Chapter 4

173 136 22
                                    

“At ano na namang balak mong gawin sa ballpen nayan couz?” talagang hindi mahinto sa katatanong si Nicole sakin. Hindi ko nanga halos mabilang kung pang ilang ulit niya nang naitanong iyon. Ako ay nanatiling tahimik lang.

At kahit nasa harapan na kami ng pagkain ay panay parin ang lingon ko kay Luke. Ilang beses ko naring naisipan na tumayo at ibigay na agad kay Luke ang ballpen na ito ngunit sa kada tatayo palang ako ay parang may pumipigil sa akin. Hindi ko maintindihan.

Hays bahala na.. sa isip ay naibulong ko nalang ulit ang salitang iyon. Muli pa muna akong sumubo ng isang kutsarang kanin at duon kona nilakasan ang loob kong biglang tumayo nalang. Medyo nagdulot iyon ng konting ingay kaya napatigil ang lahat ng kasama ko sa akmang pagsubo ng pagkain at sunod sunurang nagsipag angat ng tingin sakin.

Tiningnan ko muna silang lahat isa isa bago lumapit sa gawi ni Luke. Pumwesto lang muna ako sa kanyang likuran upang mahinang bumuga ng hangin saka ko dahan dahang inilapit ang aking kamay sa kanyang balikat.

“I know you are behind me, take a sit.” Ngunit hindi ko pa man ito nailalapit ng maigi nang bigla itong magsalita. Sa sobrang gulat ay nagkandaletse letse na agad ang nararamdaman ko. Nakatalikod ito ngunit parang ramdam kong nakangisi ito.

Ilang segundo pa ang lumipas bago lang ako naupo sa harap niya. Kinuha niya ulit ang chopstick na nasa tabi ng kanyang plato at ipinagpatuloy ang kanyang kinakain.

“Hindi ka man lang ba marunog magtagalog?” imbis na iabot kaagad ang ballpen na aking hawak ay inilagay ko muna sa ilalim ng lamesa ang aking kamay at saka siya tinanong.

“What brings you here sweetheart?” ngunit imbes din na sagutin niya ang paunang tanong ko ay sinuklian niya lang rin ako ng kanyang pagtatanong.

“H-hey, stop calling me that..” napapaiwas ang tinging naiusal ko. Nakita ko naman sa gilid ng aking mata na itinagilid niya muna ang plato na kanyang pinagkainan at saka niya inilagay ang kanyang dalawang braso sa ibabaw ng lamesa at pinagsiklop iyon.

“What?” tanong niya

“That.”

“What?”

“That” may diin na sa tinig kong usal. Napakagaling kung mag English ngunit ang hina umintindi.

“C’mon sweetheart.” Panimula nito.

Tsk. At siya pa ngayon ang napapabuntong hininga huh?

“Get straight to the point sweetheart, what is it?” pangalawang sambit nito. Inis ko itong nilingon at tumambad sakin ang walang emosyong mukha niya ngunit ang kanyang mata ay titig na titig sakin.

“Stop calling me sweetheart, baby, honey, or what else kind of korni callsigns.” Panimula ko. Ngunit ang kanyang mukha ay blanko lang, walang pinagbago. “Tsaka hindi ka man lang ba marunog magtagalog? Panay ka English!” pagtatapos ko.

Pero sa lahat ng sinabi ko. He just chuckled. That was so sexy and it seems like he’s trying to seduce me. I don’t know. Maybe I’m just crazy.

But in just a blink of an eye. Agad na nawala ang ngiti sa kanyang labi at napalitan ng pagkaseryoso. Medyo kinilabutan ma’y nilakasan ko parin ang aking loob na sabayan ang kanyang titig.

“So why are you here, then?” napakapormal niyang tanong. Medyo nailang tuloy ako. Ano ba ang powers meron itong lalaking ito at sa isang kindat lang ng aking mata ay ganun nalang kabilis magbago ang mga kilos at pananalita niya? Nakakahanga pero nakakakilabot parin.

Tinitigan ko muna siya saglit at nang hindi na talaga magbago ang kanyang itsura ay inilabas kona ang hawak kong ballpen. Napatingin naman siya don at napakunot ng noo. Matapos niyon ay tumaas naman ang dalawa niyang kilay.

The Obscure Secrets (Kim sisters, series #1)Where stories live. Discover now