A Ballad for the Broken

3.2K 220 59
                                    

Polar Opposites by JellOfAllTrades
Chapter 27


Nagkasabay kami ni Leone sa pag-abot sa baso ng tubig kaya't nagtama ang mga kamay namin. Tumingin siya sa akin at binigyan ako ng mapagbirong ngiti. Hindi ko yun naintindihan kaya't lumapit siya sa akin para halikan ako. Nanigas ako sa pwesto ko nang lumapat ang malambot na labi ni Leone sa labi ko.

"LEONE!" May narinig kaming sumigaw. Hindi ko alam kung kaninong boses yun dahil parang dumaan sa speaker ang tunog nito.

Umatras si Leone at nakita namin si Louisse. Pareho yung reaksyon niya noong nakita niya kaming tatlo ni Alec at Leone sa hagdan sa school. Lumapit sa akin si Louisse at sinubukan akong hilahin palayo kay Leone.

"Matagal na tayong tapos, Louisse. Si Sophie na ang nililigawan ko ngayon."

Nabitawan ako ni Louisse at tiningnan ako ng masama, mumunting butil ng luha'y tumutulo mula sa mga mata niya.

"Teka lang, Loui---" Sinubukan ko siyang kausapin pero isang malutong na sampal ang dumapo sa pisngi ko.

"Akala ko kaibigan kita!" At tumakbo na siya papalayo.

Tumayo ako para habulin si Louisse pero pinigilan ako ni Leone.

"Sophie,"

"Leone, tumahimik ka kung ayaw mong masapak kita."

Hinigit ko yung braso ko para mabitawan ako ni Leone at hinabol ko si Louisse. Sumunod din naman sa akin si Leone. Nakita namin si Louisse tumawid ng kalsada kaya tinakbo ko yung tawiran bago pa magpalit ng signal.

"LOUISSE!"

Biglang nagkaroon ng matinis na tunog sa likuran ko. Lumingon ako at nakitang nasagasaan si Leone ng isang itim na kotse. Tumilapon siya at gumulong ng ilang beses. Nang tumigil sa pag galaw ang katawan niya ay nakadapa na siya, kita ang bali bali niyang buto at nakatingin sa akin ang walang buhay niyang green eyes.

Lumabas ang driver ng kotse at namukhaan ko si Rose. Sobrang tingkad ng kulay pula niyang buhok na tila apoy na ito tingnan sa ulo niya.

"HOY JARANILLA!" Sigaw nito sa akin. Sa kamay niya ay may hawak siyang cutter. "Ginayuma mo ba si Alec?"

Nanlaki ang mga mata ko sa blade at napatakbo palayo. Naririnig ko ang yapak ni Rose na hinahabol ako kaya't sinubukan kong bilisan ang takbo ko.

"Tell me, Rose, what would you gain from carving Sophie's face?" Nakita ko si Alec sa isang tabi, bugbog sarado ang maganda niyang mukha pero nagaapoy sa galit ang violet eyes niya. Tumakbo ako papunta sa kanya at sinubukang hilahin siya papalayo.

"Tara na, Alec!"

Nakahabol na si Rose sa akin pero ngayo'y may kasama na siyang grupo ng mga lalaki. Lahat sila ay mukhang gangster at mukhang ready pumatay. Hinihila ko si Alec pero ayaw niyang gumalaw. Ngumiti siya, inabot ang mukha ko para punasan ang luha ko.

"Go home, Sophie. Don't look back."

Hindi ako gumalaw.

"LEAVE!"

Tinulak ako ni Alec kaya tumakbo na lang ako. Tumakbo ako kasi ayokong makitang galit ang violet eyes niya.

Lumiko ako sa isang eskinita at nang makalabas ako sa kabilang dulo ay nakabalik na ako sa tawiran kung saan nakatayo si Mr. Lucescu malapit sa walang buhay na katawan ni Leone. Lumuhod siya para tingnan si Leone pero napailing lang ito. "So this is how your glorious life ends?"

Itinaas ni Mr. Lucescu ang tingin niya para harapin ako. Walang emosyon ang bughaw niyang mata. May sasabihin ata siya sa akin pero napatingin siya bigla sa likod ko kaya't napalingon ako.

Polar OppositesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon