Chapter 11

133 122 9
                                    

“I was about to leave the canteen but I saw you alone, at first I thought you were with someone and the others were just in the bathroom and the others were in the other canteen to buy something to eat but ten minutes has already passed but still no one sat next to you. So maybe I’m right, you’re alone here but don't worry, you have someone with you now who besides being handsome, smart and chased by women, is also kind and can take care of you and accompany you in all time and things especially you need me or a companion.” mahaba at dere-deretsong sabi nito sa napakaikli at simple kolang naman na tanong. Gosh! Wala man lang ba silang balak pagpahingain yung utak ko saglit? Katatapos kolang manosebleed kanina kay Nics tas ngayon siya naman ang papalit? Yung totoo? May problema ba sila o ano?!

“Fine fine! Okay! Thankyou for that but you may leave now. I want to be alone,”

“Hmm hmm” dinig kong sambit nito habang umiiling iling pa. At ano naman ang gagawin niya kung mananatili pa siya rito?! Malamang plano niya lang akong asarin lalo na’t…

Hayst! Bwisit na lalaking yun! Bat ba kasi in-upload niya pa?!

“𝘚𝘪𝘺𝘢 𝘣𝘢 𝘺𝘶𝘯𝘨 𝘨𝘪𝘳𝘭?

“𝘏𝘮𝘮 𝘺𝘦𝘢𝘩, 𝘐 𝘵𝘩𝘪𝘯𝘬…”

“𝘎𝘰𝘴𝘩, 𝘦𝘩 𝘢𝘯𝘨 𝘶𝘯𝘧𝘢𝘮𝘪𝘭𝘪𝘢𝘳 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘣𝘢𝘦𝘯𝘨 𝘺𝘢𝘯”

“𝘛𝘳𝘢𝘯𝘴𝘧𝘦𝘳𝘦𝘦 𝘯𝘨𝘢 𝘥𝘪𝘣𝘢? 𝘔𝘢𝘭𝘢𝘮𝘢𝘯g!

“𝘚𝘰, 𝘴𝘩𝘦’𝘴 𝘵𝘩𝘦 𝘨𝘪𝘳𝘭 𝘸𝘩𝘰’𝘴 𝘥𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘸𝘪𝘵𝘩 𝘓𝘶𝘬𝘦 𝘺𝘦𝘴𝘵𝘦𝘳𝘥𝘢𝘺?

“𝘠𝘦𝘢𝘩.”

“𝘎𝘰𝘴𝘩 𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘯𝘥𝘪!

“𝘈𝘵 𝘴𝘪𝘯𝘰 𝘺𝘶𝘯𝘨 𝘥𝘪𝘯𝘢𝘵𝘦 𝘯𝘪𝘺𝘢? 𝘚𝘪 𝘓𝘜𝘒𝘌 𝘈𝘕𝘋𝘌𝘙𝘚𝘖𝘕 𝘣𝘢 𝘬𝘢𝘮𝘰? 𝘠𝘶𝘤𝘬𝘴 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘱𝘢𝘭 𝘯𝘨 𝘮𝘶𝘬𝘩𝘢!

“𝘗𝘢𝘢𝘯𝘰 𝘺𝘶𝘯? 𝘞𝘢𝘭𝘢 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘢𝘵𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘪𝘭𝘢 𝘢𝘵 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘱𝘢 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘢𝘵𝘢 𝘴𝘪𝘭𝘢 𝘮𝘢𝘨𝘬𝘢𝘬𝘪𝘭𝘢𝘭𝘢 𝘱𝘦𝘳𝘰 𝘯𝘢𝘨𝘥𝘢𝘵𝘦 𝘬𝘢𝘢𝘨𝘢𝘥?

“𝘔𝘢𝘭𝘢𝘯𝘥𝘪 𝘯𝘨𝘢 𝘥𝘪𝘣𝘢? 𝘕𝘰𝘳𝘮𝘢𝘭 𝘯𝘢 𝘬𝘪𝘭𝘰𝘴 𝘯𝘢 𝘺𝘶𝘯 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘮𝘢𝘭𝘢𝘭𝘢𝘯𝘥𝘪𝘯𝘨 𝘵𝘶𝘭𝘢𝘥 𝘯𝘪𝘺𝘢!

Tahimik lang sana kami ni Kaizen hanggang sa may marinig kaming bulungan. Napapikit nalang ako sa inis. Gusto kong sugurin ang mga yon kaso nararamdaman ko namang madami sila kaya malamang wala akong laban.

Bigla namang tumayo si Kaizen kaya napasundan ko siya ng tingin. Nakita kong naglakad ito papalapit sa grupo ng limang babae na siya sigurong narinig naming nagbubulungan kanina, kinakabahan ako sa mangyayaring gagawin ni Kaizen pero tahimik nalang muna akong nanood.

Hanggang sa nakalapit na ng tuluyan si Kaizen sa grupo ng mga seniors na iyon, tumayo lang ito at mariing tumitig sa kanila, wala man lang akong mabasang emosyon sa mukha niya.

Sila naman, mukhang ginagawa pang laro ang pagpunta sa harap nila si Kaizen dahil bahagya pa silang napaimpit sa kilig. Napailing nalang ako at uminom sa inuming nasa harap ko, yung isa rin ata sa inorder ni Kaizen kanina. C2.

Tsk! Bat ba paborito yata halos nilang lahat ang C2?

I am currently drinking C2 and I almost exhale it from my mouth when Kaizen suddenly pulled the blouse of one of those senior high students, which caused it to lift the girl’s body, because Kaizen is tall so it looks like she can’t do what she does to her that Kaizen.

“I didn’t hear what you said earlier, can you please repeat it. Ms.beautiful?” napakasarkastiko pa ng pagkakabanggit ni Kaizen sa salitang BEAUTIFUL pero dahil nga marupok at malandi ang babaeng yon, nagawa pa rin niyang ngumiti at tumango.

Ngayon ay parang gusto kong pumatay ng tao.

“Ang sabi ko kanina ay yung kasama mong babae ay maland-“

Hindi na natuloy ang sinasabi nung babae dahil sa biglaan at malakasang binitawan ni Kaizen ang blouse niya dahilan para mapaupo ito ng malakas sa sahig. Halos sumigaw ito sa sakit.

Umupo si Kaizen para pagpantayin ang tingin nilang dalawa nung babae. Namimilipit na sa sakit yung babae samantalang si Kaizen ay nagawa pang ngumisi ng nakakaloko.

Gago talaga. Manang mana sa kaibigan niyang si Luke.

“K-kaizen…” bagaman nananakit na nga ang likod at pwet nung babae ay nagawa parin niyang tawagin ang pangalan ni Kaizen at ang malala pa at nakakabilib nalang talaga, sa malanding paraan  pa din. Ibang klase din.

“Once na narinig pa ulit kitang sabihin yan sa kasama ko, siguro naman alam mo na ang gagawin ko sayo?”

Magkakasunod naman na tumango yung babae lalo na yung ginawan ng hindi tama ni Kaizen. Hirap itong tumayo kaya namangha nalang talaga ako dahil naglahad pa ng kamay si Kaizen para tulungan ang babae. Nanginginig ang babaeng inabot ang kamay ni Kaizen saka tumayo. Pinagpag pa nito ang kanyang palda at nagbow kay Kaizen.

Okay so anong meron? Ganon nalang kasimple?

“Get out!” biglang pagsigaw ulit sakanila ni Kaizen at kumaripas naman ng takbo yung mga babae. Halos sa isang iglap nga lang ay wala na sila sa paningin ko.

Nagpapagpag naman ng kamay si Kaizen habang papalapit sakin. Nakangiti na ito sakin at nagtaka naman ako dahil may kinindatan ito sa paligid namin.

Ngayon kolang narealize na pinapanuod na pala sila ng iba pang mga estudyante kaya naman sa isang kindat lang ay milyon milyong hiyawan at tilian ang aking narinig.

Kingina?

“Umalis na kayo” sinabi iyon sa kanila ni Kaizen at dahil nga fans niya yon ay agad namang sumunod yung mga nanonood kanina.

Tuluyan ng umupo si Kaizen sa harap ko at ang loko, kung makangiti parang walang ginawang katarantaduhan kanina.

“Hindi ko na maintindihan ugali mo.” Kapagkuwa’y usal ko saka uminom ulit sa C2. “Bastos na may pagkagentleman..?” natatawang dagdag ko. Mas lalong ngumisi ang loko.

Masama yata kutob ko.

Sana hindi nalang ako nagsalita.

Mas lumapit naman ang mukha ng loko at nakangisi parin ito. “Ganon nanga.” Nakangising sagot niya.

“Kagaya nalang ng…” bitin nito saka tumingin pa sa malayo ang loko. Tsk! Ano na naman kayang iniisip nito?

“Kayang kitang ihiga sa kama ko pero magiging gentle naman ako sa lahat ng gagawin ko sayo.” Patuloy nito na nakatingin na ulit sakin. Kumindat pa ito at parang may kung anong naidulot sakin yon.

Umiwas ako ng tingin at pinanatiling kalmado at mataray ang kilos ko. “B-bastos!” sabi ko at nakaiwas pa rin ang tingin. Letseng ‘to! Kita mo ng babae yung kausap pero kung magsalita parang hindi yun magdudulot ng pagkailang sa pagitan namin. Siraulo nga talaga.

“Yun nga ang ugali ko, bastos pero gentleman. Ikaw pa nga mismo nagsabi diba?” asik nito. Aba, pwede bang kahit isang araw man lang magpakaseryoso ang lalaking ‘to? Lagi nalang nakangisi, kaya pala maraming babae ang nahahatak e.

“Nakakadissapoint nga lang…” kapagkuwa’y anito. Lumingon ako at medyo lumiit ang ngiti ni Kaizen.

Lumiit yung ngiti? Pano yon?

“Bakit naman?” tanong ko at ngumisi na naman ang loko. Jusko, sana talaga hindi nalang ako nagtanong.

“Kasi hindi ko yon magagawa sayo.”

“Bakit?”

“Sound so disappointed, huh?”

“Ano?! Hindi ah!”

“Tsk.”

“So bakit nga?”

“Kase…” anito at mas lalong inilapit na naman ang mukha sakin. Tusukin ko kaya mata nito?

“Kase?”

“Si Luke lang ang pwedeng gumawa sayo non.” Patuloy niya.

Gusto ko sanang balewalain lang ang huling sinabi niya kaso nung magsink in sa utak ko ang mga salitang yon ay magkakasunod ko siyang hinampas sa braso dahilan para mas lalo lang akong pagtawanan ng loko.

“Bastos ka talaga ano?!”

“Mukhang nagkakasiyahan kayo jan ah?”

Mabilis pa sa hangin akong tumigil sa kahahampas kay Kaizen ng marinig namin ang boses ni Maliah sa likod. Pagkalingon ay labas na pala nila, means na tapos na ang klase sa Geography. Pero bakit nandito sila? Diba may history pa?

Agad naman na dumiretso sila Joharra at Kimora sa order-an ng pagkain. Sina couz naman ay umupo na.

“H-hindi naman…” napapahiyang sagot ko.

Si Kaizen naman ay nakangising pinagmamasdan ang bawat galaw ni Joharra. Lokong ‘to. Mukhang may iniisp na naman na kabalastugaan.

“Guys, una nako ha.” Biglang paalam ni Kaizen at saktong pabalik na sila Joharra dito. Nagtatakang tiningnan ni Joharra si Kaizen at nagtanong.

“Paalis kana?”

“Hmm.”

“A-ah…” ani Joharra at napakamot sa batok. Si couz naman, ayun mukhang bumalik na nga sa dati ang lahat dahil nakangising pinanonood lang ni couz ang palitan ng salita nila Joharra at Kaizen.

“Sayang…” bulong ni Joharra pero narinig ni Kaizen.

Putsa, bat parang kinikilig ako?

“Bakit?” tanong ni Kaizen at sinilip ang mukha ni Joharra. Umiwas kasi ito ng tingin.

“Wala. Sige na.” ngiti sakanya ni Joharra.

Hanep na usap yan

“Hmmm?”

“Sabi ko okay, sige umalis kana.”

“Wala man lang bang ano jan…?” pagpaparinig ni Kaizen. Siraulong gago talaga.

Tiningnan lang siya ni Joharra at ngumuso naman si Kaizen. Aba’t ang gago. Talagang sa harap pa namin napagisipang lumandi ano? Kakaibang gago din.

Pero sa kabila ng pagnguso ni Kaizen ay blankong tinitigan lang siya ni Joharra.

Ayayuy. Pahiya ang gago.

Inis na kumamot sa batok si Kaizen at saka nalang biglang umalis. Aba?

Napapailing naman na umupo sa harap ko si Joharra. Nagsimula kaming kumain ngunit binilisan agad namin dahil may klase pa kami sa history.

Pagkatapos naming kumain ay agad na kaming bumalik sa room. Mabuti na lamang at wala pa ang aming guro.

Ngunit hindi rin yata magandang ideya na wala kaming guro dahil nagpanimula na naman na magsalita si Joselyn Stingray. If you still remember, siya yung nagpanimula ng lahat. Ang nagsabing malandi ako, nagpahiya sakin sa harap ng aming guro at lalong lalo na sa aming principal. Na pinakanumber one din na dahilan kung bakit ako nagkaganito, hindi na pwede pang makaattend sa klase namin ng Geography.

“I didn’t expect na sa kabila ng mga nangyari, nakakaya  pa ring maging close sa isa’t isa nung magpinsan at ni Joharra?” she sarcastically said. I rolled my eyes in irritation.

Naramdaman kong may lumapit naman sakin at si couz pala yon. “Don’t mind her.” She said and I just smiled. Ngumiti din ako kay Joselyn at napataas naman ang kilay nito. Ang taray talaga.

Sa wakas ay dumating narin ang guro namin sa History dahil kung hindi, baka kung ano anong mga salita na ang mga naibato sakin ng Joselyn na yon.

Nagdiscuss lang ito tungkol sa syempre, all facts and history about Australia. Madami nga talagang nakakamangha dito tungkol sa Australia, kagaya nalang ng ngayon, dahil sa mga kwentong ibinahagi ng aming guro tungkol sa mga magagandang places pa dito sa Brisbane ay parang naexcite naman akong mamasyal sa sabado o linggo upang puntahan ang iba pang mga magagandang lugar dito sa Brisbane na nabanggit din ng aming guro.

At kahit papaano, medyo gumaan narin ng konti ang pakiramdam ko dahil mukhang okay na ulit kami ni Nicole. I mean, yung paguusap namin kasi kanina, kagayang kagaya ng dati. Normal lang, casual at walang alinlangan at ilangan. Di kagaya ng dati, magdadalawang isip pa ako kung kakausapin ko na ba siya o sasabihin ang gusto kong sahihin na kailangan niyang malaman.

Natapos ang araw na ito na bati na ulit kami ni Nicole. Hindi ko man maintindihan o matuklasan ang dahilan kung bakit ganun siya sakin sa mga nagdaang araw na nalaman nilang kasabay ko sina Luke at Kaizen na umuwi pero ayos lang sakin. Ang mahalaga okay na ulit kaming dalawa.

Sa aming pito ay si Kimora lang ang cleaners. Ang set kasi ng cleaners ay pa-alphabetical order. Vanka ang apelyido ni Kimora kaya siya ang nakatakdang kasamang maglinis ngayong Friday.

Gustuhin man namin siyang hintayin ay hindi na namin magawa dahil normal na estudyante lang din naman kami na kailangang tapusin pa ang mga assignments at projects na pinagawa ng aming guro.

Pero hindi naman na niya kailangang magalala dahil partner in crime naman sila ni Joongin. Si Joongin lang ang nagvolunteer magpaiwan para hintayin si Kimora. Kimora is so lucky to have him.

Habang naglalakad kami ay may biglang humatak sa buhok ko mula sa likod. Hindi narin ako nakagawa pa ng ingay dahil may tape din na tumakip sa bibig ko. Hindi ako makahinga.

Minutes passed until I felt like I can’t breathe anymore so I just close my eyes in languor.

𝗡𝗶𝗰𝗼𝗹𝗲’𝘀 𝗣𝗢𝗩

Walang imik lang kaming naglalakad pauwi. Pinili namin ngayong maglakad dahil may plano kaming dalawa na pumunta sa makikita naming mall. We want to buy something.

Naglalakad lang kami hanggang sa narinig kong may nagpapanic. Si Vien.

“Nicole! Aiyana! Asan yung tatlo?!!” malakas nitong sigaw. Hanep na‘to? Gusto yatang daigin yung pinakamalakas na volume ng speaker namin? Aba’y pwedeng pwede na kung ako ang tatanungin.

“Ano ba Vien?! Sinong tatlo?!” asik ni Aiyana. Naiirita narin tulad ko. Sino na naman ba kasing tatlo ang tinutukoy ng bruhang ‘to?

S-si!!!”

“Sino nga?!”

“Hoy bruha sino!!?”

Inginuso ni Vien ang likod namin at halos manlaki ang mga mata namin ni Aiyana nang wala nga don ang tatlo. Hanep! Ano na namang balak nung tatlong yun?

“Hoy gaga! Yung pinsan mo! Asaan?” gatong narin sakin ni Aiyana.

Gusto ko sanang balewalain lang ang pagpapanic nung dalawa pero lumipas ang higit pa sa trenta minuto ngunit wala pa sila.

Anak ng tokwa naman oh. Ngayon pa nila naisipang makipagbiruan kung kailan atat na kaming pumunta ng mall?! Pambihira.

Sa una ay gusto kong pakalmahin ang sarili ko but deep inside, kinakabahan narin ako. Hindi ko alam. Pangalawa na‘to. Mataray lang at mukhang palaban ang itsura ni Eillish pero sa panlabas na anyo niya lang yon. Dahil nakita ko narin kung ano ang kahinaan niya. Ganun karami ang kahinaan niya at para hindi yon mahalata ng mga tao, mas pinili niyang maging badass girl kahit sa panlabas lamang na anyo upang hindi siya masyadong mabully. Pero ngayon…

Gosh. I hope she’s safe.

Sa madaling oras ay nakapagusap na agad kaming tatlo na hanapin yung tatlo. Tinawagan ko narin si Luke at nagreklamo pa sa una si Kaizen nung tinawagan ko ito upang humingi ng tulong pero nung binanggit ko ang pangalang JOHARRA ay may pa OTW pa ang loko. Siraulo talaga.

I’m really trying to calm myself down. Dahil baka makadagdag lang ito sa problema na naman namin ngayon.

Lalo na’t…

Ang ganda ko. Hindi dapat naha-haggard ang magaganda.

Nasa tapat na kami ng The Gresham Bar baka sakaling naginuman lang yung tatlo at hindi kami niyaya ngunit bigo kami nung hindi sila mahagilap don. Ang lakas na ng tibok ng puso ko sa sobrang kaba.

Ilang minuto lang din ay nandito na sila Luke at Kaizen. Halos sabay nga lang silang dumating dahil pang racing ba naman ang kotseng sinakyan nila.

Sumakay ako sa kotse ni Luke at yung dalawa naman ay kay Kaizen. Bahala na kung malintikan sila kay Joharra basta wala akong pake. Buhay ng pinsan ko ang inaalala ko ngayon.

“Kailan lang sila nawala?!” pasigaw na tanong sakin ni Luke. Aba tingnan mo ‘to. Kung kausapin ako parang ordinaryong babae lang ako na kagaya ng nakikita niya ah?

“Hindi ko din alam!” bulyaw ko pabalik.

“I told you to take care of yourself especially Eillish!”

“Bakit ba laging siya nalang inaalala mo?!”

“Because I like her!”

That..

That simple paragraph hit me so much. I didn’t expect that he will confess it to me. Yes, inaasahan ko ng darating kami sa punto na sasabihin niya na kung sino ang totoo niyang napupusuan pero hindi ko parin inaasahan ‘to.

O sadyang… masyado lang akong assuming kaya hindi ko napaghandaan ‘to?

“May alam kabang places na pwede niyang puntahan?” he asked sa kalmadong paraan na.

“Bukod sa paborito niyang place rito sa Brisba-“

“I didn’t asked you about that. Just tell me the places.”

“S-sa Queen Street Mall-“

“Okay okay, shut up.”

Iyon lang at malakas akong napasandal sa upuan dahil malakasang at mabilisan pa nitong pinaandar ang kanyang sasakyan. Ramdam kong humiwalay ng tuluyan ang kaluluwa ko dahil don.

Natahimik nalang din ako hanggang sa makarating kami sa tapat ng St.Laurence college. Nilingon ko ito at tiningnan kung ano ang gusto nitong iparating, dito din kasi sa tapat ng Unibersidad na ito sila nagdate ni couz. Sa City Hall Clock Tower.

Seryosong nakatutok lang si Luke sa daan at traffic pala.

Ang malas naman oh. Magta-traffic nanga lang dito pa?! Parang nangaasar yata yung tadhana ah?

Gusto ko sanang buksan ang bintana ng kotse para pumasok ang hangin ng mabilisang paandarin ulit ni Luke ang sasakyan. Tuloy ay muntikan pang masira yung bintana sa gulat ko.

Kinginang ‘to.

“Saan nanga yon?!” muli ay pasigaw na naman nitong tanong.

“Sa Queen Street Mall-“

Tililit tillilit~ Tililit tillilit~ Tililit tillilit~ Tililit tillilit~

Ringtone yan ng cellphone ko pag may tumatawag. Wag kang ano

Napalingon din sakin si Luke dahil don. Agad kong sinagot ang tawag. Unknown pero gusto ko paring malaman sakaling may makuha kami ritong clue kung nasan yung tatlo. O baka nagpalit lang ng phone number ang isa sakanila at gusto nila akong i-prank.

“H-hello?”

“Nicole Kim.”

Halos mangilabot ako ng banggitin ng aking kausap ang buo kong pangalan. Napatingin ako kay Luke at huminto muna ito para tingnan at pakinggan din ang sinasabi ng aking kausap. Nakakunot pa ang noo nito.

“Who’s t-this? Do I know y-y-you?”

“Of course. We are friends, don’t you remember?” talagang nangatog narin ang mga tuhod ko. Hindi pamilyar sakin ang boses nung nagsasalita pero kung magsalita ito. Parang may kapareho.

Jusmiyo… Wag naman sana…

Napapikit nalang ako sa naiisip ko. Mali Nicole. Calm down….

“A-ah hahhaha. I don’t know what are you talking about but why suddenly calling me? And how did you know my phone number?” putsang letseng to! Basta talaga strangers mga kausap ko nagiging mestisang hilaw ako! Todo maka-English kala mo naman marunong

“I know your phone number because I am your friend. Of course. What’s surprising about that Nicole?”

Gusto ko ng i-end ang call kaso naaatat parin akong malaman kung ano ba talaga ang pakay nung kausap ko. Isa pa, wala namang comment ang katabi ko na i-end ko na ang tawag.

“I know you are all looking now for your cousin.” She added.

“And I know where is she. Wait no, she’s with me actually.”

“Wanna hear her voice for proof?” she asked and I’m just nodded. As if she can see me.

Ilang saglit lang ay narinig ko na ang boses ni couz. Shit! How did she know? And who really is this fvcking stranger?!

“C-couz!!” and I heard my cousin’s scream. Muli akong napalingon kay Luke at bakas na sa kanyang mga mata ang galit. Mukhang kalmado man ang kilos niya ngayon ay alam kong may plano na agad ito.

That’s really he is. Pagdating sa taong mahal niya, even he looks so calm, I know he has a plan now.

“Heard it?” nabalik lang ako sa ulirat nang magsalita ulit ang kausap ko. Nanginginig na ang mga kamay ko at konti nalang ay makakapatay na ako ng tao. At sino itong hinayupak na ‘to na may hawak kay couz?! Humanda talaga siya sakin!

“Alam ko ring kasama mo yang fidanzato mo ngayon…” dagdag pa nito. Muli akong bumaling ng tingin kay Luke at halos magaway na ang dalawa nitong kilay sa sobrang pagkakasalubong. Mukhang may worldwide war 7 na magaganap. Brisbane Australia vs. Beijing China.

“Ano ba t-talagang pakay mo? At ano bang sinasabi mo? Paanong kasama mo si couz-“

“HA HAHA HAHAHA HA HAHAHA!”

Baliw ampota

“Calm down Nics. But can you do me a favor?”

Tahimik lang ako at hinintay na sabihin niya ang kanyang hinihinging pabor.

“Give your phone to Luke.”

“Ano?!”

“Give your phone to Lu-“

“Shi?”

Walang sabi sabing inagaw sakin ni Luke ang cellphone kaya napasandal na lamang ulit ako sa upuan at pinakinggan ang palitan ng salita nung dalawa. Luke still looks so calm. How can he do that gayong nawawala  na nga si couz? Is he really serious about what he said earlier to me that he likes her or he’s just playing with her?

Luke Anderson. Lalaking alam ko na sa una palang na may dugong Chinese. That he speak using Chinese language? I knew it! When we was in grade 8, nalaman namin na may bagong kasapi ng campus heartthrob ang JIS college. Then nalaman nalang namin na ang pangalan niya is LUKE ANDERSON. Dahil nga masyado kaming obsessed sa mga gwapo, syempre nasa listahan ko na agad ang pangalan niya. Listahan ng mga pakakasalan ko. Haha jok. Okay. So nung unang punta niya rin dito because he is the son of our principal, talagang yanig ang buong JIS high school. At kasali na kami don.

Kaya lang naman kami nagkataong nagkakilalang lahat ay dahil nahulog niya noon ang kanyang expensive pen, ang luxury pen na siya ring nagbigay ng dahilan kung paano rin yata sila nagkakilala ni couz. Karamihan sa mga close friends niya ay nangyayari lang yon dahil sa palagi niyang nahuhulog ang kanyang ballpen, at kung sino mang makapulot non at magustuhan niya ang nagbigay sakanya pabalik non, ita-trato niya na agad ang taong yon bilang kaibigan niya. Pero hindi ko lang alam kung paano silang nagkakilala ni Kaizen. Maybe because they are both campus heartthrob and they are both famous in buong Brisbane? Yeah maybe, I don’t know.

Nahulog ako sakanya at matagal tagal ko yatang inilihim yon kasi alam ko naman na sa una na ang mga tipo niya sa isang babae ay yun bang kagaya ni Keilani? Hindi ko alam. Yun lang naman ang pagkakaalam ko dahil marami ding students ang nagshi-ship sakanila. Even me.

Then, I just heard na hindi mahilig sa mga babae si Luke. Mahilig oo, pero hanggang landi lang talaga siya sa mga babae. Kinginang kaharutan ng gagong ‘to!

After niyang humarot o lumandi sa isang girl ay kinabukasan may bagong target na ulit ito bilang bagong lalandiin.

At kaya pala siya ganon, ay dahil Kaizen told me na galing siyang breakup. Siguro parang na-trauma ng pumasok sa isang serious relationship? Kaya hanggang landi nalang muna talaga siya ngayon. At gustuhin ko mang matuwa ngunit naalala kong hanggang landian nga rin pala kami.

Ay no, ako pala. Ako ang nag-force sakanya na mahalin ako. Ako pala ang may kasalanan. Ako ang dahilan kung bakit ganun si Luke.

Lahat sa mga nangyayaring hindi maganda ngayon ay ako lahat ang may kasalanan.

IT’S ALL MY FAULT.


Chapter 11.5: Nicole’s POV
November 4, 2019

𝙁𝙡𝙖𝙨𝙝𝙗𝙖𝙘𝙠

Grade 9 kami ngayon.

Katatapos lang ng second grading namin nung November 1 at syempre, sa mga panahong yun na dapat nakatambay lang kami sa bahay. Nasa bar kami o kaya mamasyal sa kung saan kasama ang aking solid na tropa. Si Joharra, Maliah, Cassandra at Joongin. Wala pa nun sila Kimora at Aiyana dahil sila ang bagong myembro ng grupo naming ito.

Habang nasa bar ay halos makadalawang case na kaming lahat. At oo, kaming apat lang ang nakaubos non. As in kami lang. Mico has been my boyfriend for almost three years at padagdag pa iyon ng padagdag. But, hindi nila alam lahat. Na nagkataong habang may relasyon ako kay Mico, nagkaroon din ako ng relasyon sa ibang lalaki. Hindi ko rin ginusto yon pero wala akong magagawa, kailangan ko iyong panindigan.

Lumipas ang ilang araw at nararamdaman kong nagbabago na sakin si Mico, I mean, hindi na siya yung dati na tipong hindi niya tatapusin ang buong araw ng hindi kami nagkikita, nagde-date or what else na kadalasang ginagawa talaga ng magboyfriend/girlfriend. Nagiging cold na siya, kung ngumiti ay bihira na.

Days passed and Mico called me to go on a date, so of course I was surprised. And I was really surprised that all the days he did not show up to me, he would suddenly date me. At dahil nga masyado akong excited ngayong araw na‘to, kahit na 30 minutes akong maghihintay sa sobrang aga ng punta ko don ay okay lang. Basta alam kong pupunta siya, magpapakita, ayos lang lahat sakin.

Nagpaganda narin ako kahit na yun pa naman ang ayaw niya sa mga babae, masyadong ma-make up at talagang kulang nalang ay ipahid na sa mukha lahat ng cream, lipstick at kung ano ano pang matatawag na kolorete. Sa sobrang excited din na makadate ngayong araw na‘to ang pinakamamahal kong boyfriend ay talagang kahapon palang, nakapagorder na kaagad ako sa online ng dress, sandals at bag na gagamitin ko.

So ngayon, I wore the dress that I ordered yesterday. It’s a square collar floral print long-sleeved bubble sleeve elastic waist dress short skirt. Next is I also wore the Louis Vuitton over the knee boots then last I put on my Louis Vuitton LV Vavin BB M44553 bag.

Then gaya nga ng sabi ko, nagpaganda talaga ako gamit ang aking pagme-make up upang mas maayos naman ang itsura ko.

So after that, on the way na ako ngayon sa famous restaurant ng Brisbane. Ang La Vue Restaurant. Syempre inaasahan ko ng wala pa si Mico kaya naglibot muna ako ang paningin sa buong kabuuan ng restaurant na ito.

Sa labas palang naman ay mahahalata mo ng napakamamahaling restaurant nito. Mula dito ay kitang kita mo na agad ang Brisbane River na siyang pinakafamous talagang puntahan ng mga couples. Minsan naiinggit na nga rin ako dahil sa tagal na naming magnobyo ni Mico, ni minsan hindi niya man lang ako dinadala don kahit na napakalapit na nga lang sa kinakainan namin pero ayos lang, alam kong darating din ang araw na pagpaplanuhan ni Mico na dalhin ako sa lhat ng romantic places dito sa Brisbane. Siguro naghihintay lang siya ng maganda gandang panahon at pagkakataon.

Nilapag ko muna ang bag kong Louis Vuitton LV Vavin BB M44553 para pumunta sa kahit malapit man lang sa entrance. Ngayon ay kitang kita ko na talaga ng medyo malapitan ang ganda ng Brisbane River, napapangiti nalang ako dahil kahit na malayo sakin ang mga ilang couples na pinagmamasdan ang pagsikat ng araw. Nakakainggit talaga, maiimagine ko palang na ganun din ang gagawin namin ni Mico ay sobra na ang tuwang mararamdaman ko. Sayang nga lang dahil sa bukod sa scholar siya sa Badger International Colleges na siyang katabi lang din ng JIC ay kailangan niya ring pumasok sa kumpanya ng kanyang ama at manrabaho bilang CEO. Siya muna ang pumalit kay tito Donovan dahil nabalitaan ko ngang may sakit daw ito. So kapag weekdays ay nasa school si Mico at tuwing weekends naman ay kailangan niyang pumunta sa kumpanya so talagang napakahirap pag ganun. Nawawalan siya ng time sakin but I understand. Alam ko ang pakiramdam na pinipilit talagang maglaan ng oras para lang sa kanilang nobya.

Pabalik na sana ako sa upuan ngunit nanlaki ang mga mata ko dahil may lalaking nakahilata na ngayon sa sahig na malapit sa inuupuan ko kanina. Nakita kong may lalaking nakayuko rin upang mapagpantay ang paningin nila.

Lumapit ako upang kilalanin kung sino yung lalaki. And, then, si Mico pala. Galit na galit ang kanyang mga mata at parang kulang nalang ay mapapatay niya na ang lalaking hawak niya sa leeg.

“Mico! What are you- Gosh!” hindi na ako makalapit dahil parang natatakot yata ako. Bakit? Ano bang meron?

“Sa susunod na tangkain mong nakawin ang bag ng girlfriend ko, I won’t hesitate to end your life! Arasseo?!!!” galit na galit nitong usal. Hindi ko man maintindihan ang huling word na binanggit nito ay alam kong galit parin ito. Nararamdaman ko yon base sa kanyang kilos at pagalit na pananalita. Jusmaryosip ano ba talaga kasing nangyayari?

“Y-yes boss. Hindi na mauuli-A-ah tama na!” napatakip nalang ako ng bibig dahil muling hinigpitan ni Mico ang pagkakahawak sa leeg nung lalaki kaya parang ako mismo ang nahihirapang huminga.

“Guard!” tawag ni Mico. Sa isang kindat ay nakalapit na kaagad sa kanya si manong guard.

“Yes boss?”

“Palabasin niyo ang lalaking yan.” Ani Mico. Bahagyang pinapagpagan pa ang kamay na parang humawak lang ito ng buhangin.

Napalingon sakin si Mico kaya umiwas ako ng tingin. Bat ganun? Kahit na pinagpapawisan na agad siya ay ang gwapo parin? Gosh, ganto ba talaga pag inlove? O M G!!!

“Hey..” tawag niya saken kaya napilitan akong tumingin at salubungin ang titig niya. Oh Gosh I think hindi ko na kaya ‘to!!!

Hinubad naman niya ang kanyang jacket upang ipangtakip sa nakikita kong balikat. Isa rin kasi iyon sa kinaiinisin niya kaya kahit pala pilitin kong magsuot ng paborito kong style ng dress ah parang wala din. Okay oh edi sana nagboyish outfit nalang ako.

“Kanina kapa? I’m sorry natagalan ako. Ang dami kasing inasikaso sa kump-“

“No it’s okay, order kana?” putol ko at nangunot naman muna ang noo nito. Ngumiti nalang ako kaya napangiti rin siya.

“Alright.”

Inayos niya ang upuan at saka ako pinaupo don. Inagaw niya pa talaga yung towel na nasa balikat ng lalaki sa tapat ng mesa namin upang ipangtakip sa hita ko.

Sa una ang nagreklamo ang lalaki ngunit nung tingnan siya ng dead look ni Mico ay natikom rin ang bibig nito at bahagya pang nagbow.

Habang nagtitingin ng pagkaing oorder-in si Mico ay napatitig ako sakanya. Bigla itong nagangat ng tingin kaya mabilis pa sa hangin akong umiwas.

Bat parang pakiramdam ko nalang lagi ay hindi kami magkakilala? Ang wirdo.

“Nga pala…”

“Hmm?”

“Boss ang tawag nila sayo? So dapat pala boss d-din ang tawag ko sayo?” naiilang kong tanong. Tumawa pa ako kunwari pero bigo ako. Hayts naman…

Nagangat ulit ito ng tingin at muling ibinalik sa menu book ang tingin. “hmmm.”

“Baby boss.”

Sa simpleng salita ay parang naihi nako sa kilig. Naman Mico! Tama naman na oh! Wala akong baon pampakalma.

“What now?” bigla ay tanong nito sakin. Nakita kong nakangisi ito sakin.

Yawa Mico! Ayoko na! Marupok ako! Wag saken!

“Baby boss? Hahaha pano yun? Bata kaba?”

“Hindi pero baby mo?”

“Tsk! At kailan pa?!”

“Nung una, ikaw pa nga unang tumawag diba? Still remember that?”

“Anong-“

𝘼𝙣𝙤𝙩𝙝𝙚𝙧 𝙛𝙡𝙖𝙨𝙝𝙗𝙖𝙘𝙠..

1st Anniversary namin ngayon ni Mico at dahil alam kong wala siyang time para samahan akong i-celebrate yon, nagdecide akong ako naman mismo ang pupunta sa kanilang kumpanya.

As usual pagkapasok ko, talagang lahat ng kilos ng mga tao at pananalita ay pormado. Natutuwa talaga ako dahil kahit wala si tito Donovan ay napapatakbo parin ng napakaayos ang kanilang kumpanya at kung gaano kahusay mag-handle ng malaking kumpanya si tito Donovan ay ganun din nag anak niya. I’m so proud that I’m her girlfriend and he’s my boyfriend.

Habang naglalakad na ako papunta sa kanyang office ay maraming bumabati sakin at lahat sila ay nginingitian ko lang. Tsk! Alangan naman kausapin ko edi natagalan ako sa pagpunta kay Mikmik?

Oo Mikmik ang tawag ko dahil pangasar ko yon sa kanya, bukod sa mahilig kasi siyang kumain ng mikmik ay bagay din iyong pangalan na makukuha lang din sa pangalan niya. M I C O.

May pagkakapareho din kami sa palayaw. Kagaya nalang ng Mics ang tawag ng iba sakanya lalo na’t kaibigan niya ang mga yon o importante sakanya at sakin naman ay Nics at kagaya nangalang ng sakanya, mga importante at mahal ko lang din sa buhay ang pwedeng tumawag sakin niyon. Pero kung stranger kalang naman, better to call me Nicole kung ayaw mong malagutan ng hininga.

Bago pa ako makapasok ay napatigil ako dahil nakita kong may kausap itong babae. At ang gago, todo pa kung makangiti. Ni hindi ko nga yata nakita kahit isang beses man lang ang matamis na ngiti niyang yon kapag ako ang kausap o kasama niya. Tsk! Basta nga talaga Mico, manloloko! Kainis!

Kahit balakin ko mang manatili nalang dito sa labas ng office niya at manuod nalang sa lahat ng ikikilos nila ay naalala kong yung babae dapat ang mahiya sakin. Dahil ako lang naman ang nagiisa at dakilang girlfriend ng lalaking kausap niya. Si Mico.

After I enter to his office I fake a cough to get their attention. Nakangiti par in si Mico at gusto kong punitin ang kanyang labi dahil don! Bwiset kang lalaki ka! Binibigyan mo talaga ako lagi ng dahilan para hindi ituloy yung anniversary nateng hayup kang animal ka!

“A-ah…” usal ng babae at nagbow ito sakin. Ngunit pinanatili kong kay mico ang aking paningin upang taasan ito ng kilay.

Tumayo si mico upang makipagshake hands sa babae at ang bruha talagang nagyayang makipaghug pa! malandi din ang tanginang ‘to.

“Thanks Mics for accepting my offer. Siguro ay sa susunod nalang ako pupunta para magset ng panibagong meeting for our plan.” Sabi nung malanding babae. Napakrus nalang ako ng braso at nakangusong tumabi kay Mico.

“Ah oo nga pala..” sambit ko kunwari at natuwa naman ako nang may makitang bottle sa dala kong bag. Kinuha ko iyon at saka nagkunwaring nahihirapang buksan ang takip niyon. Kahit na sa una palang naman, isang pihit ko lang ay bumukas na.

“Baby…” sabay baling ko kay Mico at nagpacute. “Can you open the takip of this bottle for me?” tanong ko habang patuloy pa rin sa pagpapacute. Nandidiri na ako mismo sa sariling ginagawa ko pero walang choice. Kailangan kong ipamukha sa haliparot na babaeng ‘to na ako lang ang pwedeng landiin ng lalaking kausap niya! Ako lang!

Sa una ay kinunotan muna ako ng noo ni Mico pero sa huli ay natawa nalang at napapailing pa. Dinig kong napahagikhik narin ng tawa yung babae kaya palihim ko itong sinamaan ng tingin. Tsk! Feeling naman nito!

“Alright, baby.” Nayamot at gusto kong sapakin ang sarili ko dahil ako  na nga ang nagpanimula ay ako parin ang kinilig. Tsk! Ano ba Nics! Umayos ka!

“Here..” anito saka iniabot sakin. Nakangiti ko iyong kinuha at inangkla sa braso ni Mico ang aking braso. Nangaasar akong tumungga sa hawak kong bottle kaya napataas ang kilay nung babae.

“Ano bang,, p-pinaguusapan niyo?” kapagkuwa’y naglakas loob kong tanong. Gusto ko na talagang makasapak dahil ang babae na naman ang sumagot.

“Ahh, mics and I talking about business plan.”

Tsk! Tinatanong ko ba ‘to? Ang landi na nga epal pa.

“Plan saan?”

“Ahhh it’s about-“

“Can you please stop saying “Ahhh”?! You’re annoying me!”

“Okay so that’s about Mics and I planning to go to the US to deal with other business man there.”

“US?!”

“Yeah, didn’t Mics tell you?”

“No…”

“Oh,, but don’t worry ilang araw lang kami don.”

“Wala akong pake sasama ako!”

“What?! We’re going to US for business. Not for nothing!”

“So what? I’m Mics girlfriend so I have also the right to go there too!” balik bulyaw ko. Aba sumusobra natong babaeng ‘to ah? Kala niya papatalo ako? Kala niya lang yun!

“Hey guys! Calm down..”

“Ikaw naman?! Bat di mo sinabi saken?!”

“I thought that’s okay with you-“

“No Mics! Hindi magiging okay sakin yon! Hindi ko na nga alam tapos hindi pa ako kasama?! Anong klase yun?!”

“I’m sorry..-“

“Guys. Mauuna nako? Ahm Mics, thankyou again for accepting my offer. I hope we will meet again.”

“Of course Sofia, remember kailangan pa nating mag-meeting for our plan?”

“Ah yeah, okay then. Ahm,, Ms?”

“Nicole Kim.”

“Ms.Nicole Kim, mauuna nako-“

“Just go. I don’t care.”

Napatingin pa ito kay Mico at sa huli ay umalis narin ito. Binalingan ko ng tingin si Mico na ngayon na ay nakaiwas ng tingin.

“Anong araw ngayon Mico?”

“Baby…”

“Don’t call me baby hangga’t hindi mo natatandaan kung anong araw ngayon.”

“Today is January 13 and today is our…”

“Our what?”

“Baby I’m really sorry-“

“What Mico?!”

“Anniversary” sambit nito at muling umiwas ng tingin. Tamo ‘to, ang kapal lang ng mukha kanina kung makangiti na abot hanggang langit tapos araw na espesyal saming dalawa nakalimutan niya? Ihampas ko kaya ‘to sa pader?

“At wala kang plano?”

“Baby alam mo naman busy ako-“

“I know Mics that’s why I’m here.”

“Okay so pwede bang patapusin mo muna ako sa pagsasalita? You’re always interrupting my words!” he tried to approach me but I avoid him.

“Uuwi nako.” Malamig kong tugon. Kinuha ko yung nilapag kong bag at saka nagmartsa papuntang pintuan. Tsk! Badtrip naman oh! Hindi naman talaga ako galit eh! Maybe nagtatampo lang? Ewan.

I was about to open the door when someone grab my arms kaya nasubsob ako sa dibdib niya. Pagkaangat ko ng tingin ay ang nakatingalang nakatingin sa malayong si Mico ang aking nakita. Matapos ang ilang minuto ay nagbaba ito ng tingin sakin.

“Baby, don’t be mad…”

“I-I’m not!”

“You’re mad.”

“I said I’m not! C’mon..”

“Then why are you leaving me ng ganun nalang? How about our anniversary?”

“Tsk! Nakalimutan mo diba?”

“No.”

“Nakalimutan mo!”

“I’m just kidding earlier.” Iyon lang at hinila niya na ako palabas ng kanyang office. Nagpatinaod nalang ako kahit na wala akong alam kung saan na naman ako dalhin ng may topak kong boyfriend.

𝙀𝙣𝙙 𝙤𝙛 𝙖𝙣𝙤𝙩𝙝𝙚𝙧 𝙛𝙡𝙖𝙨𝙝𝙗𝙖𝙘𝙠

“Nicole?”

“Nicole hey?”

“Nico-“

“Ay baby Mico! Wait whu-“ natakpan ko nalang yung bibig ko dahil sa nasabi ko. Ba naman kasi Nicole! Dati pa nangyari yun okay?!

“I called your name many times but you’re still not responding, I thought-“

“Ah hahqha may naisip lang kasi ako.” Paggawa ko nalang ng dahilan.

“About what?”

“Nothing. So let’s eat?” aya ko nalang para wala na siyang maraming tanong. Tumango lang ito kaya nagsimula na kaming kumain.

Wala pa yatang 30 minutes ay tapos na kami ni Mico na kumain. Nagpunas lang kami ng aming mga bibig at saka uminom ng pineapple juice. Matapos non ay naglahad ito ng kamay na ipinagtaka ko.

Sumenyas lang ito kaya tumayo narin ako at nagpatinaod.

Paglabas namin ay naglakad lang kami. Hanggang sa…

Hindi ko inaasahan ang lugar kung saan niya ako dadalhin. Kung pinapangarap kong dalhin niya ako kahit man lang sa Brisbane River ay mukhang gusto ko na ngayong bawiin yon, dahil ngayon, nandito kami sa hindi ko man lang mapamilyarang lugar ngunit unang tingin palang ay napakaromantic na. Simple lang naman ang mga disensyo sa paligid ngunit kung pagmasdan mo’y parang pinatayo na talaga ito ng aming gobyerno para sa couples. Napakaganda.

Pumasok kami sa loob at ngayon ay nalaman kong isa pala itong Nepalese Peace Pagoda na tanging matatagpuan lang yata dito sa Brisbane, Australia.

The Nepal Peace Pagoda in Brisbane, Queensland, Australia, is located at the transformed Brisbane World Expo ’88 site, South Bank Parklands. It is one of the most significant heritage items in Brisbane from the hosting of the Expo. It is the only international exhibit remaining on the site.

Pagkapasok namin ni Mico isang napakagandang lugar dito sa loob ang bumungad samin.

Napakagaganda.

“What are we doing here?” kapagkuwa’y tanong ko. Ano nga bang ginagawa namin dito?

Ngumiti lang ito sakin pero hindi niya na ako sinagot pa at basta nalang hinila papasok sa bandang loob pa. Bumali nalang ang leeg ko sa sobrang pagkalito. Pero, kasama ko naman siya, alam kong safe lang ako, kami.

The Obscure Secrets (Kim sisters, series #1)Where stories live. Discover now