"Maybe. Hindi natin sure" natatawa niyang saad habang nakapikit pa rin.

"Gumising ka na dahil may pasok pa tayo. Gigisingin ko na rin ang mga kaibigan natin" saad ko at tumayo.

"Noted, master" nakasalundo pang saad niya habang nakangiti.

"Kahit abnormal ka mahal na mahal kita" saad ko at hinalikan siya sa noo.

Nakanguso siya sa akin kaya kinunutan ko siya ng noo dahil hindi ko naintindihan ang pag-nguso niya.

"What?" nakataas na kilay sa tanong ko.

"Kiss" saad niya habang nakanguso.

"Mag-toothbrush ka muna" natatawang biro ko sa kaniya. Sinamaan niya naman ako ng tingin.

"Just kidding" saad ko at lumapit sa kaniya para halikan siya sa labi at pisngi. "Kumilos ka na para hindi tayo malate" utos ko sa kaniya kaya tinanguan niya ako.

Lumabas na ako sa kwarto ni Claire at bumalik sa mga kaibigan naming tulog pa rin hanggang ngayon.

"Magsi-gising na kayo" sigaw ko sa mga kaibigan ko na tulog mantika.

"Hmmm" ungol ni Sky at niyakap ang hita ni Jane na naga-ayos na ng sarili.

"Kurt, sara mo nga 'yang bunganga mo ang baho ng environment ngayong umaga" saad ko kay Kurt na nakanganga habang tulog, kahit alam kong hindi niya ako naririnig.

"Hmmm" ungol ni Kurt.

"Ano ba gigising ba kayo o bubuhasan ko pa kayo ng mainit na tubig isa-isa" panakot ko sa apat dahil sila Jane ay gising na.

"Gising na ba si Claire?" tanong ni Pinky pagkalabas ng banyo at sumunod naman agad na pumalit si Claudette na papikit-pikit pa.

"Oo, sinabihan ko na ring kumilos" sagot ko sa kaniya kaya tinanguan niya ako.

"Honey, gising na baka malate tayo" panggi-gising ni Pinky kay Lloyd na tulog pa rin.

"Hmmm" ungol na sagot ni Lloyd.

Hindi ko na sila pinansin dahil pinaggi-gising na sila ng mga girlfriend nila.

Kinuha ko na lang ang mga gamit ko at bumaba. Hindi ko na dinaanan si Claire dahil baka naga-ayos na siya ng sarili niya.

Pagkababa ko ay nakita ko na nasa sala ang kuya ni Claire na si kuya Clark. May kasamang babae habang nanonood ng television.

Hindi ko ma-familiar ang mukha ng babae dahil naka-half side siya. Pero ramdam ko na kilala ko siya at nakita ko na siya dati.

"Hi, good morning" bati ko sa kanilang dalawa dahil hindi nila napansin na nagla-lakad ako mapalapit sa kanila.

"Good morning" nagulat ako ng batiin ako ng babae dahil ngayon ko lang ulit narinig ang boses niya.

Tama nga ako na kilala ko siya at nakita ko na siya dati pa.

Nagulat din siya dahil nakita niya ako, nagulat kaming parehas. Dahil siya ang first girlfriend ko, si Dane!

Si Dane Villa na first girlfriend, first ex at first love ko!

"Good morning, Lance" bati rin sa akin ni kuya Clark.

Nakangiti siyang bumaling kay Dane at hinawakan sa bewang ang babae dahil tumayo ito.

She scanned me. Simula ulo hanggang paa. Nakakunot ang mga noo at malapit na magdikit ang mga kilay na nakatingin sa akin.

"This is my girlfriend, Dane" pakilala niya kay Dane sa akin.

Nginitian ko lang siya kahit ang awkward para sa akin, sa aming dalawa ni Dane.

LOVER | ✓Onde histórias criam vida. Descubra agora