AC/DC

12.9K 444 23
                                    

Polar Opposites by JellOfAllTrades
Chapter 4
AC/DC

For the first time since bumalik ako ng Pilipinas ay ginanahan akong pumasok ng school. Hindi dahil tinigilan na ko ni Alec (although kailangan ko na talaga syang mahanap) kung hindi dahil may kaibigan na ako; sila Louisse at Leone.

Sabi nila sakin ipapakilala din daw nila ako sa bandmates nila para naman hindi ako loner masyado. Ang hindi ko lang malaman sa sarili ko ay kung dapat ba ako maexcite o ano kasi naaalala ko pang pinaalis ako sa table nung isang kasama nila. Baka hindi katulad nila Leone na open sa akin ay baka itulak lang nila ako papalayo.

Naglalakad ako sa hallway nang mapansin kong madami nanaman ang nakatingin sakin. Wala naman akong dumi sa mukha nang pasimple akong nagpunas ng panyo, hindi din naman ako mukhang gusgusin dahil nagayos ako. So, anong problema?

"Siya ba yun?" Dinig kong bulong ng isang babae.

"Ang landi naman nya," Bulong ng kasamahan nya. "Nilalandi na nga nya si Alec tapos si Louisse naman ngayon?"

"Di na sya nahiya." Dagdag ng isa pang babae.

Okay, ano nanaman bang chismis ang kumakalat tungkol sakin?

"Sophie!" May narinig akong sigaw mula sa likuran ko kaya napalingon ako.

Natanaw ko si Leone sa kalayuan, mejo nahaharangan ng grupo ng freshmen.

"Hoy."

Nanlamig ang katawan ko nang marinig ang makapangyarihang boses na iyon.

"A-alec," Nanginginig ang boses na hinarap ko ang resident genius ng school.

Napasinghap ako nang makitang nakasuot sya ng tennis uniform, may nakasukbit na sports bag sa balikat, may tennis ball sa isang kamay at basang basa ng pawis.

Oh my gulay! Wet look si Alec!

Hindi ba uso ang pamunas sa bampirang ito? Nagniningning ang mukha nya sa pawis at yung mga mata nyang kulay ube ay gising na gising, alerto. Kaya naman pala madaming nagkakagusto sa bwisit na ito, iba ang itsura nya pag naka-athlete mode sya. Ang astig nya tingnan.

"Onti nalang maglalaway ka na." Walang ganang sabi ni Alec sakin. "Tabi jan, dadaan ako."

Naginit bigla ang dugo ko sa utos nya. Oo, utos kasi hindi naman pakiusap yung sinabi nya.

"Sayo na ba tong hallway?" Tanong ko. "Makasabi ka ng 'tabi' sakin parang pagmamayari mo na tong inaapakan ko."

Narinig ko ang kolektibong pagsinghap ng pagkagulat ng mga tao sa paligid namin. Nagkaroon din agad ng mga bulong bulungan.

"Lakas ng loob mo ah?" Makamandag na tanong ni Alec.

"Lakas ng hangin mo ah?" Bawi ko naman.

Ay teka, bakit ko sinabi yun?! Dapat nagsosorry na ako sakanya pero mukhang madadagdagan nanaman ang atraso ko.

"Are you asking for a death wish, Sophie?" Kalmadong tanong ni Alec. Pero yung pagkakabanggit nya ng pangalan ko ubod ng sarkastiko.

Gusto kong sabihing oo para lang inisin sya lalo kaso baka naman totohanin nya at matagpuan nalang nila ang bangkay ko sa gilid ng kalsada bukas. Hindi ko alam kung hangang saan ang kakayahan ni Alec sa pangbubully pero ayoko ng malaman.

"Hindi."

"Yun naman pala eh, tumabi ka na jan at nakaharang ka." Napangisi si Alec.

For a moment ay nanigas ako. May something sa ngisi nya, parang may spark! Yung violet eyes nya parang natuwa din. Pero saglit lang yun dahil umalingawngaw ang isang sigaw sa likuran ko.

Polar OppositesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon