Missing Persons

1.3K 101 8
                                    

Polar Opposites by JellOfAllTrades
Chapter 36

"Sophie, are you ready to go?" Medyo paos ang boses ni Leone.

"Yeah."

Sinundan ko si Leone sa kotse at bumyahe na kami papunta sa ospital. Bibisitahin namin si Louisse.

Pagkatapos namin uminom ni Leone kagabi, hinatid din niya ako sa guest room. Hindi ako masyado nakatulog kakaisip kay Alec at kay Louisse kaya't inaantok ako sa kotse. Napansin ito ni Leone at pinasandal ako sa balikat niya. Pero kahit siya mukhang kulang din sa tulog.

"After we see Louisse, hanapin natin si Alec. I think she should have calmed down by now."

"Daan tayo sa bahay."

"Okay."

Pagkadating namin sa ospital, dumiretso kami ni Leone sa kwarto ni Louisse at napangiti nang mapansing walang guards na nagbabantay sa may pinto.

"Wala ata si tita," excited na sabi ni Leone at binilisan ang lakad.

Nakabukas ang pinto ng kwarto at natigilan kami ni Leone nang makita naming walang tao sa loob.

"Louisse?" Pumasok si Leone at tiningnan kung may gamit ba si Louisse sa loob pero malinis ito.

Tiningnan ko muli yung hallway kung nasa tamang lugar ba kami pero tandang tanda ko pa na dito nasampal si Leone at dito kami sinugod ni Alec.

"Hanap lang ako ng pwedeng pagtanungan." Paalam ko kay Leone.

Pumunta ako sa pinakamalapit na nurse station.

"Hi, excuse me. Itatanong ko lang po kung anong nangyari kay Louisse Zhukova?"

"Kaano-ano po kayo nung pasyente?"

"Kaibigan po."

"Pasensya na po. Bawal po kasi kami mag-release ng information kung hindi po kayo kamag-anak."

Lumingon ako kay Leone at nakitang papalapit na siya.

"Ah, kasama ko po yung pinsan niya." Agad kong pagsisinungaling sa nurse. Sinenyasan ko si Leone. "Leone, di ba pinsan mo si Louisse?"

Napatingin sa akin si Leone pero agad din niyang naintindihan yung sinabi ko.

"Yes po. Leone Lucescu po, pinsan ko po sa mother-side si Louisse."

Ilang segundo din siya tiningnan ng nurse bago tumango at hinanap yung records ni Louisse. Tahimik akong nakahinga ng maluwag na pinaniwalaan niya yung kasinungalingan ko kasi hindi naman ako sanay na magsinungaling.

"Sabi dito nilipat ng hospital si Ms. Zhukova. Not indicated kung saan siya nilipat."

Nagkatinginan kami ni Leone.

"Anong oras po siya nilipat?"

Muling tiningnan nung nurse yung records. "Kaninang madaling araw. 4:30 AM."

Mapait ang ngiti ni Leone sa nurse. "Maraming salamat po. Tatawagan ko na lang si tita. Hindi po kasi kami na-inform nila mommy na ililipat pala si Louisse."

"Okay, anything else?"

"Wala na po. Maraming salamat ulit!"

Parang maiiyak na si Leone kaya't hinila ko na siya papalayo sa nurse station.

"Try natin siya tawagan. Baka naman sumagot." Suhestiyon ko at nilabas ang cellphone ko.

Sinubukan kong tawagan ang number ni Louisse pero ilang missed calls ang nagawa ko bago ito naging unavailable.

Polar OppositesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon