Author's Note

1.2K 71 13
                                    


Aaminin ko, bored ako noong naisipan kong isulat itong story na ito way back 2014. Ang haba kasi ng break ko noon sa school (6 hours din yun). Akala ko matatapos ko din agad 'to kasi ang premise lang naman is same ng personality si Gan at Alec, si Genesis at Sophie, si Rae at Leone, at si Alexa at Louisse, pero inabot ako ng walong taon sa pagsusulat. Hindi tuloy-tuloy dahil sa dami ng hiatus na ginawa ko pero, eto na. Tapos na tayo sa wakas! Nasagot ko na ang tanong na "kung may sarili bang katawan si Rae at Gan, sino ang pipiliin ni Genesis?"

Sorry sa lahat ng reader kong ang tagaaaaaal na naghintay para sa ending na 'to. Sorry din na may isang plot hole sa story na hindi ko na inedit kasi tinatamad na akong baguhin hahahaha kung magre-reread kayo, wag niyo na lang pansinin. Pagod na si author niyo mag-edit ng mga pagkakamali niya hahahahaha

Thank you unang-una kay Tiffany na paborito tong story na 'to. Dumating ata kami sa point na nililibre niya ako para mag-update ako HAHAHAHA salamat sa pagiging mabuting kaibigan sa akin kahit palagi kong nakakalimutan na may allergy ka sa chicken. Huwag ka sana magsasawa sa katangahan ko sa buhay.

Thank you kay Doc Fam na hindi ko alam kung binabasa pa ba 'tong libro na 'to. Hindi na tayo masyado nag-uusap pero gusto kong malaman mo na grateful pa rin ako na nakilala kita. I hope you're doing well.

And thank you sayo, dear reader, for sticking around. Alam ko I keep saying I write for pleasure, not pressure, pero kung hindi rin dahil sa inyo ay hindi ko rin matatapos tong story na 'to. Ayokong mabitin kayo eh hahahaha sana kahit sa pagtatapos ng Polar Opposites ay patuloy niyong tatangkilikin yung mga story ko. May Peripherals pa akong ongoing at may mga libro pa akong balak isulat! Abangan niyo na lang kasi magsusulat na ulit ako ng Familia Olympia stories! Wag niyo ako iiwan hahahaha

Kung bet niyo ako i-add sa Facebook, i-follow sa Twitter or IG naka-link sa comments yung social media accounts ko.

MARAMING MARAMING SALAMAT!

Polar OppositesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon