Projections

972 84 1
                                    

Polar Opposites by JellOfAllTrades
Chapter 39

"Can I sleep with you?"

Napatingin ako sa pintuan ko at nakita si Alec na may dalang unan galing sa kwarto niya.

"Only if you promise me na wala kang gagawing masama."

Ngumiti siya. "If you promise me you won't do anything to me either."

"Kelan ako may ginawa sayo?"

Nagkibit balikat lang siya at dumiretso na sa kama ko.

Isinampay ko na yung towel ko sa hanger at tumabi sa kanya. Agad naman niya akong niyakap at pinaunan sa braso niya.

"Akala ko para sa akin yung unan."

"Ayaw mo ba sa braso ko? Sayang naman muscles ko."

Pinisil ko siya sa tiyan. "Sira."

Hinawakan niya yung kamay ko at pinayakap ako sa kanya. Naligo na siya kanina sa mansyon nila Leone pero nagpalit agad siya ng damit pagkabalik namin dito sa bahay. Amoy usual Alec na ulit siya.

"Sophie, can you call me Pi again?"

Napatingin ako sa kanya. "Kelan kita tinawag na Pi?"

"Kanina sa kotse. When I said I love you til the end of the number Pi."

"Hindi naman ah?"

"Just say it again, please?"

"Pi."

Lumabas na muli yung pangil niya sa lapad ng ngiti niya. "I love that."

"Pi lang eh."

"So? It means a lot to me."

Inilapit ko yung mukha ko sa kanya. Ang tingkad ng pagka-ube ng mga mata niya sa ganitong distansya namin.

"Pi na lang ba tawagin ko sayo?"

Hinalikan niya ako. "Pwede ba?"

"Call me Pi too? Let it be our little thing."

Kinuha niya yung kamay ko at hinalikan ang kamao ko. "Pi."

Muli niya akong hinarap at hinalikan sa ilong. "How do you do it?"

"Ang alin?"

"I feel like I should be crying, trashing this whole place and getting myself wasted. Yet your presence makes me calm. Happy, even."

"Redirect mo kasi yang passion mo for violence into loving me instead."

"Okay."

Huli na nang marealize kong medyo iba yung tunog ng sinabi ko. Agad niya akong hinalikan na tila kailangan niya ang mga labi ko para makahinga siya. At kanina pa siya nalulunod.

"Hmmm."

Gusto ko siyang patigilin pero parang tsunami yung nararamdaman niya at wala na akong ibang magawa kundi magpadala sa agos ng pagmamahal niya.

"Hmm, Pi." Napasinghap ako nang magtanim siya ng halik sa leeg ko. Naramdaman ko ang mainit niyang palad sa bewang ko, papunta sa likod ko at sa hook ng bra ko.

"Come here,"

"Hey!"

Binuhat niya ako bigla at pinakandong sa kanya. Pero hindi na nasundan yung reklamo ko dahil sinakop niya muli ang labi ko. Napadiin ang kapit ko sa braso niya nang maramdaman ko ang kamay niya sa dibdib ko. Para akong matutunaw sa mga haplos niya. Bakit ang init ng kamay niya?

Sigurado akong malakas ang tibok ng puso ko pero wala akong ibang marinig kundi ang pag-singhap niya at ang pigil kong pag-ungol. Hanggang dito lang kami dapat. Hindi na pwede lumagpas. Para akong mababaliw sa kanya.

Polar OppositesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon