33

116 14 6
                                    

"You know na fiance ko ngayon si Dexter dahil ipinagkaka-sundo ninyo kaming dalawa, hindi po kayo nagagalit sa akin dahil may boyfriend ako at hindi 'yon si Dexter?"

Napahinga naman ng malalim si Daddy.

"Actually inaayos na namin 'yan ng Mommy mo, simula nang malaman ko na may nobyo ka. Pumasok sa utak ko na hindi tama na ipagka-sundo kita sa lalaking hindi mo naman gusto."

Napangiti ako ng matipid at napatango.

"Thanks, Dad."

_____________________________

(CRISSA POV)

Nandito kami ngayon sa restaurant nila Ravelyne.

"Sobra kaming nagulat nang makita namin sa video na bakla si John Mark!"- i said, nanginginig ang laman ko sa galit. Nang dahil kasi sa lalaking 'yon malungkot ang kaibigan namin ngayon.

"Psst! Huwag kang maingay."- saway sa akin ni Ravelyne.

"Eh bwiset naman kasi eh, alam mo pinag-sisisihan kong sinasamahan ka namin mag-stalk dyan sa bakla na 'yan!"

"Crissa calm down, tapos na eh. Nangyari na ang nangyari."- Apple said

Napahinga ako ng malalim. Hays!

"Raves naman kasi bakit hindi mo sinabi sa amin na ang jowa mo pala ay isang paminta?"- isa rin 'tong si Apple kunwari pang hindi naiinis.

"N-No, he's not really."

"Anong hindi?! Tignan mo nga ang nangyari, niloko ka! Lolokohin ka nalang sa lalaki pa siya pumatol!"- galit na sambit ko

"Eh kasi nga bading siya! Eeww!"- Apple rolled her eyes.

Unti-unti naman kaming napatigil ni Apple nang mapansin namin na wala nang imik si Ravelyne at halatang parang gustong umiyak.

"I-I'll just .. fall in love with him."- mahinang sambit nya. "And i think, iyon ang maling nagawa ko. Ang nahulog sa kanya."- she said

"You don't deserve this, Ravelyne. Hindi mo deserve na lokohin at saktan ng ganyan."- Apple said

"Actually lahat naman ng babae hindi deserve saktan ng mga walang kwentang lalaki dito sa mundo. Ang mga lalaki na 'yan ang dapat nating saktan!"- I'm getting mad, tsh gigil talaga ako.

"Girl relax, parang relate ka naman dyan? Niloko kana ba ni Jayvee?"- Apple ask me dahilan ng pag-urong ng dila ko.

"H-Hindi ha."- napa cross arms ako at napasandal sa upuan.

"Really?"- nang iinis 'tong si Apple

Tumingin naman ako kay Ravelyne.

"Ah basta, kapag nakita ko 'yang baklang John Mark na 'yan sasabunutan ko yan."- i said

"No need I'm fine, okay? Ayoko nang madamay pa kayo sa gulo."- she said

Wala naman kaming nagawa ni Apple kundi tumango nalang.

"Ravelyne."- dumating ang gwapong si Tito Ravil.

"Dad?"

Lumapit sa amin si Tito Ravil.

"Kumain na ba kayo?"- he ask

"Opo tito Ravil, thank you po."- Apple answered

Ngumiti naman si Tito Ravil. Gosh! Ang gwapo talaga ni Tito Ravil. After that naisipan na namin umalis ni Apple, habang si Ravelyne ay naiwan sa restaurant.

"So saan tayo girl? May pupuntahan ba tayo ngayon?"- Apple ask

"Hindi ko alam, pero ayoko pang umuwi eh."- i said

Nothing But The LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon