Chapter 7

148 127 19
                                    

Mabilis na nagangat ako ng tingin upang tingnan kung sino yung nagsalita. Babae yon at katabi malapit siya sa pwestong inuupuan nung lalaking tumulong sakin kanina.



"Pardon, Ms.Stingray..?" patanong na bulalas ni Ms.Peachy.



Nakita kong seryoso lang din na nakatingin ang principal sa babaeng nagsalita at hinihintay sa kung ano pang sasabihin nito.



"You're complimenting her without knowing that she is secretly dating with your son" at talagang ganun nanga lang kalakas ang loob ng isang 'to dahil hindi man lang natinag. Sa halip ay ipinagpatuloy niya pa ang sinasabi.



"If you still want to live, get straight to the point." anang principal. Mas lalo akong kinutuban sa hindi ko alam na dahilan.



"I saw her yesterday Mrs.Principal" talagang nagpatuloy pa ito sa pagsasalita tungkol sa sinabi niya kanina. "That's probably Nicole and her cousin didn't go home at the same time because she was meeting your son secretly" she continued. Napakuyom ako ng kamao. What a liar.



"Ms.Stingray, you didn't know what are you talking about" Ms.Peachy.



Ngunit sa kabila ng kanyang sinabi ay siniringan lang siya ng Ms.Stingray nayon at saka dumiretso ng tingin sakin bago lumipat ng tingin kay Mrs.Principal.



"I have my proof," anito saka may inilabas sa kanyang bulsa ng palda. Cellphone iyon na may nakakonek pang earphone. Tinanggal niya iyon saka may konting pinindot lang bago pumunta sa harap at saka may pinakita kay Mrs.Principal.



"Connect mo naman sa projector Joselyn." anang isa sa mga kaklase namin. Saglit lang na binalingan namin siya ng tingin bago ulit bumalik sa dati naming pwesto.



Nakangiti namang inayos ni Joselyn ang projector at talagang nakatangin pa ito sakin habang kinukuha ang gagamiting connector ng cellphone at projector. Pagkatapos non ay pinagconnect niya agad ang dalawa at bumungad ang home screen ng cellphone niya. Nagsisimula na akong kutuban sa kung ano mang video o proof na sinasabi niyang ipapakita sa principal.



Agad naman na inayos ni Joselyn ang cellphone at pinindot ang gallery app. Video na kaagad ang nagplay pagkapindot niya non.



Sa video nayon makikita na kalalabas kolang ng school at nagsimula nang maglakad. Palingon lingon pa ako sa likod o kapaligiran dahil nagbabakasali ako non na mahanap si Nicole ngunit wala kaya dumiretso nalang ako sa bus stop. Ngunit gaya nga talaga ng hindi ko inaasahang pangyayari ay may humintong kotse sa gilid ko at duon nanga nagsimula lahat ng nangyari kung paano ko nakilala ang Kaizen nayon.



Lumabas si Kaizen at duon nanga nangyari na in-offer niya ang kanyang kamay at wala na akong choice noon kung hindi ang sumabay.



"In fairness hindi lang pala si Luke target ng babaeng yan ha.." dinig kong bulungan sa likod. Mas lalo akong nainis ngunit pinipilit kong pakalmahin ang sarili.



"Akalain mong may secret power pala siya na kaya niyang akitin ng sabay ang JIC heartthrobs." anang isa pa. Sa bandang likod din iyon



"Kapal ng mukha, katatransfer lang tas may dalawang lalaking naakit agad?!" sunod na bulungan pa ng iba. Mas dumami pa iyon ng dumami. Really? Just because of that f*cking video they already believe in that humor so quickly?.



Natapos ang video at talagang tutok na ngayon ang kanilang mga mata sakin. Oklang naman sana sakin yon kaso nakatingin din ang principal na siya pala ang ina ng lalaking yon.



"Ms.Kim?" paunang usal ng aming guro. Tutal sakin naman yata sya nakatingin ay ako yata ang tinutukoy niya dahil hindi naman tumugon si Nicole.

The Obscure Secrets (Kim sisters, series #1)Where stories live. Discover now