3. First Commandment

Começar do início
                                    

"Tara na sabi-"

"Let her go."

Natigilan ang dalawang lalaki nang maagaw ng malamig na boses ko ang mga atensyon nila.

Nalipat ang mga tingin nila sa akin. Kahit ang babaeng bulag ay humarap sa direksyon ko.

The two guys looked at me with disgust. "A-Ano 'yan? Bakit may pulubi rito?"

Iritado nila akong tinapunan ng tingin. May kinuha sa bulsa ang isa sa dalawang lalaki at binatuhan ako ng isang daang drennies.

"Oh, ayan. Umalis ka na."

Walang gana nila akong iniwasan bago bumalik ang mga atensyon nila sa bulag na babae. Malalim akong napasinghap bago magbago ang ekspresyon ko.

"Sumama ka na sa-"

"Bitawan mo siya. Ayan, tagalog na. Baka naman hindi mo pa rin maintindihan."

Nagkaroon ng sandaling katahimikan. Tumama sa amin ang paghampas ng hangin at gumawa ng tunog ang mga dahon ng mga puno.

One of the guys' expression changed. He looked at me dead in the eye.

"Pumapatol ako sa babae."

Taas noo ko siyang tinignan at sinagot. "Pumapatol din ako sa hayop."

His nose crinkled and he gritted his teeth. His eyes turned yellow.

"Nahihibang ka na ata, pulube. Maling tao ang binabangga mo."

Nanatili akong walang ekspresyon. Katulad ko siya. . . isa siyang gifted.

Pero-

Hindi na ako katulad nang dati. . .

Kapwa niya ay naramdaman ko ang pagbabago ng mga mata ko. Pero iba ang pakiramdam ko. . . hindi na tulad no'ng dati kapag ginagamit ko ang gift ko.

A gift is a blessing, so I should feel blessed right now—but it's the other way around. I feel cursed.

Tila naapatras ang dalawang lalaking kaharap ko. Samantalang walang kaalam-alam ang babaeng bulag sa mga nangyayari.

They are both shocked and they gave me a confused look.

"K-Katulad natin siya- Pero kanino niya namana ang gift na iyan?! Magkaiba ang mga mata niya!"

Bakas ang takot sa mukha ng isa sa mga lalaki. Pero hindi nagpatinag ang kasama niya, bagkus ay napaismid lang ito.

"Anong pakielam natin? Dalawa tayo, isa lang-"

"Kung ako sa inyo, aalis na lang ako."

Hindi na naituloy ng isang lalaki ang sasabihin niya nang sumingit ako. Iritado itong napatingin sa akin at napadura sa harapan ko.

"We're fucking member of a dark guild. We're a first class gifteds. Malalakas kami, ikaw? Babae ka lang."

He licked his lips before showing an irritating smirk.

Para siyang sumabay sa hangin at nawala sa harapan ko. Inaasahan ko na ang kilos niya dahil binanggit niya sa akin na parte siya ng isang guild.

Sa isang iglap ay napunta siya sa harapan ko. Tinignan niya 'ko na para bang hindi siya nag-aalinlangan na patayin ako.

As expected to a gifted. . .

But too bad. . .

"Die, bitch!-"

Bago dumikit ang kamay niya sa akin ay mabilis siyang natigilan. Ni hindi niya man lang nahawakan ang isang hibla ng buhok ko.

Terror overtook his face. He blanched.

Hindi kaagad ito nakakilos. Dahan-dahan siyang napatingin sa kamay niyang unti-unting nalalagas. Para bang nagiging abo ito at sumasabay sa hangin sa pagkawala.

Walang kaemo-emosyong ko siyang tinitignan.

Kahit ang lalaking kasama niya na akmang tatakbo pa ay unti-unti na ring nagiging abo at nalalagas nang tinapunan ko ng tingin.

Walang boses na lumalabas sa mga bibig nila habang pinagmamasdan ang mga katawan nilang nawawala.

"You're a Gifted. . ."

"But too bad. . . I'm a God."

Hindi makapaniwalang napatingin sa akin ang lalaking kaharap ko. Hindi niya pa rin magawang makapagsalita.

"Ang this is my gift. . . gifts, rather."

"My first commandment."

Lumapit ako sa tenga niya at bumulong.

"I am God. You're just a man. You are made from dust. . ."

"and to dust you shall return."


Solar Academy: School for the TamersOnde histórias criam vida. Descubra agora