S-sinong may gawa nito?" naluluha niyang sabi. Patuloy lang siya sa pag-iyak dahil sa sakit na nararamdaman. Napansin niyang nakabukas ang bintana dahil sa nililipad na kurtina. Lumapit siya roon at napansing may bakas ng dumi sa bintana na halatang pinagpatungan ng sapatos.

"Hayop ka! Sino ka?! Bakit mo dinamay ang Tiya ko?!" sigaw niya pang muli. Gusto niyang maghiganti. Ngayon lang ulit sila nagkasama ng kanyang Tiya at ganito pa ang kinalabasan. Iniisip niya na kasalanan niya kung bakit namatay ang kanyang Tiya.

Bumalik siya sa kanyang kwarto upang kunin ang kanyang cellphone. Nang matagpuan ay napansin niyang may mensahe na naman mula sa kaninang numero.

'Uunti-untiin kita.'

Napamura siya nang malakas dahil doon. Napahagulgol na siya ng iyak. Nawala ang mga taong mahal niya dahil sa kanyang kagagawan. Parang bumabalik na naman ang dati. Akala niya ay tapos na ang lahat. Kailangan na niya sigurong pagbayaran ang kanyang kasalanan.

"Kung si Celine man ang taong ito, papatayin ko ulit siya!" gigil niyang sabi.

Bumalik sa kanyang alaala ang gabi kung kailan namatay si Celine, sa mismong kaarawan nito. Naroon siya sa Palarma's Theatre and Art Museum nang gabing iyon. Balak niya kasing patayin si Celine bilang isang regalo at para na rin maangkin niya ang trono nito pero nabigla siya nang may gumawa na nito para sa kanya.

Kitang-kita niya kung gaano kabrutal na pinatay si Celine. Naroon lamang siya nagtatago sa isang sulok at masayang pinapanuod ang paglapat ng bawat kutsilyo sa katawan nito. Sa tingin niya ay parehas sila ng galit na mayroon para kay Celine.

Isang obra maestra ang ginawa nito na sinundan pa ng ilang nakakapanindig-balahibong obra. Musika sa kanyang tainga ang mga palahaw na pagsigaw at pagmamakaawa ni Celine.

Matapos patayin ng taong 'yon si Celine ay oras naman niya para gawin ang kanyang obra. Dahan-dahan siyang lumapit sa bangkay at sinigurong nakaalis na ang killer bago magsimula. Itinali niya ang mga paa ni Celine gamit ang lubid na ginagamit sa pagbukas ng mga kurtina sa stage. Isinulat niya sa isang papel ang salitang 'Shame' at inilagay sa katawan ni Celine bago niya hinila pataas ang katawan nito.

Tuwang-tuwa siya nang mga sandaling iyon. Kamatayan ni Celine para sa katanyagang hinahangad niya ang magiging dulot nito. Pero sana ay hindi na lang nangyari dahil sa kanyang kasakiman, unti-unti na rin siya nitong pinapatay.

Minabuti niyang tawagan ang numero ngunit huli na siya dahil 'cannot be reached' na ang numero. Binalikan na lamang niya ang katawan ng kanyang Tiya at doon iisip ng paraan kung paanong hindi madadawit ang kanyang pangalan sa nangyari.

Magiging malaking balita ito na ikasisira ng kanyang pangalan.

"Nasaan na si Tiya Jennifer?" takang tanong niya nang makitang wala roon ang katawan ng kanyang Tiya. Sumilip siya sa bintana pero walang taong mamamataan sa labas.

"Ibalik mo ang Tiya ko!" sigaw niya mula sa bintana. "Ibalik mo siya! Hayop ka!"

Sa kabilang banda, magiging kapaki-pakinabang ang pagkawala ng katawan ng kanyang Tiya Jennifer. Walang balitang maididikit sa kanyang pangalan... sa ngayon.

Napaupo na lamang siya dahil sa panghihina. Hindi na niya alam ang dapat na gawin. Kailangan na muna niya siguro bumalik sa kanyang mundo at doon na lamang hahanapin ang salarin. Pero nakatitiyak siya na sa susunod na mga gabi ay hindi magiging isang magandang gabi.

nse+an}#qT

Red Tape (Book Two of Red Ribbon)Where stories live. Discover now