Chapter 20

114 98 15
                                    

“Ano na Eillish? Kanina kapa tutok jan sa cellphone mo, sino ba yang kausap o kachat mo?” tanong ni Aiyana kinabukasan kay Eillish habang nasa canteen sila upang mag-recess.

“Someone who’s inviting me to go on a date.” nagkibit balikat si Eillish pero ang paningin ay tutok parin sa cellphone. Nang mapatagal ang reply ng lalaki ay ginamit niya muna ang libreng oras na yon para buksan ang supot ng Anzac biscuits. Saka walang pasabi sabing dinaklot ang kalalabas lang ni Vien mula sa plastic ang bote ng c2.

“Date na naman? C’mon Eillish, since when did you start going on a date with random guys?” iritadong tanong ni Vien. As usual, pito lamang silang naroon. Wala si Nicole, siguro’y kasama na naman ang nobyong si Luke. Ang tagal na talaga simula nung huling magusap ang dalawa. Hindi nayun naulit pa simula pa non.

“Well I’m just having fun, anong masama dun?” angil ni Eillish. Irita lang siya nitong pinakatitigan ng dalawa, si Aiyana at Vien. Umaasa pa rin kasi ang dalawa na magkaroon ulit ng part 2 encounter si Luke at Eillish. Napapairap nalang si Eillish kada pag-uusapan sila ng lalaki.

“She’s just having fun guys, don’t be so OA. Mas mabuti na yon, so by just having a date with random boys. Her feelings kuno for Luke would totally faded.” singit ni Maliah. Napatingin silang lahat dito. Biglang tumahimik ang lahat na akala mo’y may dumaang anghel.

Nang hindi siya tantanan ng titig ng anim ay tumikhim ito at nilinaw ang sinasabi. “I mean, Luke and your cousin are now officially in a relationship right? Hindi kana aabot sa puntong mapagkakamalan ka pang third party.” bawi nito pero nanatili pa ring nakatitig sa kanya ang anim. Walang nagsalita, nakikinig lang sa animong pagpapaliwanag niya.

“Nah whatever.” umirap lang ito sa kawalan at ipinagpatuloy na ang kinakain hanggang sa maubos na ito. Nang maubos iyon ay walang pasabi sabing hinatak nalang bigla si Joharra palayo. Naiwang natutula’t tahimik ang lima.

Napayuko si Eillish nang magsink-in at marealize niya ang sinabi at pinapahiwatig ni Maliah.

“She’s right. Hindi na dapat ako nakikigulo pa.” anito sa isipan nito. Napailing siya at bahagyang tumingala upang pigilang pumatak ang nagbabadyang luha.

“Don’t mind her, Lis” nasabi nalang ni Joongin na sinusubukang pagaanin ang loob ni Eillish pero hindi siya nagtagumpay. Nasaksihan na nila kung paano tumulo ng biglaan ang luhang pilit namang pinipigilan ni Eillish. Yumuko ulit ito upang takpan nalang ang mukha.

“Wag mo nalang siyang pansinin, she just feel envy from the fact that her crush has a feelings for someone else and that’s you.” gatong narin ni Vien pero hindi niyon nakayanang pigilan ang sunod sunod ng pumatak na luha mula sa mga mata ni Eillish.

“That’s impossible.” nag-angat ng tingin si Eillish at sa isang iglap ay nawala nalang ang luha nito pero may bakas sa mata nitong halatang kagagaling niya lang sa pagiyak.

“Eillish…” kumunot na ang noo ni Aiyana pero halata sa mga mata nito ang pag-aalala sa kaibigan.

“I’m fine, pagtutuunan ko nalang muna ng pansin ngayon bukod sa pag-aaral ko ay yung date ko. Let’s go.” tumayo si Eillish at nangunang maglakad pabalik sa kanilang classroom.

Lumipas ang mga oras at araw at weekend na. Maagang nagising si Eillish sa hindi niya malamang dahilan.

Pero nang maalala niya rin na ngayon ang napag-usapang araw nila ni Gavin para sa date nila, bumangon narin ito at kaagad na naghanda ng susuotin.

But because she’s a Gucci lover, hindi na niya kailangan pang pumili pa ng damit. Dahil lahat naman yata, nagugustuhan niya as long as the brand of that dress or outfit is Gucci.

She started preparing her color beige terno Gucci blazer coat and Gucci cutbray pants. She paired that outfit to light brown Gucci 3 inches high heels sandals. Tapos inilabas nya rin mula sa Gucci collection cabinet ang white Gucci shoulder bag. Huli niyang inihanda ay ang simpleng Gucci accessories. A pair of earrings and necklace.

Matapos ang paghahandang iyon ay lumabas na siya ng kwarto upang kumain muna ng breakfast. Alas otso ang napag-usapan din nilang oras at alas sais palang ngayon, she still have 2 hours to prepare.

Hindi ito marunong magluto kaya instant food nalang ang napilitan niyang kainin, sa kanilang tatlo na nakatira sa bahay ay siya palang yata ang nagigising. Kapag ganito kasing weekend ay tulog mantika ang dalawang magkapatid kaya malamang sa alamang ay nakapabalentwang pa ito habang natutulog.

After eating breakfast, she stood up para dumiretso na agad sa bathroom.

Matagal na minuto din ang nagamit nya bago niya naayusan ang sarili at ngayon ay pinoproblema niya nalang ang hairstyle niya. Gusto niyang maiba naman ang itsura niya ngayon.

Pero sa huli napag-isipan niyang wag nalang baguhin at panatilihing bagsak nalang ang buhok niya. Nilagyan niya nalang ng magkaternong clip ang magkabilang gilid ng ulo nito.

Lumabas ito ng kwarto matapos ayusan ang sarili pero pababa palang ng hagdan ay nakita niya na si Nicole na prenteng nakaupo sa sofa ng salas at nanunuod ng kung anong drama.

Napalingon ang umiinom ng kape na si Nicole at gulat na tinitigan ang kabuuan nito.

“Where are you going? Why you look so more presentable today?”

“Going on a date with someone” kinuha nito mula sa katabi ng tv ang Gucci shades pero nang maalibadbaran ay kaagad niya rin itong hinubad.

“Si Luke ba yan?” deretsong tanong ni Nicole. Hindi man lang kakitaan ng kahit anong emosyon at sa paraan ng pagtatanong ay mas higit pa sa casual lang. Parang normal lang talaga sa kanyang itanong iyon, na parang tinatanong niya lang kung anong oras na.

Umiling si Eillish nang makabawi mula sa pagkakatulala.

“Then who?”

“You don’t need to know couz, don’t worry I’ll come back before 5pm.”

Yun lang at lumabas na ng bahay si Eillish dala dala ang shoulder bag. Isinukbit niya iyon sa balikat niya at kaagad na pumara ng taxi. Thank God hinintuan naman siya nito kaya ang oras na napag-usapan ay natupad.

“Uy sorry I’m late.” paghingi naman ng tawad sa kanya ni Gavin nang malate ito kahit limang minuto lang naman. Tumango lang si Eillish at inginuso ang kaharap na upuan nito. Dumaan muna sila sa isang cafè dahil hindi na daw nakapag-umagahan si Gavin sa sobrang pagmamadali nito. Late na kasi nang magising.

“Uh, kumain ka na ba?” tanong ni Gavin habang binubuksan ang supot ng ensaymada. Nakatitig lang si Eillish sa kanya. Kape lang kasi ng inorder nito.

“Yeah, ikaw?”

“Hahaha, oorder ba ako ng ganito karaming ensaymada kung oo?” itinuro pa nito ang pitong ensaymada na nakahilera sa lamesa katabi ng limang piraso ng tissue. Tumikhim naman si Eillish nang maalalang hindi pa nga pala ito kumakain.

“You look uncomfortable” puna ni Gavin nang mapansing tahimik lang si Eillish.

“I just don’t know how to communicate with other men anymore. Matagal na nung huling nakipagdate ako.” kwento ni Eillish.

“Hmm, so I guess you already have a boyfriend now?”

“Do I look like a two timer? Cheater?” mataray na angil sa kanya ni Eillish. Tahimik lang si Gavin at hindi yata nito nakuha ang ibig sabihin don ni Eillish.

“Once I already have a boyfriend, I’d stop dating with some random boys anymore. I won’t pay attention to others anymore.” paliwanag naman ni Eillish.

“Oh..” tanging naisagot lamang ni Gavin.

“Where do you want to go, first?” tanong ni Gavin pagkalabas nila ng cafè. Naglalakad sila papunta ng parking lot hanggang sa marating nila ang harap ng isang kotse. Sa isang titig lang ay isang tao na kaagad ang pumasok sa isip niya’t naalala.

“Oh, favorite ko kasi ang Lamborghini. Since I was in 7 years old, I started collecting sports car kahit sa toys pa lamang siya. Pero habang lumalaki, totoong sasakyang pang-sports na ang kinokolekta ko. Gusto mo din ba ng ganyan?” mahaba ang sinabi ni Gavin.

“No, I just suddenly remember someone by just staring at your car.”

“Oh?” gulat na reaksyon ni Gavin.

“I think, you two have the same favorites. Lahat din sa mga sasakyang ginagamit niya ay Lamborghini, at black.”

“Mukhang kakambal ko yata iyang tinutukoy mo ah?” pabirong angil ni Gavin kahit na ang totoo ay hindi niya pa rin nakikilala kung sino ang tinutukoy ni Eillish.

Gulat naman siya ngayong binalingan ni Eillish. “Magkapatid kayo?”

“No I’m just kidding. Paborito ko din kasi ang black.,”

Tumaas lang ang kilay ni Eillish pero nang pagbuksan siya ng pinto ni Gavin ay kaagad naman itong sumakay.

“May na-search akong magandang lugar. Dito lang din pala sa Brisbane.” kwento ulit ni Gavin.

“Where?”

“Uhm… I remember… It’s a kind of river, biggest and most visited river. Are you okay with that?”

“Sure, saan ba yan?”

“Brisbane River, I also read from Google that it’s a longest river here in Brisbane.” Kwento naman nito.

Napatigil si Eillish.

Para sa kanya, pamilyar ang lugar na yon.

Of course hindi niya makakalimutan yon.

Ang lugar kung saan una silang nagdate.

Lugar na nakapagpasaya sa kanya at nakapagbigay ng freedom.

Kasama ang lalaking yon.

“Uh…” nilingon niya si Gavin. Animong parang maiiyak na naman. Nakangiti pa si Gavin sa kanya nang lingunin ito. “Hmm?” inosenteng tanong nito kay Eillish.

“Pwede bang sa ibang lugar nalang tayo? Bukod naman siguro don ay may iba ka pang alam na lugar na pwedeng puntahan ano?”

“Oh sure, wait.” kinuha ni Gavin ang kanyang cellphone at nagsimulang buksan iyon saka pinindot ang Google app, nandun pa rin sa search history ang sinearch niyang magagandang lugar sa Brisbane, Australia.

“Kaso yung pangalawa restaurant na siya, masasarap kasi ang pagkain don so I’m planning to take you there.”

“Saan naman yon?”

“Meccah Bah restaurant.” tinitigan pa ulit ng mariin ni Gavin ang cellphone kung tama ba ang pagkakabasa at nakagalay sa sinabi niya at nang tama nga ay nakangiti niyang nilingon si Eillish na mas lalo ngayong lumukot ang mukha.

“Hey what’s wrong?” alalang tanong ni Gavin nang tuluyan nang lumukot ang mukha ng kasama. “Uhm, hindi mo ba nagugustuhan yung mga places?” tanong pa nito pero hindi nakasagot si Eillish.

“Ano pang mga lugar ang na-search mo na balak mo akong dalhin?”

“Wait.” binuksan ulit ni Gavin ang na-off na cellphone at inisa-isang basahin ang pangalan ng mga locations.

“City Hall clock tower…” sa dinarami rami ng mga nabanggit ni Gavin ay iyon lamang ulit ang nagpalinaw ng kanyang pandinig. Iniisip niya kung sinusubukan ba siya ng tadhana o ano pero lahat yata sa binaggit ng lalaki ay napuntahan na nila noon.

“Well I guess you didn’t like all of those places I just mentioned.” may panghihinayang sa boses ni Gavin nang sabihin iyon.

“No, I like all of those places. But I just remembered someone. We’ve been also go there together”

“Oh?” gulat na react ni Gavin.

“Yeah, that’s why… I’m sorry.” napayuko si Eillish.

“Nah it’s okay, what if, let’s just go to a mall and watch a new movie. Then let’s do whatever you want.” suggest na lamang ni Gavin. Tiningnan lang siya saglit ni Eillish pero kapagkuwa’y pumayag narin ito.

Nag-umpisa ng paandarin ni Gavin ang kotse at pumunta sa pinakamalapit na Mall. Weekend kaya madami ang tao nang madatnan nila.

“Sure kang dito tayo? Ang daming tao?”

“Why it seems that you’re ready to reject my suggestion again?”

“Nah, fine.”

Pumasok sila sa mall at saglit lang silang pinatigil ng mga guards upang i-check ang mga laman ng bag nila at ng wala namang makitang deadly weapons or stuffs. Hinayaan narin sila nitong pumasok.

“Parang gusto ko ng cake.” bigla ay wala sa sariling naiusal ni Eillish kaya napalingon sa kanya si Gavin.

Gavin smiled at her so his dimple showed up.

Hinatak siya nito sa namataang cake shop. Pumasok sila doon nang hindi parin bumibitaw ang hawak sa isa’t isa.

“What flavor do you want?”

“Uhm… strawberry?”

“Okay, humanap kana ng upuan.”

Humanap naman kaagad si Eillish ng upuan sa sinabing yon ni Gavin. May nakita siyang bakanteng upuan malapit sa entrance ng shop.

“Sino ba yung tao na kanina mo pa tinutukoy?” kuryos na tanong ni Gavin kay Eillish matapos mailapag ang mga inorder na pagkain sa lamesa.

“Someone…” napaiwas ng tingin si Eillish nang maramdaman niyang parang may kumukurot sa dibdib niyang wala namang laman.

“Okay you didn’t want to mentioned that SOMEONE.” napangiti ng pilit si Gavin at pinagpatuloy ang pag-kain sa cake.

“Isa sa mga romantic na gawain ng mga nagdedate ay pumupunta sa mga rides. Are you game with that?” muling nagtanong si Gavin kay Eillish pagkalabas nila ng cake shop.

“Yeah, may alam akong magandang theme park.”

Kaizen POV

This past few days. I heard from Nicole that Joharra and Maliah finally came back. I mean, nakakaattend na ulit sila sa class nila at kumpleto na ulit sila.

Dahil don, nagkaroon kami ng pagkakataon ni Joharra na makapag-usap.

Flashback

“I’m… sorry Kaizen” bungad na sabi sakin ni Joharra pagkaalis ng waiter na naglapag ng inorder namin sa lamesa.

“For what?” I asked. Uninterested, emotionless.

“I swear I didn’t mean to do that!” I saw her hesitate. Kumunot ang noo ko. What is she talking about?

“I really didn’t mean to do that… I’m sorry Kaizen” inangat nito ang nakayukong ulo then I saw how she started crying. “Come back to me now, please Kaizen.”

“Why are you saying all of this, by the way?” imbis na pagtuunan ng pansin ang huling sinabi niya. Tinanong ko nalang siya dahil kanina pa ako naguguluhan. Ni hindi ko alam kung tungkol ba saan ang paguusapan namin.

“Alam kong hindi mo rin naman gusto yung babaeng gustong ipakasal sayo ng parents mo, at ako yung mahal mo diba?” then she creepily smiled. “You won’t hesitate to come back to me because you love me that much.” She continued.

Nawala lang siya saglit, naging baliw na siya bigla.

“Kaizen…” then, she started crying again. What the f*ck?!

“Joharra” finally, naisatinig ko narin ang pangalan niya. Ginantihan niya naman ako ng titig. “I don’t know what are you talking about but, why are you suddenly saying this?”

“Kasi hindi ko yon sinasadya, alam kong may alam kana.”

Alam saan?

“Not literally but it’s like that… I betray- ah no” magkakasunod pa itong umiling at napaiwas ng tingin.

“You betrayed who?”

“Kaizen no.” umiiling pa rin ito at tuluyan nang bumuhos ang kanyang luha. “I just want you come back to me again Kaizen. That’s all really what I want.”

End of flashback

And yeah, I was out of mind na pumayag ako sa gusto niya. Naging kami ulit.

Ng ganun kadali.

Pero may isang bagay na bumabagabag sakin.

Ngunit hindi ko naman matukoy kung ano.

Pero naisip ko, wala namang masama don.

Si Luke at Nicole nga, sila na ulit, bakit hindi kami pwede ni Joharra?

Mahal pa naman namin ang isa’t isa.

Wala akong nakikitang problema don.

Isa pa,

Sa ganung sitwasyon at paraan, parang babalik lang naman sa dati ang lahat.

But one person I was thinking about is Nicole’s cousin.

Simula pa nung mabalitaan ko ring nakabalik na sila galing vacation, hindi na ako nakakalap pa ng balita tungkol sa taong yon.

Hindi ko rin alam kung kamusta na yun.

But one thing is for sure

Nasasaktan siya ngayon.

“Bro,” nahinto lang ako sa paglalakbay gamit ang isip nang marinig ang tinig ni Luke. Nandito kami ngayon sa mansion nila for projects.

Bukod sa teammates namin ni Luke, kasama din na pumunta dito si Nicole at Keilani.

“Oh?” ngayon lang ako nakasagot sa tawag ni Luke.

“Uh…” nag-iwas pa ng tingin si gago. Ano na namang trip ni mokong?

“Uh? Anong uh? Gago naungol kaba?” tanong ko at isang napakalakas ng pagbatok ang natanggap ko. Wow, maraming salamat nalang sa lahat pre.

“Shut up, asshole.” masungit nitong angil.

“So ano nga? Uh? Uh-la kang jowa?” at sa ikalawang pagkakataon, malakas niya ulit akong binatukan.

“Gago maaalog yung utak ko, baka jowain ko si Eillish ng wala sa oras- aray!” hindi na ako nakaiwas nang bigwas naman ang ginawa niya.

“Don’t you dare” tapos matalim niya akong tinitigan. Gago lang, wala pa ngang sila ang possessive agad.

“So ano nga?” irita ng tanong ko nang hindi pa rin niya madugsungan ang sinumulan niyang sinasabi kanina.

“I can’t ask Nicole about this so I want you to-“

“Tangina uutusan mo akong tanungin si Nics?” patuloy ko na sa sinasabi niya at kaagad naman na tumango si gago. Wow, mukha ba akong messenger? Napakagwapo ko namang message giver kung ganon.

“C’mon Compton, Nicole would started doubting me if I was the one who will ask her.” nag-puppy eyes pa si gago. Tsk, feeling naman nito bagay sa kanya. Nagmukha lang siyang literal na totoong aso.

“Gago hindi ako pinanganak ni mommy para lang maging utusan ng isang Anderson LANG.” umalis ako don at dumiretso sa kusina nila para kumuha ng maiinom. Ang tagal na namin dito, kaninang madaling araw pa kami nagsimula dahil maraming projects ang kailangang tapusin at sa isang araw na ang pasahan.

“Will you please stop saying GAGO asshole? Honestly you’re the who’s GAGO here.”

“Edi hindi nga kita tutulungan jan, gago pala ako eh” kunwari pa akong tumalikod pero ang ngiti kong mukhang gwapong aso ay hindi na nabura. Pucha! Sa loob ng pitong taon na magkasama at magkaibigan na kami nitong si Luke, parang ngayon lang siya nakiusap sakin ng ganito para lang isang babae. Mukhang tama nga si Keilani, ibang klase din mainlove si gago.

“Bitawan mo yang soju kung ganon” paktay ka nagtagalog na si gago. Mukhang matindihang seryosohan ‘to.

“Ano bang sasabihin ko don?”

“Just ask her about her cousin, I mean how’s Eillish now” umiwas pa ng tingin si mokong. Tangina ang cute.

Pero wala akong gusto jan ha! Manahimik kayo straight ‘to! Tsaka ang gwapong katulad ko ay hindi bagay maging bakla.

“Yun lang ba talaga?” paniniguro ko pa at magkakasunod na tumango si Luke.

“At anong kapalit?” nagboses bata pa ako kagaya nung tanong din ng batang babae na napanood ko na kung saan.

“What the?” parang hindi pa makapaniwala si mokong na tinanong ko yon.

“I’ll give you what you want” sagot nito at napangiti naman ako.

“Ows? Are you sure?” malokong paniniguro ko pa. Iritadong magkakasunod lang na tumango si gago.

“I want you to give me one of your cars.” dagdag ko at parang piso lang ang hinihingi ko kung makatango si gago.

“I’ll give you my Aston Martin Valkyrie, so ask Nicole now. I can’t wait anymore-“

“No no no no no” magkakasunod akong umiling at irita na naman akong binalingan ng tingin ni Luke. Halatang pikon na.

“Then what the fucking fuck do you want, Compton?” iritadong tanong niya. Hahaha galit na nga si mokong. Napapaisip tuloy ako kung ipagpapatuloy ko pa ba ang pangaasar o ano kaso naalala kong mahal kopa ang buhay ko.

“Right, bigyan mo nalang ako ng kahit ano” sumuko nako at para namang nahimasmasan na si Luke. Napahawak pa ito sa batok nito at tumango.

“Ask her now” utos nito at parang batang utusan naman akong sinunod. Umalis ako sa kusina nila at dumiretso sa salas. Sa pwesto ni Nics agad ako dumiretso at busy parin ito sa paggupit ng kung ano galing sa brochure.

“Nics” tawag atensyon ko dito at walang emosyon niya naman akong binalingan ng tingin. Pagkatapos ay kaagad niya ring binalik sa ginagawa ang atensyon.

“What do you want, Kai?” tanong nito na hindi man lang mahimigan sa boses ang pagkainteres sa kung ano mang sasabihin ko.

“Uh..” lumapit naman ako at umupo sa tabi niya. Walang masyadong nakakarinig samin at busy pa rin silang lahat.

Nakalimutan ko kung ano yung tatanungin ko pucha!

“Hmm?” huminto naman muna sa ginagawa niya si Nics at bumaling ulit ng tingin sakin. Seryoso parin, pero bakas sa kanyang mga mata ang paghihintay sakin na magsalita

“HAHAHA kamusta ka?!” bigla ay natanong ko at napalakas yata ang lintik na boses ko’t ang lahat na nandito sa salas ay napalingon gawi namin. Tangina ambobo mo Kai!

“Anong trip mo Kai?” natatawang tanong ni Nics at napapailing nalang na dinampot muli ang brochure at nag-umpisang maggupit ng kung ano don.

“Kase Nics…” hindi ko matuloy ang sinasabi. Tangina, ngayon kolang nalaman na mahirap pala ang pinapagawa ni gagong Luke. Ampota pumayag pa kasi ako eh.

The Obscure Secrets (Kim sisters, series #1)Where stories live. Discover now