Lightning Struck

2.6K 179 24
                                    

Polar Opposites by JellOfAllTrades
Chapter 31

Nanlilisik ang kulay ubeng mata ni Alec. Kinakabahan sa kung anong gagawin niya ay inabot ko siya at hinawakan sa braso.

"Can we go inside? I need to talk to you both in private," kalmadong sabi ni Mr. Lucescu. Noong una ko siyang nakita, nakaupo lang siya sa loob ng kotse niya, pero ngayong nakatayo na siya sa harapan namin, nanliit ako sa tangkad nilang mag-ama. 

"Leave," diin ni Alec.

"Alexandria, we need to talk."

"I said leave!" Sigaw ni Alec. Pinalo niya papalayo yung kamay ng papa niya.

Para akong nagising sa sigaw niya kaya agad akong pumagitna sa kanila. Nagliliyab na sa galit ang violet eyes niya at nanginginig sa tensyon ang braso niya. Sa napakaraming beses na nakita ko siyang magalit, ito na ata ang pinakamatindi. Kahit yung galit niya kay Leone ay wala pa sa kalahati ng galit niya para sa sarili niyang ama.

Umatras si Mr. Lucescu para bigyan kami ng onting space pero kalmado pa rin ang ekspresyon niya. "Well then, I'll make my offer here." Hindi siya takot kay Alec at mukhang wala siyang paki sa kung anong kayang gawin ng anak niya. "I still need an heir, Alexandria, and you have the skills we need. But this time, I'm extending the offer to train you with Ms. Jaranilla."

"Ako?" Gulat kong turo sa sarili ko.

Mabilis na napatingin sa akin si Alec."Y-you know him?"

Na-guilty ako sa tono ng boses niya. Nagmaang-maangan ako sa kanya noong tinanong ko kung sino ang tatay niya. Hindi niya alam na kilala ko na si Mr. Lucescu. "Kind of,"

Naapula ang galit sa mga mata niya pero napalitan naman ito ng hinanakit. Umatras siya papalayo sa akin pero hinigpitan ko ang kapit ko sa kanya. "Alec,"

"No need to be mad at your friend," singit ng ni Mr. Lucescu. "I came to see her and she rejected me before."

"You--!" Tinangkang kwelyuhan ni Alec ang tatay niya pero mabilis siyang tinapik papalayo ni Mr. Lucescu. Ni hindi man lang naalarma ang lalaki sa pagka-agresibo ni Alec at mukhang inaasahan pa nga nito ang nangyari.

"Your memory may be excellent but you always seem to forget what I can do."

Gusto ko silang pigilan pero bago pa ako makapagsalita ay hinila na ako ni Alec papalayo sa tatay niya. Sumuntok siya pero nakailag ang ama niya. Hindi patitinag, sumipa naman siya pero agad itong nasalo ni Mr. Lucescu. Niyakap ni Mr. Lucescu ang binti ng anak niya at bumwelo para ihagis papalayo si Alec. Bumagsak ang henyo malapit sa gate.

"Alexandria--"

"ALEC!"

Para akong nanunuod ng bull fighting. Puro at mala-hayop ang galit ng toro na si Alec samantalang kalmado pero nakamamatay ang tira ng matador niyang ama. Sa muling pagsugod ni Alec sa pulang muleta ng matador ay hinarangan ko siya. Tumama ang balikat niya sa tiyan ko at pareho kaming bumagsak sa lupa.

"Jesus Christ, Alexandria. Your anger still blinds you."

Hindi ako makahinga sa sakit pero nagawa kong yakapin ng mahigpit si Alec para hindi na siya makatayo at atakihin pa muli si Mr. Lucescu. Sa saglit na palitan nila ng pagatake, kahit sino masasabing walang binatbat si Alec sa ama niya. Masasaktan lang siya lalo sa ginagawa niya.

"Let me go," mahina at nanginginig ang boses niya.

"No,"

"Let me go, Sophie." Sa mga labi niya ay parehong naging patawad at hiling ang pangalan ko. Hindi ako makasagot sa sikip ng dibdib ko at binitawan ko siya. Lumayo ako at yumuko para yakapin ang tiyan kong tila nadurog ang laman sa mga pangyayari. Para akong masusuka sa sakit.

Polar OppositesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon