Schrodinger's Cat

10.1K 382 26
                                    

Polar Opposites by JellOfAllTrades
Chapter 18


Maaga akong gumising para lumabas at mamalengke. May pagkain pa naman kami ni Alec sa bahay niya pero sisiguraduhin kong meron siyang pagkain mamayang gabi. Kailangan ko na din kasi umuwi mamayang hapon.

Mabilis lang akong nawala at nang nagbalik ako sa apartment ni Alec ay nadatnan kong tulog pa rin siya at nakabalot sa kumot niya.

Itinabi ko muna ang pinamili ko at nagsimula nang ihanda ang gagamitin ko para sa lugaw na ni-request ni Alec.

Tahimik ang paligid habang ginigisa ko yung bawang at luya. Nang mailagay ko na yung malagkit at yung iba pang ingredients ay hinalo ko na lang ito at hinayaang kumulo. Habang naghihintay ay nilinis ko naman yung apartment ni Alec.

Habang naglilinis ako ay tinitingnan tingnan ko din si Alec sa kwarto ng mama niya. Hindi ko kasi alam kung magigising siya sa onting ingay lang. Ayoko naman istorbohin yung tulog niya dahil kailangan niya magpahinga.

Nang mapansin kong kumukulo na yung lugaw ay nilapitan ko ito para haluin.

"Sana di masyadong maalat." Bulong ko sa sarili ko habang kumukuha ng onting lugaw para tikman. Minsan na kasi akong nakagawa ng lugaw na sobrang alat dahil di ko natansya ng maayos yung patis.

Hinipan ko yung kutsara at saka tinikman yung lugaw. "Nakulangan naman ako ng patis ngayon."

Nilagyan ko pa ng onting onting patis yung lugaw at hinayaan ulit itong kumulo.

Nang talikuran ko yung ginagawa ko ay nagulat ako nang makitang may nakatayo na pala sa likuran ko.

"ANO BA YAN ALEC!" Napahawak ako sa dibdib ko at naramdaman ang mabilis na pagtakbo ng puso ko.

"You look like you're having fun there." Mahina niyang sabi.

"Kanina ka pa ba gising?"

"Hindi naman."

Tiningnan ko siyang mabuti at napansing hindi na siya sumisinghot. "Okay ka na ba?"

"Wala na akong lagnat."

Lumapit ako sa kanya at hinawakan yung leeg niya. Maingat pa ako sa paglapit sa kanya dahil hindi ako sure kung okay lang sa kanya na hawakan ko siya pero hinayaan niya lang ako.

"Oo nga, wala ka nang lagnat."

Humakbang papalapit sa akin si Alec at napaatras ako. Humakbang pa ulit siya at umatras  ulit ako. Lumapit siya ng lumapit hanggang sa tumama ako sa kitchen counter.

"Sophie,"

Lumapit siya hanggang sa isang pulgada na lang ata ang layo ng mga mukha namin. Nararamdaman ko na sa pisngi ko ang mainit niyang hininga.

"Alec, lumayo ka ng onti, please?"

Mabilis ang takbo ng puso ko at kinakabahan ako sa pwede niyang gawin. Pero kahit anong isip ko na itulak siya, hindi ko magawa. Pakiramdam ko nakakulong ako sa mga bisig niya. Hindi ako makagalaw.

"Sophie," Bulong ulit niya.

Nagdikit ang mga noo namin at naramdaman ko na lang ang paninigas ng buong katawan ko. Napatingin ako sa mga nakapikit niyang mga mata, hoping na nagkakamali ako, na hindi totoo ang nangyayari, na nananaginip lang ako at magigising na ako sa mga susunod na segundo.

Nagbukas ang mga mata ni Alec at kahit naduduling ako sa lapit namin ay hindi ko maiwasang titigan ang violet eyes niya. Ang mga mata niyang tila nangungusap sa akin.

Polar OppositesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon