Chapter 5

161 134 30
                                    

“Okay pass your papers na, we’re out of time.” Duon lang ulit siya nag-angat ng tingin samin. Agad itong ngumiti habang inaayos ang libro na kanyang hawak at isinalansan iyon sa bag na parang lalagyan ng laptop.

Agad rin naming pinilas ang papel na aming pinagsulatan saka iyon agad na ipinasa. Nagpaalam narin ang dalawa kaya balik sa dati na ulit ang aking mga kasama. Sa dating maingay at magulo. Hays, ang tatanda na pasaway at mga isip bata parin.

At kaya naman pala nagsilabasan narin ang iba, ngayon kolang napansin na oras narin pala para sa lunch. Tumayo nalang ako at sumunod kila couz na sa tingin ko ay canteen ang punta.

Pagkaupo palang namin sa aming paboritong table ay si Joongin agad ang bumuo ng ingay. “Gosh, nakakakaba at nakakahaggard ang quiz na iyon ni sir Luke ha” may halong medyo kalandian pa sa boses nito nang banggitin niya ang pangalan ni Luke. Nanatili akong tahimik dahil wala naman akong maisip na sasabihin o kung kailangan ko din ba magingay. Ayoko namang mapahiya kung sakaling sabihin nilang hindi naman ako ang kinakausap.

“Ako rin beh! Hindi ko ineexpect ang quiz nayon. Pero okay na yun, gwapo at maganda naman ang nagturo” Kimora said. We all remained silent specially couz.

“Hindi na talaga maganda kutob ko.” Bigla ay singit at pagiiba sa usapan ng dalawa si Vien. Sakanya natutok ang paningin naming lahat

“Kanina pa tahimik ang dalawang magpinsan na Kim, ganun rin sina Joharra Aiyana at Maliah. Anyare sainyo?” sinubukan pa ata nitong magbiro ngunit nabigo din nang wala man lang samin ang nagbago ang ekspresyon.

“What do you want to eat?”

Parang robot naman kaming sunod sunod na napalingon sa likod upang lingunin kung saan nanggaling ang narinig naming may nagsalita. Nakita namin sina Luke at Keilani, nakahawak pa sa braso ni Luke si Keilani at sa tingin ko’y siya ang nagtanong dito kay Luke.

“How about you? What do you want to eat?” balik tanong sakanya ni Luke. Nanatili kaming tahimik at nakikinig.

“C’mon Luke, I am the first one who asked you here.” Tila naiirita na agad ang boses ni Keilani. Nanatili lang tutok sa kanila ang tingin namin, paano’y mukhang nananadya yata talaga ang dalawang ‘to, sa katabing lamesa pa ng lamesang pinepwestuhan namin sila umupo.

“I want a Chinese food.” Luke.

“Oh, walang ganun dito. Order-an nalang kita online?” tanong sakanya ni Keilani at nagsimula nang ilabas ang kanyang cellphone nang may sinabi si Luke na sandaling nagpatigil dito sa ginagawa.

“You don’t have to order me online, you have me ever since.” Asik nito saka pa diretsong tinitigan sa mata si Keilani. Naiirita kong iniiwas sakanila ang tingin. Napansin yon nila Aiyana at naramdaman kong ganun narin ang ginawa nila.

Taragis yan. Hanggang dito paba naman sa canteen walang hintong harutan? Wala atang lugar na pinipili ang dalawang haliparot na‘to.

“Hindi paba nadating order natin Nics?” dinig kong bugnot na tanong ni Joharra kay Nicole.

“Wala ka na naman ba sa huwisyo Jo at tinatanong mo na agad ang order eh wala pa ngang isa satin ang napunta sa line!” saad ni Aiyana. May pagkamaingay din pala ang isang ‘to.

“Don’t worry hahanay nako sa line upang iorder-an kayo ng pagkain.” Ani Nicole at tumayo na ito. Hindi ko alam pero napatayo rin ako. Napatingin silang lahat sakin.

“Sama ako couz, hehe?” pilit pa ang tawang tugon ko pero tumango lang ito. Sinundan kolang siya hanggang sa makarating kami sa line. Medyo umuunti narin ang nakapila don kaya hindi kami nahirapan ni Nicole na makakuha at makaorder agad ng pagkain.

“Chinese food din ang gusto mo?” tanong nito sakin ngunit hindi ako nililingon, nanatili kasing tutok sa harapan ang kanyang atensyon.

“Wag na, kahit ano nalang basta masarap” tamad kong sagot.

“Lahat ng pagkain dito ay masarap couz, so oorde-in mo lahat?” walang bahid ng pagkasarkastika don. Sa halip ay mukhang seryoso pa nga pa rin ito.

“Well, kung pwede naman oh edi…” nabitin ako sa aking sinasabi ng sa isang iglap ay nasa tabi ko na pala si Keilani at nakangiting binabayaran ang canteen’s cashier.

“Bibilhin mo lahat?” si Nicole ang nagtuloy sa sinasabi ko. Hindi ako nakasagot sa hindi ko malamang dahilan. “Isang bote narin ng light beer, salamat” dinig ko pang sabi nito. Napalingon ako sa kanya at saktong babaling na siya paharap sakin.

“Hindi ka pa pala tumitigil sa pag-inom?” takang tanong ko. Nanatiling blanko ang kanyang itsura at hindi muna nagsalita habang hindi nailalagay lahat ng sukli sa kanyang gucci wallet. “Why would I stop drinking alcohol if that’s the only thing that can calm me down?”

“Ihahatid nalang sa table niyo ang inorder mo hija” medyo hindi ko pa naintindihan ang ibang salitang binitawan ni Nicole dahil nakisingit rin na magsalita ang kahera.

Nakita kong tumango lang si Nicole saka na niya ulit ako inakay pabalik sa lamesang inuupuan namin.

“You’re so lucky that tita doesn’t know about this.” Hindi ko nga din alam kung matatawa ako o ano. Basta nalang din yon lumabas mula sa bibig ko.

“Hmm” aniya ngunit bakas ang hindi pagsang ayon. “You know I have an annoying sister” napapairap pa ito sa kawalan kaya muling natawa ako. Mabuti nalang at binuksan ko ang ganitong klaseng topic dahil kung hindi, malamang sa alamang ay ilang oras lang kaming tutunganga at manunuod sa kung ano mang scene ang gagawin ng dalawang haliparot. “That whatever I tried to hide about this from them, but if she had just opened her mouth it would have been a disaster.” Natatawa habang naiiling niya pang dagdag. Nahawa narin ako. Tama kasi si Nics, na kahit ano pang uri ng bagay ang pilit mong tinatago, basta makita kalang ni ate Minchu o mahuli ka niyang may something kang tinatago, lalabas at mabubunyag parin iyon dahil sa bunganga niyang walang sawa sa kadadakdak na kahit pati mga bagay na dapat ay sikreto lang, inilalabas niya. Ibang klase rin talaga ang uri ng lahi ng isang yon.

“So what did tita say about it?” pangdagdag ko sa pagatatanong. Pakiramdam ko kasi’y mauubusan na naman kami ng topic matapos niyang sabihin iyon.

“She was so mad at me, of course.” Natatawa niya na talagang sagot. Parang inaalala pa yung mga sandaling nalaman narin ni tita ang tungkol don. “Until now.” Dagdag niya. Sandaling namayani sa pagitan namin ang katahimikan. Kanina pa pala kami nakaupo sa lamesang laging pwestuhan namin. Saktong dumating narin ang pagkain na inorder namin kaya hindi na talaga masundan pa ang usapan naming iyon ni Nicole.

“I think your couz love drinking alcohol too.” Bigla ay sumingit sa usapan namin ni Nicole si Aiyana na naman. Ang akala ko talaga ay si Vien at Nicole na ang pinakamaingay na member sa grupong ito kaso mukhang nagkakamali yata ako.

“You are right.” Tipid kong saad.

“So bakit pareho niyong love ang pag-inom ng alak?” singit narin samin ni Joongin. Natatawa kaming lahat na binalingan siya ng tingin.

“Sorry naman! Aba mga pa-English peg niyo diko masakyan!” dagdag nito na mas lalo naming ikinatawa. Napairap lang ito.

“Yun nalang kasi ang nagpapakalma minsan sa mga isang tao, Jojo” Kimora.

“Nagpapakalma o nagpapaalis my pakiramdam na brokenhearted?” pangaasar nito at grabe ang titig nito kay Nicole habang isinasatinig ang mga salitang iyon. Natawa nalang ulit ako ng makita kung gaano kabilis na naglaho ang ngiti sa mga labi ni Nicole at napalitan ng masamang tingin. “Joke lang te!” pinilit pang tumawa ni Joongin ngunit nabigo ang bakla.

Hmm I told you not to dare mess up with my cousin.

“Ano na nga ang susunod nating subject pagkatapos ng MAPEH?” muling pagiiba ko nalang ulit sa topic nang wala na talagang naglakas loob magsalita dahil sa pagkailang.

“Sa kamalasan ay Geography.” Parang noon ko lang ulit narinig na magsalita si Maliah. Ngayon kolang din ata napansin kung gaano kakaiba ang taglay na ganda ng isang ‘to. Hindi naman malapad ang noo nito. Pantay ang mga kilay at medyo may katangusan ang ilong. She also have a pretty kissable lips. At sa nakikita ko palang ngayon, parang napakalambot niyong halikan. Kung lalaki lang sana ako ay kanina kopa siya nagawan ng kakaiba.

Mahaba ang buhok nito at medyo mahaba din ang leeg. Maputi at talagang sa kahit anong galaw ay bakat na bakat ang kanyang collarbone. Sa ganung parte palang ng katawan niya ay mababaliw at mawawala na sa sarili ang mga lalaking makakakita sa kanya sa ganong itsura.

“Kung ganon ay sa pangmatindihang gyera na naman pala mapapasabak ang utak ko” ani Aiyana at Joongin habang natatawa. Nakitawa narin ako upang mas lalong madaganan ang awkwardness na namamagitan sa aming lahat.

“Nothing is difficult as long as you are listening to the person speaking in front.” Nicole said in bored tone.

“Oh siya tama na ang English at baka manosebleed ang bakla!” pangaasar ni Kimora at mas lalo namang nagtagumpay sa pagbuyo ang bruha nang mas lalong sumama ang mukha ni Joongin. Nanatili lang kaming nakikitawa ngunit hindi naglabas ng kahit anong salita.

“Tara na, andun na daw si Ms.Peachy.” bigla ay nadinig naming paguusap ng tatlong estudyateng dumaan sa harap namin. Sa tingin ko ay kaklase namin ang mga ito. Hindi rin ata nila kami napansin dahil tuloy lang ito sa paglalakad.

Nang tuluyan na silang makalagpas ay tumayo narin kami at inayos muna saglit ang mga gamit namin bago sumunod sa tatlong babaeng naguusap. At tama nga sila, nandun narin si Ms. Peachy. Mabuti nalang talaga at hindi pa pala umpisa ang klase.

Naabutan palang namin si Ms.Peachy na bahagyang inaayos palang ang mga gamit na sa tingin ko’y gagamitin namin sa kung ano mang activity namin ngayon.

The Obscure Secrets (Kim sisters, series #1)Where stories live. Discover now