Imperial Confession

4.3K 230 26
                                    

Polar Opposites by JellOfAllTrades
Chapter 22

Nanindig ang balahibo ko at nagising ako sa lamig ng hangin. Kinapa ko yung kumot ko at natigilan nang may nahawakan akong braso.

Sa kadiliman ng kwarto ko ay unti-unting luminaw ang hugis ni Alec sa tabi ko. Naka-fetal position siya at yakap yakap ang sarili. Siguro nilalamig din siya.

Umupo ako para kapain sa unan yung kumot ko. Kaso naka-unan naman si Alec dun sa kumot kaya dahan dahan kong inangat ang ulo niya.

"Putangina," nagitla si Alec sa ginawa ko.

"Sorry, nilalamig kasi ako."

Binuklat ko yung kumot at binalot ang sarili ko.

"Pasiksik ako," lumapit si Alec sa akin at pumasok sa loob ng kumot.

Gusto kong magprotesta kasi ang laki niya pero nagkasya naman kami sa kumot ko. Ayun nga lang, dikit na dikit siya sa akin.

"Wag kang masyadong tense, wala akong gagawin sayo." Mahinang sabi ni Alec.

Dumikit yung braso niya sa likuran ng kamay ko at nagsitaasan ang balahibo ko sa lamig niya.

"Ang lamig mo?" Tanong ko.

"Malamig kasi ngayon? Gusto mo bang patayin ko yung electric fan?"

"Maiinitan naman tayo mamaya."

"Di ba masyadong malakas?"

"Yan na yung pinakamababa." Sagot ko. "Di ako nagnunumber-three."

"Madali kang lamigin?"

"Oo,"

"Same."

Natahimik kaming dalawa kaya't akala ko bumalik na sa tulog si Alec.

"Magagalit ka ba pag niyakap kita?" Mahinang tanong niya sa akin.

"Bakit mo naman ako yayakapin?"

"Ewan."

Pinagisipan ko yung tanong niya. Niyakap niya rin ako kahapon ng madaling araw at di ko naman siya tinulak. Hindi ko rin alam bakit hinayaan ko lang siya. Di ako nagulat, nagalit o kung ano. Tinanggap ko na lang yung aksyon niya.

Pero bakit?

Bakit niya ako niyakap? May meaning ba yung yakap na yun o wala? Pero hindi kasi expressive si Alec sa nararamdaman niya (maliban na lang siguro sa mga negatibong reaksyon niya). Parang isang beses ko pa nga lang siya nakikitang ngumiti na umabot sa mata yung ngiti niya.

"Bakit mo ako niyakap kahapon?"

Nag-exhale siya na para bang natatawa. "Di pa ba obvious yun?"

"Hindi,"

"I was relieved to see you safe."

"Oh,"

Naalala ko yung sigaw niya sa hagdan. Yung pagsalba niya sa akin mula dun sa babaeng kulay pula ang buhok. Yung pagkakabati namin at pagkakasundo na kalimutan na yung mga naunang away namin.

"Rose came from a mafia family. She thought I was interesting and I thought the same about her. Kaso masyado siyang clingy and she wanted me to join her." Kwento ni Alec. Sa kadiliman ng kwarto ay di ko maaninagan ang mukha niya. "I said no and she got a little obsessed. Tried to win me back but always failed."

Umayos siya ng higa. "She's a little crazy, but I never thought she'd actually try to do anything to hurt someone in school."

"Pano mo ako nahanap nun?"

Polar OppositesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon