Chapter 1

204 138 55
                                    

Alas sais na ng umaga nang makarating kami dito sa Brisbane. Paano ay ilang malls pa ang pinuntahan namin kakabili ng mga gamit. Ako ang nagyayaya at minsan naman ay si mommy.

Pagkababa ng van ay malamig na ihip ng hangin mula sa labas ang aking nasalubong. Nakangiti kong nilanghap ang mapresko at mabangong simoy ng hangin.

Kasunod kong lumabas ay si mommy at panghuli naman si daddy dahil ipinark at pinatay niya pa muna ang engine ng sasakyan.

"Namiss mo ba ang Brisbane?" mula sa likod ay tinig ni mommy ang aking narinig. Hindi man ako lumilingon ay sinagot ko pa rin ang kanyang tanong.

"Yeah mom, I remember I was ten years old when I last came here" sagot ko. Tumabi naman siya sakin at saka kami pumasok nang mula sa loob ay lumabas si tito Henrick, papa ni ate Minchu.

"Hmm, at yun din yung mga panahong nagsisimula na kayong magpunta ng bar ni Nicole" sambit ulit ni mommy na gulat kong ikinalingon. How did she know? O M G. And,, who's Nicole?

Tulala lang akong nakatingin kay mommy na nakatagilid sa akin dahil nakikipagusap na siya kay tito.

Sumunod naman ay nakisawsaw narin sa usapan nila si daddy kaya naiwan akong tulalang nakatayo dito.

Nang mapagod ako sa kaiisip ng kung ano ano ay tumungo muna akong garden. Habang naglalakad ay nakita kong makakasalubong ko yung babaeng kalalabas lang ng bahay nila tita. Base sa itsura nito ay kagigising lang nito at katatapos maghilamos.

Binalewala ko na lamang ang babaeng iyon at ipinagpatuloy ang paglalakad papuntang garden. Saka ako naupo sa isa sa mga bench duon.

Binuksan ko ang delight na akin ring pinabili kanina at saka iyon tinernuhan ng ham sandwich.

"Couz?" patapos na sana ako sa aking kinakain na sandwich nang biglang magsalita ang isang tinig ng babae sa tabi ko. Dahan dahan akong bumaling sa kinaroroonan ng nagsalita at nagulat na lamang ako na siya yung babaeng kagigising lang. Kumunot ang noo ko at sandali pa munang pinagmasdan ang kabuuan niya at nang hindi ko naman makilanlan kung sino ito ay bumalik ako sa pagnguya ng aking pagkain.

"Luh?" asik pa niya pero hindi ko nilingon. "Hindi na ako kilala ni couz" dagdag pa niya. Naiinis man sa sobrang ingay niya ay pinanatili kong poker face ang aking mukha bago siya nilingon.

"Who..." panimula ko at muling pinasadahan ang kabuuan niya. Napansin niya ata ang paulit ulit kong pinagmamasdan ang kabuuan niya dahil bahagya pa itong nagpose. "Are yo-, Nicole?!" gulat kong usal at magkakasunod siyang tumango. Bigla nalang akong napatayo at hindi ko alam kung yayakapin ko ba siya o ano. Masyado akong naexcite na makita siyang muli.

"Yes couz! I'm Nicole Kim! Your prettiest cousin!" sigaw pa niya at halos hindi na ako makahinga sa biglaang pagyakap niya ng mahigpit.

Matapos niyon ay saka narin kami naupo sa bench. Dumukot siya ng isa sa mga delight na inilabas ko at kumuha din ng sandwich at sumubo don ng pagkalaki laki, ako pa yata masasamid sa ginagawa ng babaeng 'to.

"How are you couz?" tanong niya. Patuloy pa rin sa pagnguya.

"I'm always better than fine. How 'bout you?" tanong ko rin. Hindi man siya lumilingon dahil busy na siya sa kanyang kinakain ay sinagot niya pa rin ang aking tanong. Medyo hindi ko pa maintindihan ng maayos yung ibang salitang binitawan niya dahil patuloy pa rin ito sa pagnguya.

"Oklang din, katatapos sa breakup." Asik niya na ikinalingon ko dito. Paanong nagkaroon na agad siya ng nobyo gayong magkasing edad lang naman kami at pareho pa kaming bata para don. 16 yrs old pa lang kami at pareho na ngayong grade 10.

The Obscure Secrets (Kim sisters, series #1)Where stories live. Discover now