Chapter 17

121 109 32
                                    

Lumipas ang mga araw na abala kaming lahat dahil sa paparating na examination. Kaming magtotropa ay hindi na ulit nagkausap pa dahil sa sobra naming abala sa paghahanda. Paminsan minsan pa’y hindi kagaya ng dati, hindi na kami nagkakasabay sabay sa pag-uwi dahil ang iba ay pupuntang bookstore upang may bibilhin na mga gamit. Ang iba naman ay magpapaiwan muna sa school dahil pupunta pa ng library upang review-hin ang mga aral na hindi nasulat sa mga notes nila.

Sa kada araw na lumilipas ay ramdam ko na talaga ang araw na pinakahinihintay ng mga guro. Yung iba naman ay natutuwa parin lalo na sa mga nakasali bilang representative sa magaganap na Science quiz bee.

Sa mga nagdaang araw ay nagpapasalamat kami kahit papaano dahil wala ng kakaibang problema pa ang dumating sa amin. Tuluyan nang gumaling ang aking sakit at ganun din si Kimora kaya nabalik na ulit kami sa dati. Habang tumatagal din ay mas nagiging maingay ang humors about sa namamagitan kila Luke at couz. Dahil don ay hindi na ulit kami nagkausap pa ni couz.

Dalawang linggong lumipas ay pinaulit ulit lang sa amin ng mga guro na aralin ang mga lessons simula nung araw ng 3rd grading at kahit nakatatak naman na ang iba sa aking isipan ay nakakalimutan ko parin ang ilan. Mas lalo tuloy akong nape-pressure sa kada nadaang araw.

Nandito ako ngayon sa canteen kasama sina Kimora at Joongin dahil lunch na. Umorder lang kami ng tig iisa naming lunch meal at ngayon ay kumakain na kami sa iisang table na may apatang upuan. Ang isang bakanteng upuan ay pinaglagyan nalang namin ng aming mga gamit.

Si Aiyana at Vien naman ay nagpunta munang library dahil may kailangan pa silang pag-aralan na naging lesson narin namin. Sa sobrang tagal nila ay nauna na kaming maglakad pabalik sa room. Saktong paparating narin ang aming unang panghapong subject teacher.

Naging maayos naman ang lahat. Yun nga lang, sa sobrang dami talaga lagi ng inaaral ay mapapahilot ka nalang ng iyong ulo dahil sa stress.

Sa maghapong klase ay tahimik lang kaming nakikinig sa sinasabi at dinidiscuss ng aming mga guro. Sa hapon pa’y medyo kaunti nalang tuloy ang umaattend ng klase dahil matapos ang lunch ay laging library nalang ang ginagawang tambayan nila. Minsan din ay kami nalang tuloy nila Joongin at Kimora ang naiiwan dito sa aming magtotropa.

Pagkatapos ng aming panghuling klase ay kaagad na kaming nagdecide na umuwi. Sa dalawang linggong lumipas ay hindi na kami nagkakausap usap pa. Nakabalik narin sila Joharra at Maliah pero wala akong nakalap na balita kung ano ng nangyari sa kanila at bakit nawala sila ng ganun katagal na araw.

Pagkauwi ay wala akong naabutan sa bahay. Nakabukas ang mga ilaw pero wala akong nadatnang tao. Siguro ay may pinuntahan si ate Minchu. Kapag si Nicole naman ang tatanungin ay paniguradong nasa date na naman yon kasama si Luke. Napabuntong hininga nalang ako sa isipin kong yon. Dalawang linggo narin nung huling mag-usap kami ng mokong na yon. Tuloy ay hindi na ulit napalapit samin pati si Kaizen. About naman sa relationship nila ni Joharra ay talagang wala na. Walang dinedate si Kaizen pero sumuko narin ito kay Joharra kamakailan lang.

Gusto kong magtatatalon sa tuwa dahil Friday na. Pero pabagsak nalang akong napaupo sa sofa dito sa salas sa isiping kailangan kong magreview. Ayon sa Principal at ilan pang mga SSG Admin ng JIS ay pahirapang examination nga talaga ang dadating. Mukhang kinakailangan ko talagang magsunog ng kilay upang hindi ko madisappoint sila mama.

Speaking of my mom… I also realized that it’s almost month since they transferred me here. Hindi narin ako nakakarinig ng balita tungkol sa kanila. About din sa naririnig kong palihim minsan na paguusap nila ate Minchu at couz ay nakukyuryos ako. Pakiramdam ko ay may laging mali. Kating kati na akong malaman kung ano ba talaga ang pinaguusapan nila pero natatakot din ako at the same time sa maaari kong makuhang sagot mula sa kanila.

Umiling nalang ako para paalisin ang mga thoughts at questions nayon sa utak ko. Kailangan ko munang gawin sa ngayon ay MAG-ARAL at MAGREVIEW.

Nilabas ko lahat ng kakailanganing gamit ko at saka umupo sa sofa na malapit sa mesa. Napagdesisyonan ko ring dito nalang sa salas magaral para naman hindi ako masyadong matakot dahil mag-isa lang ako dito.

Binuksan ko ang TV kahit na korean novela ang lumitaw na palabas. Sa drama cover palang niyon ay napamilyaran ko na kaagad. Kung natatandaan ko ay Descendants of the Sun ang title niyon. Binuksan ko rin ang phone ko para magpamusic. Napapasayaw nalang ako minsan at napapankanta kada alam ko yung mga songs na nagpeplay. Tuloy ay tumagal ng limang oras ang pagrereview ko.

Matapos niyon ay mukhang dinalaw na ako ng antok dahil sa sunod sunod ko ng paghikab. Tumayo ako at saka niligpit lahat ng gamit ko. Nagshower lang ako saglit at dumiretso sa kusina upang kumain muna. Pagkadating ko don ay walang pagkain na nakahanda o natira. Siguro nga ay hindi parin umuuwi si ate Minchu at Nicole. Mukhang gagabihin sila ng uwi.

Napabuga nalang ako ng hangin dahil wala akong choice at kahit hindi ako marunong ay nalilito tuloy akong magluto. Hindi naman pwedeng kumain ako ng gutom dahil hindi rin ako sanay.

Nagluto nalang ako ng instant food at kaagad na kumain.

After I eat my dinner, I immediately went to my room and clean all the mess. Then after that I turn off the lights but I open my lamp para may liwanag parin sa kwarto ko. I set my alarm clock at matapos niyon ay tuluyan nakong dinalaw ng antok.


I woke up when I heard my phone ringing so I immediately sat down and look for my phone. Nakapatong iyon sa ibabaw ng lamesa malapit sa aking study table.

I clicked the answer button to answer it and I heard my father’s voice. “Hello there my daughter, how are you?” he asked and I sat down again to my bed before answering him.

“I’m fine pa, always busy reviewing and preparing for our upcoming examination next week. How about you and ma-“ naalala kong hindi nga pala sila magkasama ni mama dahil nasa ibang bansa si mama. “How about you, pa?” tanong ko nalang.

“Oh. Yeah. Our company building will be finished soon so after this year, maybe you’d be transferred here again.” pagkasabi palang ni papa nun ay natigilan ako. Nanaman?! Ganun na talaga kadali sa kanila na magpalipat lipat ako ng school nuh?! How about me?

Napabuntong hininga nalang ako at hindi na sinagot pa si papa. Idinahilan ko nalng ang pagrereview ko at walang sabi sabing binaba ang tawag.

Badtrip.

Sawi nanga ako sa pagibig. May bagong masamang balita pa na naman akong makakalap.

Uminat ulit ako once again at bumaba na. Patay pa ang mga ilaw nang makalabas ako maliban nalang sa kusina at salas. Bumaba ako ng hagdan at dumiretso sa kusina to eat breakfast. Gusto kong mag-exercise. I don’t know if when is the last I exercised but now, it just came to my mind that I want to. Maybe to relieve my pain at my back?

Nagbihis na ako matapos kong kumain at maligo. Mukhang tulog pa ang dalawa kaya naman dahan dahan lang ang mga kilos ko upang hindi ko sila mabulabog at magising. Isa pa, kung nandito man si couz ay parang hindi ko pa siya kayang harapin.

Buong village lang nila couz ang inikot ko. South ang lugar na ito sa pagkakaalam ko. Hindi ko alam, hindi rin naman ako interesado.

Matapos ang dalawang oras na pag-jogging ay umuwi na agad ako. Gising na ang dalawa at kasalukuyang nag-aaral narin si couz sa may salas habang si ate Minchu naman ay nagseselpon at nakaupong pang Mondragon. Hays.

Balak ko sanang lampasan lang sila nang tawagin ni couz ang pangalan ko. I suddenly stopped from walking towards the stair and I can feel now an awkward situation.

“Can we talk?” mahina at mahinahong tanong nito. Naguluhan pa ako sa pagbiglaang pag-aya nito sakin na magusap pero sa huli, pumayag narin ako. We’re here now at their garden and she sat down on one of the benches here. Ginaya ko lamang ito at naupo sa harap tabi niya.

“What you are actually thinking is wrong.” panimulang bungad palang nito ay talagang naguluhan na agad ako. Hmm, what is she talking about?

“I know you’re mad at me but please,” I can feel that she turned her gaze to me but my eyes are still on the group of flowers in front of us.

“Don’t be mad at Luke. He didn’t do anything wrong.” hindi ko alam pero napakuyom ako ng kamao. Ramdam kong parang tinutusok ng libo libong karayom ang puso ko at parang anumang oras ay magpipiraso-piraso na ito.

“We all know that Luke loves you so…” mas lalo akong naguluhan pero hindi ko pinahalata iyon. Why is she suddenly talking to me about this anyway? I don’t understand her.

“Don’t be jealous-“

“I’m not.” mabilis na putol ko. Pero sa loob loob ko. Matagal ko ng nararamdaman ang ganun sa tuwing nakikita ko sila. T*ngina naman kasi oh. Bat ngayun pa?!

“You can lie to me using your words but not your expression.” Nicole seriously said to me. I can still feel her stare.

“Ano ba talaga kayo ni Luke, couz?” kahit nahihirapan ay kinaya kong maglakas loob na tanungin siya. Hindi ko na kayang ikimkim ‘to. At mas lalong ayaw ko ng patagalin ang gantong klaseng sakit.

“We’re…” tumingin sa malayo si couz na para bang iniiwasan ang titig ko. Nagkabaliktad tuloy kami ng sitwasyon. “Just friends.” I heard her continued. It felt like I’m not satisfied with her answer.

“Friends but doing sweet things in public? What an amazing FRIENDSHIP.” ipinagkadiinan ko talaga ang salitang friendship at lumingon ito.

“I told you couz were just friends! Why are you always overthinking about us and just because of that! Kung ano ano ng inisip mo!” hindi ko pa inaasahan ang biglaang pagtaas niya ng boses.

“I’m sorry then.” pinilit kong wag magtinig sarkastika pero hindi nakisama ang battery ng utak at katawan ko.

“Please don’t be mad at Luke. That’s only what I want.” kalmado na ulit na sabi nito. Binalot kami ng katahimikan matapos niyon.

“Mamayang gabi nanga pala ang byahe namin.” Nicole opened a new another topic again. I keep my mouth shut. “Do want to go with us?” bigla ay tanong nito. Nakakapagtaka nalang talaga na matapos ang muntikang sigawan namin kanina ay nakakaya niya na ulit maging kalmado ngayon.

Umiwas ako ng tingin at ibinaling iyon sa malayo. “But my name didn’t mentioned by our principal so it means…”

“You can still join with us.” Muling nagsalita si Nicole dahilan upang mapalingon ako. She’s smiling at me na para bang anumang sinasabi niya ay mangyayari.

“If you’re confused now. Alalahanin mong kasama dun si Luke. He loves you and he can do everything just to give you what you want. So talk to him and he will talk to her mom para makasama ka-“

“Wag na.” mabilis na putol ko ulit. “It seems like I will use him para lang makasama dun. I’d rather stay here at your house and read books while eating foods than coming with you.”

“Harsh.” Umirap si Nicole. “You really hate him that much now, huh?” I don’t know if she’s teasing me or she just want me to punch her.

“Don’t worry. If ever you really don’t want to go with us. I will not steal him from you.” Ngumiti ito and I just looked at her with bored face.

Tumayo na ito at ganun narin ang ginawa ko. “I really hope you are not mad.” Iyon lang at tuluyan na siyang kinuha ni Mr. Laho

Napaisip ako sa sinabi niya kahit wala akong isip.

Almost weeks passed since Luke and I talked to each other and I don’t know if I’m going to agree Nicole’s suggestion but everytime na napapa-agree nako. Kinakain naman ako ng takot.

Okay sanaol kinakain.

Pumasok na ulit ako sa loob dahil tinawag na kami ni ate Minchu for lunch. Ang bilis ng oras. Parang kailan lang nung kayo pa, ngayon ang convo at relasyon nyo wala na.

After we eat lunch. Bumalik na ulit ako sa pagrereview. Si couz naman ay kanina pa kumain dahil mag-iimpake pa daw. Lalayas ata si bruha. Makaimpake e kala mo US ang punta. Ni 500 nga wala siyang pera.

Pero sa totoo lang, naiinggit din ako dahil siya kasama dun. Kasama niya si Luke. At karamihan ang kasama yata dun ang tagahanga din nila.

Third person POV

Gabi na at tapos ng magimpake si Nicole. Luke just texted at her 10minutes ago na susunduin daw niya si Nicole. Kaya ang dalaga, todo ayos naman na para bang isang party ang pupuntahan at nakalimutan na yatang Quiz bee ang pupuntahan.

Natapos ito sa pag-aayos at saktong may bumusina sa labas ng bahay. Hindi niya alam pero automatic na napalingon ito sa kwarto ng kanyang pinsan st mabuti na lamang ay tulog na ito. 9pm na. 8:30 palang kasi ay natutulog na ang kanyang pinsan.

Kinuha nito ang lahat ng kanyang gamit at bumaba. Gising parin ang kanyang ate dahil siya ang bumungad sa kanya dito pagkababa niya. Nakataas ang kilay ng kanyang ate at Mondragon kung makaupo. May hawak pa itong wine glass pero paniguradong yakult lang naman ang laman niyon o kaya’y delight. Pang madam talga ang dating.

“Aalis na ho ako.” magalang kunwaring paalam ni Nicole pero habang siya ay nakayuko ay magkakasunod na irap na agad ang ginawa nito. Wala siyang nakuhang sagot kaya lumakad na ito palabas. Nakita niyang nakasandal sa isang Lamborghini si Luke.

Nakashades ito at lahat sa kanyang suot ay black. Pati kotse yata nito ay black. Kung hindi lang sana nakabukas ang ilaw sa harapan ng kotse nito ay malamang na pahirapan pa itong hahanapin kung nasaang pwesto ng labas ng bahay siya nakatayo.

“So your cousin is not coming with us?” tanong ni Luke at tango lang ang sinagot ni Nicole. Napansin ni Luke na nahihirapan sa pagpasok ng gamit si Nicole kaya tinulungan nito ang dalaga. “Thanks.” Tanging naiusal lang ni Nicole at naunang sumakay sa kotse.

Sa pagkaka-compute nila ay siguro, mamayang alas otso ang dating nila dun. Sila na ang nauna dahil ang karamihan pa sa mga kasama ay mababagal kumilos. Tahimik lang ang kanilang byahe kaya pakiramdam tuloy nila ay mas lalong humaba ang oras.

Nagising si Eillish dahil sa magkakasunod na pagtunog ng kanyang alarm clock. Agad na bumusangot ang mukha nito at padabog na umupo sa kanyang higaan. Nakalimutan niyang iextend ang oras na ilagay sa alarm clock kaya ayun, nabulabog ang tulog ni prinsesa.

Pagkabangon ay cellphone agad ang hinanap nito.

Nakita niyang 5AM palang kaya mas lalo itong bumusangot. Kung hindi lang sana tumunog ang kanyang alarm clock ay mga mamayang tanghali pa ito gigising gaya ng kanyang nakasanayan tuwing walang pasok.

“Linggo na naman…” mahinang bulong nito. “May pasok na bukas pero incomplete na naman ang Barkada.” Napailing ito sa sariling isipin.

Tumayo na ito at bumaba. As usual wala doon ang kanilang madam INIWAN. Dumiretso ito sa kanilang kusina to eat breakfast. Ganun lang lagi ang naging routine niya.

Lumipas na naman ang mga araw at Miyerkukes na. Bukas o ngayon na ang uwi ng mga estudyante galing sa Quiz bee. Sila naman ay ganun parin ang buhay.

Sa nagdaang tatlong araw ay talagang uminit na at lumalala narin ang mga dating rumors lang. Mas lalong napapalapit si Nicole at Luke sa isa’t isa at sa kada oras yata ay may update na tungkol sa kanila. Ni kahit nga ang sabay lang nilang paglalakad ay ginagawan agad ng issue. Without knowing kung totoo ba talaga yon kahit nagkakataon lang naman talaga.

Lumabas ng classroom ang apat upang pumunta ng canteen. Hindi na bago sakanila na hindi na sila kumpleto ngayon. Mukhang nasanay na dahil tahimik lang itong kumakain ng sabay sabay sa iisang lamesa. Matapos niyon ay bumalik na sila sa classroom upang umattend sa panghapong klase.

Cassandra POV

Hindi man halata ay nag-aalala na’ko sa kung ano na ang iniisip ngayon ni Eillish tungkol sa kanyang pinsan. Lalo na ngayon, it’s been three days simula nung bumalik na ang mga nakasama sa Quiz bee at panibagong linggo na naman. Linggo ng examination. Bale sa limang araw ng linggong ito ay half day lamang ang attend namin sa school. Lahat kami ay magkakapareho at magkakasabay na naka-schedule sa morning exam. Kung yun nga ba talaga ang matatawag don.

Kagigising kolang kanina dahil sa tunog ng punyetang alarm clock ko. Bumangon ako sa pagkakahiga at kahit pilitin ko ang sarili kong matulog ulit ay hindi na ako dinalaw pa ng antok. Napatingin ako sa oras at mas lalo lang akong nayamot nang masilip na alas kwatro palang. Masyado pang maaga para magayos ako. .

Wala akong choice kundi lumabas ng kwarto. Dumiretso agad ako ng kusina to eat breakfast and after that, nagfb muna ako. I told you, it’s too early to get ready. Masasayang lang ang pag-aayos ko kung matagal na oras pa ang hihintayin ko bago ko ito magamit ng tuluyan.

Many messages I received when I opened my facebook account.

Matapos kong replyan lahat ng messages ay nanuod muna ako ng random videos. Medyo nanlaki pa nga ang mata ko dahil sa kada videos na nilalagyan ko ng react ay lumalabas yung pangalan dun ni Trev.

Wait-whut?!

Why am I calling him Trev?

Trev?

Diba yun yung tawag sa kanya ni ate?

Tsh.

I shook my head to wipe all the thoughts inside my head.

Inubos ko ang kape ko at sinayang ang isang oras upang manuod muna ng drama. Since last week, Joongin recommended me again another new kdrama so I’m here at our salas to watch that. Matingnan nga kung maganda ang nirekomenda ng baklang yon.

Pagka-open ng TV ay binuksan ko kaagad ito malamang. Alangan naman panuodin ko ‘to ng hindi nakabukas? Siraulo kadin kung iisipin mo yun.

Nakapandekwatro akong umupo sa mahabang sofa habang hawak ang isang cheese corn. Basta yung popcorn kasi siya na may cheese. Baka sa pagkakaintindi mo kase eh. Mais yon na may cheese.

Nakakunot lang ang noo ko habang tutok sa TV. Tinitingnan ko ng mabuti ang palabas saka ko huhulaan ang maaaring plot nito.

Nang hindi ko mahulaan ay napasandal nalang ako sa sofa at pinanood ito. And I just found out that this drama is about a soldier and doctor story. I only know the real name of the actor. Song Joong Ki, I guess?

Mayamaya pa ay nakita kong mag-aalala sais na. Dun na ako nagsimulang mag-ayos. Nang tingnan ko ang mga episodes na natapos ko ay ganun nalang ako namangha sa sarili ko nang makitang nakahalati ko na agad yung eps.

I stood up at nag-umpisang gawin ang aking morning routine. 2 and a half passed before I finished my routine. Lumabas na kaagad ako ng bahay at nag-antay ng taxi na dadaan.

Hawak ko ang cellphone habang naghihintay ng taxi dahil nakikialam ako ng update sa gc. But since wala naman, nilagay ko muna ito sa aking shoulder bag at saktong may huminto naring taxi.

15 minutes ay nakarating na kaagad ako sa school. Many JIS students are wearing our P.E uniform. Half nga naman kasi kaya pwede ang ganun. Kahit ordinary clothes as long as suot mo parin ang JIS ID ay okay lang. So now, I’m wearing a color white ribbed knitted top and I paired it with stripe korean skirt.

I’m also wearing a simple color white shoulder bag. I don’t know what is the exactly brand of this bag but it doesn’t even matter to me now about that since I like the style and color of this cute bag.

I showed my JIS id to our bodyguard so he smiled at me at nilawakan nito ang pagbukas ng gate. Pumasok ako at dumiretso kaagad sa room. Siguro kong titingnan ay nasa kalahati palang ang dami ng kaklase kong nandon. Wala pa ang magpinsan. At hindi ko rin alam kung sabay nga bang papasok ang dalawang yon. Sa mga nagdaang araw ay mukhang hindi.

Ganun nalang ang panlalaki ng mata ko sa gulat nang sabay itong tumapak sa sahig ng aming room. Tumatawa pa ang mga bruha.

O… kay?

I think they’re okay now.

I hope.

I raised my right hand kahit alam kong dito din naman na ang punta nila. Sandali silang tumigil sa pag-uusap upang ayusin ang kanilang uupuan at mga gamit.

“Basta couz. There is nothing I am hiding from you.” I heard Nicole said those words to her couz. My mind immediately react to her words. “Liar…” I said at the back of my mind.

They turned their gaze to me so I immediately formed a forced smile on my lips to let them know that I’m okay.

“Gosh! Buhay at pakiramdam nga naman ng hindi nakapagreview!” I know Nicole’s about to ask me when we all heard Joongin’s voice. Nakita naming nasa likod pa nito ang nakabusangot din na mukha ni Kimora. What happened again to her? She always like ninakawan ng one milyon.

The Obscure Secrets (Kim sisters, series #1)Where stories live. Discover now