Continental Drift

12.2K 496 22
                                    

Polar Opposites by JellOfAllTrades
Chapter 10

Continental Drift

Maagang nagpaalam sa akin sila Leone dahil may make up class pa daw sila kaya naman naiwan ako sa bench sa ilalim ng punong acacia. Mamaya pa naman ang susunod na klase ko kaya minabuti ko na gawin na lang ang assignment ko sa chemistry. Next week pa naman ang pasahan nito pero tatapusin ko na ngayon para wala na akong gagawin ng weekend.

Kakatapos ko lang sagutan ang unang sagot nang may umupo sa harapan ko.

Tiningnan ko lang siya, hindi sigurado kung pano magrereact. Si Alec naman nginitian ako dahilan para lumitaw na naman iyong mga pangil niya. Pinagmasdan ko lang siya, naghahanap ng kung anong malisya sa mga mata niya pero wala akong makita. Walang emosyon sa mga violet eyes niya.

"Anong gawa mo?" Tanong niya na tinitingnan yung ginagawa ko. "Para sa chem lab ba yan?"

"Oo," Ano kayang nakain nito at parang ang bait ng aura niya ngayon?

"Anong number ka na?"

"Two."

Tumango siya at saka lumipat sa tabi ko para mas mabasa ng maayos yung ginagawa ko. "May mali ka dito oh." Tinuro niya yung equation ko. "Napagpalit mo yung values ng volume one at two."

Tiningnan ko ulit yung gawa ko at nakitang tama nga siya, napagpalit ko yung value. Kinuha ko yung pambura ko at binura yung solution ko. "Salamat."

"Pengeng papel ha?" Paalam niya saka pumunit sa yellow pad ko.

Habang tinatama ko yung solution ko ay nagsasagot din si Alec. Ang pagkakaiba lang, ako may scientific calculator, siya manual calculations lang ang ginagawa niya.

Nang matapos ko ang sampung problems ay tiningnan ko si Alec. Nasa number ten na din siya at nagcacalculate. Pinanuod ko lang yung ginagawa niya kasi namamangha ako sa bilis niya magbilang. Nasa thousands yung value pero parang mani lang sakanya ang magmulitply nito at magdivide. Pagkaraan ang ilang segundo ay tumingin na siya sa akin, tapos na sagutan lahat.

"Want to compare answers?" Tanong niya.

Napakurap lang ako. Seryoso siya? Ni minsan hindi ko inakalang si Alec yung tipo ng tao na magcocompare ng sagot sa iba.

Kinuha niya yung papel ko at tiningnan ang mga sagot namin. Halos wala naman kaming pinagkaiba except sa decimals.

"Ayos ah, wala nang mali?" Napangiting ibinalik sa akin ni Alec yung papel ko.

"Pano mo ginawa yun?" Tanong ko.

"Ang alin?"

"Walang calculator,"

"Oh, that. Sinanay ko yung sarili kong wag gumamit ng calculator noong high school ako. Mabagal yung process pero mas nahahasa yung utak ko sa computation. After some time nakakahabol na ako sa ibang gumagamit ng calcu." Paliwanag niya.

Tiningnan ko yung orasan at nakitang sampung minuto na lang at magsisimula na ang susunod naming klase. Nagayos na ako ng gamit ko.

"Tara na, Alec. Malapit na mag Chem lab."

"Ditch tayo?" Aya niya sa akin.

Natigilan ako sa sinabi niya. Kami, ditch ng class? Nahihibang na ba siya? Eh noong nakaraang linggo lang ginawa niyang living hell ang buhay ko. Anong pumasok sa kukote niya at sa tingin niyang papayag ako magcut ng class with her?

"Ayoko nga." Tanggi ko at tumayo na. "Kung gusto mo magcut ng class, sige lang, pero wag kang mandadamay ng iba."

"KJ mo," Pabulong na sabi niya pero sumunod naman sa akin. Gusto ko sana siya sagutin kaso kanina pa naman siya walang ginagawang masama. Ayoko nang asarin, baka hindi lang masira araw ko, madurog pa.

Polar OppositesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon