Chapter 28: KAIZEN COMPTON

115 89 23
                                    

“Ibang course ang kukunin mo? And what is your reason?!” yan ang paunang mungad na tanong sakin ni dad nang makauwi ako sa bahay. Sa loob ng maraming taon na wala sila dito ni mommy, I’m already used to live a life that I never wished or expected I will like.

Kaya naman ganun nalang ang gulat ko sa dalawang dahilan dahil hindi ko inaasahang ngayon nalang ulit nila maiisipang umuwi sa kabila ng business nalang lagi ang importante sakanila. At sa tagal na panahon ko ng sinabi sa kanila kung ano ang gusto kong kunin kong course at hindi naman sila noon nagreklamo o nagsalita, ngayon lang sila kokontra.

“My brain wants to achieve the job you want for me but my heart against on it.” diretso kong sagot. Walang alinlangan, desididong desidido. “I want to be a pilot, dad.” asik ko at nag-angat ng tingin upang masalubong ang tila nanggagalaiti nitong itsura. Hindi mawari, hindi maipinta.

“You know you are our only son and you have to step on the position after me. You should choose Business Management course instead of Pilot-Engineering!” pasigaw na aniya.

This is only what I hate.

Everytime they go back here, I can’t feel the freedom.

Because what matters the most is what THEY LIKE.

And my likes? Nababalewala.

“But I really want to be a pilot dad, and it’s your business. Why do I have to manage your OWN business after you got retired?”

“What?! At kailan kapa nagkaroon ng lakas ng loob na sagut sagutin ako ng ganyan?!” hindi talaga makapaniwalang aniya.

“Why don’t you just continue your business and life on China? And I’ll continue my mine here! Why do you have to go back here for none reason? Or you just come back here to tell me all of your bullshi-“

*/PAK!/*

He slapped me.

“How dare you! I just can’t really believe how come you’re my son! Wala akong pinalaking ganyang Kaizen!”

“I’ll go to your school tomorrow to fix your mess, you should choose to learn more information about business stuffs!” yun lang at naramdaman ko na ang yabag ng paa niya papalayo.

“I’m sorry Kaizen… your father didn’t mean it-“

“Don’t mom.” hahawakan palang sana ako ni mommy pero pinigilan kona. I don’t need their help.

“Please just listen to him, para din naman sa ikabubuti mo yon-“

“Just leave.” walang emosyon kong asik.

Yes I was born in China, but I hate that country.

Nicole Kim, my first love. She came from China but I don’t know kung dun siya pinanganak. Pero isa lang ang sigurado ako, mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya na handa akong gawin ang lahat basta at the end of the day, sakin parin siya mapupunta. Yung tipong handa akong itaya yung buhay ko para sa kanya. And Mico Rodriguez that surely came from that country is my first ever bestfriend. We almost treated each other like a real brother’s, real family. That’s why I don’t feel like I needed my parents before because I have him and especially, Nicole Kim.

Habang tumatagal, I tried to court Nicole. And I was just so happy because she let me. At nagtagal yon ng isang taon.

Pero ang isang taon ay nasayang lang.

“Kai, I have to tell you something but can you please inhale and exhale yourself first?” ani Mico sa phone call namin, ginawa ko naman ang katarantaduhang pinapagawa niya.

“I already did, so what is it?” hindi makapaghintay kong tanong.

“And please just in case, don’t get mad.” Dugtong niya ulit.

“I can’t promise, but I’ll try.”

“And don’t end our friendship.”

“Putangina sabihin mo nalang kasi!” hindi na nakatiis kong ibulalas. Kalokohan ni gago, hindi na talaga minsan nakakatuwa.

“Kami na ni Nicole.” yung kaninang ngiti ay parang nakita ko pa kung paano ito unti unting maglaho. W-what?!

“Wag ngayon Mics, no to pranks muna ako ngayon.” pinilit kong wag manginig yung boses ko.

“I’m not even pranking you..”

Putangina.

Tangina Mico, kailan pa?!

“Tangina Mics!” sigaw ko. Napatingin pa sakin yung mga maids namin dahil sa sigaw ko.

“Kai sorry-“

“Putangina! Shit! Fuck!” magkakasunod kong mura at lahat yon para sakanya.

What he just did to me?!

What they just did to me?!

And Nicole?

Why did she let me court her kung si Mico pala gusto niya?!

Just fucking why?!

Why Nics?!

“Kai-“

Toot toot toot

I didn’t let him finished his word and immediately ended our call.

Pagkatapos ng ilang taon na ang lumipas simula nung mangyari yon, unti unti ko naring tanggap. Lalo pa’t nakikita kong masaya si Nicole. Masaya siya kay bro-kay Mico.

Mula non it’s like I already have this fear of having friends or welcoming people to my life. Because I know, they are just all the same. Traitors.

And I tried to focus myself on study, I was atleast happy because I can still keep my grades high. And I’m always on the number one in rankings.

But everything changed, when he came.

When Luke came.

Dahil yung magkakasunod kong panalo noon, yung number one rank ko noon. Nawala.

Ng dahil kay Luke.

I have no idea before if he’s good or not.

And I was surprised that he was the one who approached me.

“Bro!” masiglang bati ni Luke sakin pagkalapit niya. Nakangiti pa ang gago. Feeling close amputa.

“Yes I am talking to you!” sunod pang anas niya nang mapansing nalilito yata ako.

“I’m Luke Anderson, how ‘bout you bro?” hindi parin mapalis ang ngiti sa labi ni mokong. Sarap punitin.

Tsaka bakit konga ba ‘to tinatawag na mokong? Didn’t I promised to myself before na saka kolang tatawagin ang isang tao ng mokong kapag kaibigan ko sila?

Hindi kaya ramdam kong safe ako dito kay mokong?

Naks putangina nakakakilig man pero ayoko parin maging bi. Yuck!

“Kaizen Compton.” tanging naisagot ko nalang. Naglahad naman ito ng kamay at tinanggap ko nalang. Mapahiya pa eh.

Ang tuloy ay inakala kong lahat ng darating dito galing China ay traydor, lahat ay tuluyang nagbago dahil kay Luke. Kasi tumagal ang pagkakaibigan namin ng limang taon. Na sa wakas ay college nanga kami. 2nd year. Same school pa rin kami ni mokong, at kulang nalang ay iisipin ko ng siya yung destiny ko dahil simula nung lumipat dito si Luke, palagi na kaming magkapareho ng klase.

Birthday ngayon ni Luke kaya nagpasama si mokong na dumaan saglit sa JIS upang puntahan si tita Adel. Yung mommy niya. Principal kasi si tita Adel kaso ng JIS nga lang. At magpapaalam ngayon si Luke sa mommy na pupunta ng bar kahit ngayong araw lang.

Saktong recess time narin nang makarating kami ni Luke kaya naman ang daming tao. Ang daming taong pinagkakaguluhan na naman kami. Halos mapag-iwanan pa tuloy ako dahil mas nauna pa yatang makadaan si Luke kesa sakin.

Kaso nagtaka ako dahil pagkatapos umorder ni mokong ay sa isang table na may tao siya lumapit. At base sa itsura ng babae, mukhang baguhan pa lamang siya dito. Alam ko yun dahil kada taon ay nalalaman namin ni Luke ang bawat mukha yata ng estudyante dito dahil kay tita Adel. At eto ang hindi talaga pamilyar sakin at sigurado akong kay Luke din pero nakakapagtaka pa din kasi nilapitan niya. At bakit?

“Can I sit here?” dinig ko pang tanong ni gago dun sa babae. Parang nabalik pa tuloy sa ulirat niya yung babae.

Nakanganga lang ako dito habang pinapanood ang dalawa, nakita ko pa kung paano unti unting nilingon siya ng babae at napatitig.

“Are you done memorizing every single detail of my handsome face?” kahit walang iniinom na kung ano ay parang may naibuga pa tuloy ako dahil sa tinanong sakanya ni Luke.

Putangina ano na naman trip ne‘to?

Malamang manlalandi na naman si gago.

Hayaan nalang.

“H-ha?” noon kolang narinig na tumugon ang babae.

Napakacute niya takte!

Hindi ko na nasundan ang pangyayari at matapos na may binigay si Luke dun sa babae ay umalis narin ito at lumapit sakin. Tulala akong napatitig kay Luke na parang ngayon ko nalang ulit nakitang ngumiti. Iyong hindi pilit, hindi nang-aasar. Totoong totoo.

“Hoy ugok!” tawag ko kay Luke nang magpauna itong maglakad. Pacool pa, nakapamulsa eh.

“May bagong target ka na naman!” singhal ko pero siniringan lang ako ni hayop. Aba siraulo din.

“Baka nakakalimutan mo, may Taliyah ka na!”

“She’s not mine and not my girlfriend.”

“Kwento mo sa pagong! Uror!”

Napailing lang si Luke at mas binilisan ang lakad.

Simula nung araw na yon, parang kada recess tuloy, sa canteen na ng JIS kami kumakain ni Luke.

Panigurado namang may gusto lang silayan ‘tong si ugok.

Kaya naman ngayon ay habang hinihintay namin ni Luke yung order namin, nagpaalam muna akong tatae. Este iihi.

“Tss, sige lang.” walang modong sagot ni Luke.

At tingnan mo nga naman, ngayong pagkatapos ko naman umihi. Hindi nanga ako nagkakamali’t kausap na naman ni Luke yung babae kahapon. Nanatiili nalang muna ulit ako sa pwesto ko hindi naman gaano kalayo sakanila kaya madidinig ko parin kahit papaano pag-uusapan nila.

“Hindi ka man lang ba marunong mag Tagalog?” ayan nanga ang nadinig kong tanong ng babae.

Napailing nalang ako, tsk. Kung alam mo lang miss, napakalutong magmura ng Tagalog niyan ni Luke.

“What brings you here sweetheart?”

Sweetheart?

Sila na?!

Ang bilis naman?!

Ibang klase na talaga trip mo sa panlalandi mo Luke!

“H-hey stop calling me that..”

Bago pa ako mandiri sa landian ng dalawa ay lumapit na ako. Mukhang naramdaman naman ni Luke ang presensya ko kaya siya narin unang nag-end ng usapan nilang dalawa. Umalis pa tuloy ng hindi maipinta yung mukha ng babae. Ano na naman kaya ginawang katarantaduhan nito ni Luke?

“Hindi na ako makakeri sa kalandian mo Luke ah.” diring diring pamungad ko.

Pero habang tumatagal, nakita ko kung paano naging seryoso si Luke sa gulong inumpisahan niya.

Seryoso na pala talaga siya dun sa babae.

At ngayon ko lang nalaman na ang pangalan pala ng babae ay EILLISH KIM.

Sobrang ganda.

Nakakainggit.

Kaya pala siya nagustuhan ni Luke.

Pero yung Eillish na pala yon ay pinsan ni Nicole na kaibigan din ni Joharra.

Yung first love at first girlfriend ko.

How small world.

“How about you Kai?” biglang tanong ni Keilani, nasa bahay kami nila Luke. At kaming tatlo lang ang narito bukod sa maids at bodyguards nila. As usual, wala din ang parents ni gago.

“Anong ako na naman?!”

“Kailan ka ulit magkakagf?” nasa tinig pa ni Keilani ang pang-aasar.

“Ikaw kailan mo titigilang gustuhin si Luke?” walang preno kong tanong din para mabigla si Kei.

“Natrauma nako.” dagdag ko nalang agad bago pa umiyak si Keilani. Kawawa naman ang bunjing.

Pero ang trauma ay biglang umatras nang makita ko siya.

Kaibigan ni Eillish.

Pero honestly, nagkagusto talaga ako kay Eillish.

Flashback

Pinatawag ako ni dad sa office niya. So I didn’t attend on my afternoon class because of him. At nagtaka ako dahil mukhang pareho kami ng gagawin ni Luke. Magkaibang office nga lang ang pupuntahan namin. Siya sa office ng daddy niya at ako naman ay kay dad.

Hindi ko na rin nadala pa ang sasakyan ko kaya nakisabay na ako kay Luke. Pumayag naman ang mokong. Sumakay ako sa Lamborghini niya at saktong alas tres na pala ng hapon.

Pero habang nasa daan kami.

May nadaanan kaming babaeng parang nag-iisa lang talaga siyang naglalakad. Or nag-iisa lang talaga siya.

So I asked Luke to stop his car beside the girl.

Nagulat pa ako nang makita ko si Eillish. Pinsan lang pala ni Nicole ‘to. Pinagtataka kolang kung bakit mag-isa lang siyang naglalakad? Where’s Nics? How can Nics let her cousin to go home alone?

Pero kasasakay pa lang ni Eillish ay nawala lang ang ngisi sa labi ko dahil kay Luke agad tumama ang paningin niya.

Pero kahit ganun pa man, sinubukan ko pa rin magjoke. Mabasag man lang ang namumuong katahimikan sa pagitan naming tatlo at upang hindi naman siya ma-awkward.

“Teka naman miss baka matunaw sa titig mo niyan yung kaibigan ko.” pilit ang ngiting pagbibiro ko kaya parang natuliro naman siya at agarang napalingon sakin. Duon ko napatunayan kung gaano siya kaganda.

Pero napalingon lang ulit ito mayamaya lang kay Luke dahil matunog na ngumisi ang kaibigan ko.

At sinubukan ko ulit magsalita, nagkunwaring hindi ko pa siya kilala.

“By the way, ako si Kaizen. Ikaw anong pangalan mo?”

Gusto ko kasing malaman real name niya. Kung totoo bang Eillish Kim lang ang pangalan niya o malay mo may second name pa.

Isa lang kasi ang alam ko, interesado ako sakanya.

“Her name is Eillish Kim, asshole.” napawi lang muli ang ngiti ko nang si Luke ang sumagot imbis yung tinanong ko. Sarap din basagin bungo ng hayop nna‘to e.

Pero pinilit kong ngumiti at binalik kay Eillish ang tingin pero nakatingin na ulit ito kay Luke.

At ngayon naman, isa lang ang napapansin ko.

May gusto siya sa kaibigan ko.

The way she look at him, there’s a big difference how she look at me.

“Ang ganda naman ng name mo. Bagay na bagay sayo.” kaya sa buong byahe ata. Pekeng ngiti ang gamit ko. Mas lalo akong napahiya sa sarili ko nang hindi man lang niya ako nilingon. Talagang ni isang segundo, hindi niya inaalis kay Luke ang kanyang paningin.

“Pano mo nalaman ang pangalan ko?” sa wakas ay nagsalita na si Eillish pero kay Luke pa rin ang paningin. Mukhang si Luke din ang tinatanong niya. Nanahimik nalang ako at palihim na pinakinggan sila.

“Stalker kita ano?” parang nanghihinala pang tanong niya ulit na nagpatawa kay Luke.

“I will never be the stalker of just an ordinary person. Stop dreaming young lady.” alam kong puno iyon ng kasinungalingan nang sumagot si Luke.

“And try to look at your ID first.” pasunod pang ani mokong. Halatang pinagtatakpan lang yung pagiging stalker nga kay Eillish.

“Your picture and name are on the ID, right?” dagdag pa ni mokong. Muntik pa akong matawa sa reaksyon ni Eillish dahil mukhang narealize nga rin niya na tama si Luke.

“That’s why I know your name.”

“A-ahhh…” hindi narin ako nakatiis at sumali na ulit sa usapan ng dalawa. Mukhang hindi matatapos pagiging thirdweel ko dito hanggang hindi kami nakakarating sa finish line.

“Libre kaba sa Saturday?” kabado kong tanong. Sana pumayag siya.

“Bakit?”

“Yayayain sana kitang magdate-“ para yata akong kinuha sa kabilang buhay nang malakasang ipreno ni Luke ang sasakyan. Gagong “to! Ang lakas ng pagkakaumpog ko sa likod ng upuan!

“Ano kaba naman dude!?” singhal ko kay mokong at pasimpleng chineck ang kalagayan ni Eillish. Napakamot lang ito sa noo at pabuntong hininga nalang na sumandal ulit sa upuan. Saka muli hindi makapaniwalang tiningnan si Luke.

“We’re here.” kalmadong saad ni Luke na akala mo eh walang katarantaduhang ginawa. Tangina, nabasag yata buong bungo ng mukha ko don ah!

“Tsk!” hindi pa rin makapaniwalang asik ko. Pero pinilit ko pa ring ngumiti bago ulit nilingon si Eillish.

“Itetext nalang kita para sa dat-“

*/BBBBBRROOOOOOM!/*

Para pa yatang tinangay ng kotse yung buhok at blazer ko dahil malakasang pinaandar ulit ni Luke ang sasakyan pagkababa ko.

Gago talaga.

Hindi ko na tuloy naaya si Eillish.

Narinig ko na may cooking competition daw ang JIS at since wala kaming klase ay pumunta kami ni Luke ng JIS. Hindi naman ako tinanggihan ni mokong dahil paniguradong si Eillish lang din naman hanap niya.

Kahit ako.

Pero nagpaiwan muna si Luke sa office ng mommy niya kaya nauna akong pumunta sa room nila Nics. Nakatutok ako sa cellphone ko dahil nirereplyan ko yung mga girls na nangungulit sakin.

Kaya sa sobrang tutok ko sa cellphone, hindi na ako nakapagfocus sa daang nilalakaran ko kaya may nakabangga pa tuloy akong tao.

“Sorry”
“Sorry”

Agad akong napaangat ng tingin dahil sa gulat na marinig ang boses ni Eillish. Mas lalo pa akong nagulat dahil sabay lang din pala kaming nag-angat ng tingin. At halatang pareho kaming nagulat.

Pero ngumiti nalang din ako para hindi na siya tumagal sa pagka-shock niya. Alam ko namang gwapo ako.

Tinanong ko lang si Eillish kung saan siya pupunta at kahit hindi duon ang pupuntahan ko dun sa lugar na pupuntahan niya ay inaya ko parin siyang samahan ko siya. Napangiti naman ako ng lihim dahil wala man lang kaalinlangan siyang pumayag.

“Wala sila Nicole sa pagkakaalam ko.” panimula kong pagbukas ng pag-uusapan nang maalala ko kung ano nga pala yung nangyari. Na nagpunta si Nicole ng TG bar. Na sigurado naman akong si Luke ulit ang dahilan.

“Ha?!” pabugkaw niyang tanong kaya halos mapatalon ako. Anak ng! Saan ba pinaglihi ‘to?

“Teka kalma kalang naman, diba nga lasing kasi pinsan mong yun kahapon? Kaya ayun..” paliwanag ko.

“Anong nangyari?”

“Teka hinay hinay kalang naman sa pagtatanong nakakatakot ka eh, parang detective.” sinubukan kong magbiro pero seryoso talaga si Eillish. Nagseryoso nalang rin ako at sinagot ang tanong niya.

“Sumakit buong katawan niya at sa lagay niyang yon ay hindi niya makakayanang pumasok ngayon.” tinanong ko din kasi sila Vien at nakibalita lang din sa nangyari. Nagbabakasakaling baka sa pagkakataong ito kasi ay magkaroon ng pake si Luke kay Nics kaya kung sakaling magtatanong ito sakin tungkol sa nangyari ay may maisasagot ako. Pero wala. Mukhang one sided love lang talaga ang nangyayari kila Nics at Luke ngayon.

“So where is she now?”

“Na kila Maliah.”

Tumango naman ito at nag-umpisa ulit maglakad kaya ganun narin ginawa ko.

“Si Joharra?” biglaang tanong ulit niya para ako naman ang mapatigil.

Why is she asking me about Joharra’s condition? Isn’t she aware that’s she’s asking about my EX’s condition?

Mukhang narealize naman agad ni Eillish ang tinanong niya kaya napapahiya tuloy siyang nag-iwas ng tingin.

“Uhhh…”

“It’s okay.” Sagot ko nalang para hindi siya mafeel bad sa nasabi niya. Ako naman talaga ang may diperensya, masyado akong naaffected sa tanong niya.

Sasagutin ko palang sana yung tanong niya kung ano yung nangyari kay Joharra nang mag-iba agad ito ng sinabi. “Si Luke nalang.”

Napalingon siya sakin kaya naabutan niya akong nakangisi sakanya. Nanlalaki tuloy ang mata niya at parang namula pa ang pisngi niya.

Maasar ko nga ‘to.

“Bat mo hinahanap?” maloko kong tanong. Mas lalo naman itong namula kaya hindi ko na natiis yung tawang kanina kopa pinipigilan simula nung itanong niya kung nasaan si Luke.

“Dibale…” mukhang tuluyan nanga siyang kinain ng pagkapahiya dahil mabilis itong nangunang naglakad.

Agad akong sumunod at pasimple siyang inakbayan. Bahala na kung ano ang iisipin samin ng mga tao lalo na si Luke.

Ayoko lang sayangin ang pagkakataon na ito. Baka kasi hindi na maulit pa. Atleast natry ko diba? Ang alam kolang kasi, sa oras na ”to. Masaya ako. Masaya akong kasama ko siya ngayon.

“Don’t worry nagpapagwapo lang yon. Mayamaya ay nandito narin yun.” pagdadahilan ko at saka tinap ang balikat niya at nauna naring umalis muna para umihi. May nakita kasi akong parang kinukuhanan kami ng litrato. Babangasan ko pa muna yung ungas na yun.

Pero nakalipas ang ilang oras pagkabalik ko ay wala na akong nadatnang Eillish. Yung sa pwesto na pinag-iwanan ko sa kanya kanina, wala na yung bulto niya. Nilibot ko na ang buong JIHS pero wala si Eillish.

Nagsimula akong kabahan

Alam ko kasing oras na mapahamak si Eillish, sa akin ang unang bintang dahil ako ang huling nakasama niya. Hindi ko narin namalayan ang pagsisimula ng pagkabog ng dibdib ko sa kaba.

Nawawala si Eillish.

Ni hindi ko na mabilang kung pang ilang beses na ‘to at gusto kong sapakin ang sarili ko dahil masyado akong naging pabaya.

Sinubukan kong tawagan si Nics and luckily, she immediately answered my call. I tried to calm down myself first before I spoke.

“Nics.” pilit kalmado kong tawag sa pangalan niya, after ng mga nangyari. Hindi man ganun katindi gaya ng dati pero may dating parin para sakin ang pangalan ni Nics. Yung pangalan niyang gustong gusto kong marinig noon, medyo ganon parin ako ngayon.

“Kaizen! Buti napatawag ka narin! Where the heck are you ba?! We’ve been looking for you for how many hours! We’re so worried now! Tell me where the heck are you?!” nailayo ko pa yung cellphone ko dahil sa panririndi sa boses ni Nics. Sunod sunod pa siyang nagsalita bilang pamungad.

“Where are you? Tell me pupuntahan kita! Where’s my cousin? Where’s Eillish? I heard you were the last person that she’s with? Where is she? Don’t tell me she’s missing again-“

“Okay calm down Nics, calm down!” awat ko sa sinasabi niya dahil rinding rindi na talaga ako. Isa isa naman sa pagtatanong Nics.

“Okay so where is she?” parang pinipigilan niya nga talagang masigawan ako.

“I… don’t know. Sorry Nics-“

“What the hell Kaizen Compton!” tuluyan ko nang nailayo yung cellphone nang sigawan niya ulit ako. And for the first time again, ngayon niya lang ako ulit ako tinawag sa buong pangalan ko. Saklap nga lang dahil galit siya at ramdam ko yung panggigigil niya sakin dahil sa ginawa ko.

“I’m sorry-“

“Okay tell me where you at right now! Pupuntahan kita!”

Dahil sa magkakasunod niyang pagsisigaw sakin ay wala akong nagawa kundi ipaalam sakanya ang lugar kung nasaan ako. Nandito lang naman ako sa coffee shop malapit sa JIHS. Kahit hindi na ako magdinner mamaya basta magkakape lang ako saglit.

“Where’s Eillish?!” unang bungad ulit na tanong ni Nics sakin pagkarating niya dito sa coffee shop. Kahit na kakaunti lang ang mga tao dito sa loob ay napatingin parin sa gawi namin dahil sa lakas nga naman ng boses nitong kasama ko.

“Kumalma ka nga, oh ayan kape..” hindi ko intensyong biruin talaga siya pero nakatanggap lang ako ng malakas na hampas dahil sa kalagitnaan daw ng nangyayari ay nagagawa ko pa ring kumalma at magbiro.

Kung alam mo lang Nics…

“Hanapin natin si couz, tuluyan na akong malalagot sa mommy nun kapag nalaman nilang nawawala na naman si Eillish!” nagsisimula na naman siyang mambulyaw.

“Oo, pagkatapos nating magkape sasamahan kita.” asik ko habang nakatitig sa kanya. Sinamaan niya lang ako ng tingin.

“Look at what you have done! Because of your fvcking stupidity, Eillish is missing again-“

“Sinabi ng tama na Nics, hindi natin ginusto ang nangyari. Walang may gusto nito lalo na ako! Wag moko sigawan! Alam ko ang kasalanan ko!” hindi na ako nakapagtiis. Masyado niya na akong binabato ng masasakit na salita. Pero after all I know I deserve it. Nagpabaya nga naman ako. Ako ang may kasalanan kung bakit nawawala ang pinsan niya.

“Sa ngayon maghiwalay muna tayo.” ani niya kaya gulat akong napalingon sa kanya.

Maghiwalay? Ni hindi nga naging tayo.

“Ayusin mo utak mo Kai, what I mean is hahanapin ko si Eillish at ganun ka naman kay Luke. Tita Adel called me earlier, she’s asking me if Luke and I are together. So it means, even Luke is missing.” Mahabang saad niya. Napatango nalang ako at saka ulit humigop ng bitbit kong kape.

“Bilisan mo ha, racing car yang gamit mo. Gamitin mo yung pagiging mabilis ang takbo niyan ngayon.”

“Nahanap mo na?” tanong ko kay Nics nang sagutin niya ang tawag ko. Wala si Luke sa mga lugar na maaari niyang puntahan. Yung mga yun lang din ang alam kong maaari niyang mapuntahan.

“Wala si Eillish. Nasaan ka?”

“Brisbane River, ikaw?”

“Alright, wait me there, pupuntahan kita.” hindi niya na sinagot ang tanong ko at binaba niya nalang agad yung tawag. Habang naghihintay ay pinasadahan ko muna ng tingin ang kabuuan ng Brisbane River.

Walang nagbago.

Eto pa rin yung lugar kung saan palagi kaming pumupunta ni Luke noon pag may problema kami. I even remember masyado kaming naging malikot habang nakasakay sa bangka kaya pareho kaming nahulog. May muntikan pang malunod samin, at si Luke yon but luckily he survived. At pagkatapos ng nangyari ay tumawa lang kami non.

“What if we go together and find them?” naputol ang inaalala kong nangyari noon nang marinig ko ang boses ni Nics sa tabi ko. Nandito na pala siya, hindi ko man lang naramdaman yung pagdating niya.

“Then let’s go.” aya ko agad at pinagbuksan siya ng pintuan.

“Where should we go first?”

“Kahit saan, basta ang target na talaga ngayon, libutin ang buong Brisbane kung maaari.”

“Ngayon pa talaga nag-traffic, fuck it!” reklamo ko dahil naipit kami sa kalagitnaan ng traffic. Kung kailan may importante kaming pupuntahan.

“Nics saan tayo unang pupunta? Ibahin muna natin, traffic pala dito.” tanong ko nang hindi siya nililingon, chinecheck kung  pa rin kasi kung ano ang dahilan at ang tagal ng usad ng traffic.

“Nics?” tawag ko pero walang sumasagot.

“Nicole Kim.” tawag ko na sa buong pangalan niya at sa sobrang pagtataka ay nilingon ko nalang siya.

May tinitingnan siya kung saan kaya pinasundan ko ng tingin yung tinitingnan niya.

At nakita na namin ang dalawang taong kanina pa namin hinahanap.

Yung kanina pa kami tarantang taranta kung saan na naman ba sila napadpad at ngayon, sa kabila ng pagkataranta namin. Andun lang sila sa tapat ng city hall clock tower at nakangiting nakatingala sa hall clock.

Kahit dito sa malayo, parang kitang kita namin ang kislap sa kanilang mga mata at lapad ng mga ngiti nila habang kasama ang isa’t isa.

Muli akong napalingon kay Nics. I saw how she formed a bitter smile to her lips.

“Nandito lang naman pala ang dalawa, we should go home now. Baka hinahanap ka narin ni Minchu-“

“No don’t. We stay here.”

“Ano na naman Nics? Wag mo sabihing pati pinsan mo kakalabanin mo para lang kay Luke?”

“Of course I won’t do that asshole.” irap niya.

“Then let’s go home now-“

“/”Yes I won’t do that but I just want to observe them.”

“Don’t make yourself a stalker, Nics.”

“If you don’t want to, mauna ka na, mananatili ako rito-“

“Alright alright. You won. Sasamahan kita, baka ikaw naman ang mawala.”

“Mukhang paalis na ulit ang dalawa, hurry up and let’s follow them.”

Hanggang sa sumapit ang gabi, tanging magmukhang stalker ang ginawa namin ni Nics. Pinanood namin lahat ng ginawa ng dalawa.

“Are you satisfied now?” malamig kong tanong nang maihatid ko siya sa bahay niya. Alas syete na at kanina pa ako inaantok pero nilalabanan ko ang lahat dahil kay Nics.

“I never felt satisfied while watching how happy they are.”

“I already told you to go home but you refused.” Parang ako naman ngayon ang handa ng sermonan siya.

“Luke is so happy, isn’t he?” tanong niya. Mukhang matindihang tanong tungkol kay Luke na naman ang aabutin ko dito.

“Go inside and give yourself a rest now,”

“Why Luke can’t be like that when he’s with me? Am I not that better to be with?”

“Nics please, go inside and give yourself a rest.”

“Is this my karma now because I rejected you before?” duon lang ako natahimik dahil sa pangatlong tanong niya. Why does she have to asked me this? Why does she have to bring that topic about what happened to our past?

“Nics please.”

“Or it’s because-“

“NICOLE KIM.” madiin kong banggit sa pangalan niya.

“Let’s talk about this later, but not now. We’re both tired because of what we did. Give yourself a rest and I would do the same.”

“I love him, Kaizen. I love him with all my heart. I love him that I’m willing to give all of what I have for him. That I’m willing to-“

“NICOLE KIM!” sobrang nakakarindi.

“Can’t you just let go of him and let him be happy with your cousin? Can’t you just let them together? Stop dreaming and wake up!”

“We had a thing-“

“Yes you have that THING before, but that was just BEFORE. He’s into someone now! Don’t make yourself keep on living with the past!”

“So it’s also okay with you that my cousin is happy with your bestfriend?” she suddenly mocked me.

“How come-“

“I knew it Kaizen, I also know few things about you. You like my cousin.”

“Bahala ka nga jan. Isipin mo kung ano ang gusto mong isipin.”

“Kung sila man talaga sa huli, oh edi tayo nalang din kaya?” biglang tanong niya kaya napalingon ulit ako sa kanya. Is she serious?

“Hahahaha naniwala ka naman, asa ka namang magugustuhan kita. Eh hindi ka naman si Luke—”

“Magpahinga ka na, aalis na ako baka gusto mo pang sumama sakin sa bahay?”

Bumaba narin siya dahil dun pagkatapos. Napailing lang ako saglit at umalis narin pauwi sa bahay.

At napakadami na ulit nangyari pagkatapos non.

I finally realized na wala na akong pag-asa kay Eillish lalo pa’t nagkakamabutihan na talaga sila ni Luke. So I decided to finally let go of her and just let her be happy with my bestfriend.

At nagpaubaya lang talaga ako because of Luke.

And Eillish seems so happy everytime she’s with Luke.

“Beeeessstfffriiiieeennd Eillish!!!” napatayo kaming lahat sa gulat nang may marinig kaming sumigaw sa pangalan ni Eillish at hindi nga ako nagkakamali nang may babaeng sasalubungin yata ng yakap si Eillish.

“Sino yan Eillish?” nagtataka kong tanong at pasimple munang pinasadahan ng tingin yung babae. Napangisi naman ako saglit dahil mukhang ngayon nalang ulit ako mapapasabak sa love challenges.

Kinuha ko naman muna yung wine glass ko sa lamesa bago bumulalas. “New chikababes, nice.” Bulong ko at marahang sumimsim ng alak.

“Ah guys…” lumapit si Eillish dun sa babae at iniharap ng mabuti samin.

“Siya yung minsan ko narin atang natukoy sainyo, yung bestfriend ko na nasa US, si Chanel.”

“Chanel?” alam kong nawiwirduhan lang din gaya ko si Nicole nang itanong yon. Nakita ko pang nilingon niya saglit sila Aiyana pero wala din silang ideya.

“Yes, Isabella Chanel Morales.” pagsagot ni Eillish sa nagtatakang tanong ng pinsan.

“So glad to meet all of you, po.” mahinhin na usal ng kaibigan daw ni Eillish. Wala mang ideya sa nangyayari ay lumapit narin isa isa ang tropa ni Nicole at isa isa nakipagyakap kay Chanel.

“So glad to meet you too, pretty girl.” ani rin ni Nicole.

At lahat sila ay nakipagbati na ng maayos kay Chanel maliban samin ni Luke. At sa tanang buhay ko, parang ngayon lang ako nawalan ng sasabihin dahil lang sa presensya ng isang babaeng hindi ko nga kilala.

“No wonder why you’re so beautiful, so as your bestfriend.” napalingon pa ako sa sinabi ni Luke pero agad ding inalis dahil alam kong sakin na sila nakatingin ngayon.

“Sa tingin ko hindi siya interesadong makilala ako.” tila napahiya pa tuloy iyong Chanel dahil hindi ko nga man lang siya binati ng maayos.

Pero nahihiya ako tangina!

At hindi ko din alam kung bakit!

“Mahiyain kasi ang fafa Kaizen lalo na sa girls.” ako pa yata ang masusuka sa ginawang dahilan ni Joongin.

“Lakas mong mang-asar sakin kay Eillish ikaw naman pala itong weak!” bulalas sakin ni Luke pagkaalis ni Chanel dahil nakipagsayawan na kay Lennox.

“Nahiya ako bro! Taena hindi ko alam kung bakit!”

“Inlove ka kay Chanel ang ibig sabihin daw non.” pang-aasar narin ni Aiyana.

Tae.

Ang bilis ko namang mainlove.

After 1 month.

Eto na yung mga panahong sobrang daming nangyari, sobrang daming nagbago.

At nagsimula ang lahat nung matapos ang birthday ni Lennox.

Nabaril si Kimora.

Nagkaproblema sa pamilya ni Vien at Aiyana.

Biglang nawala si Joharra na agad nasundan ng pagkawala ni Eillish.

At duon nagsimula ang pagkawala ng presensya ni Luke sa barkada.

At ako ‘tong tatahakin ulit ang daang natahak ko na noon papunta kay Nicole pero pinutol ni Mico ang daan.

Mauulit ang nagawa ko noon kay Chanel.

Niligawan ko si Chanel.

And this girl is really different.

That aside from her parents is really so strict as hell, she’s really freaking hard to get.

At nangyayari nanga.

“Why are you always late on passing projects and assignments, Compton?! Halos maabot mo na ulit ang first rank pero anong nangyari sayo?!” anang adviser namin.

“Look at your grades! Mas lalong bumaba! Hindi ko alam kung anong nangyayari sayo pero kung personal man yan, hindi na kita tatanungin. But how about your studies? Papabayaan mo ng ganun ganun nalang?” patuloy pa rin sa panenermon sakin nito.

“Go repeat to answer the exam I gave you and once na mababa na talaga ang makukuha mo, I have no choice but to remove your name in dean’s list!”

“Ano itong nabalitaan ko na naman Kaizen Compton?!!!” sobrang galit na tanong sakin ni dad pagkauwi ko. Madalas na ang pag-uwi nila dito. At next week ulit ang alis nila hindi ako sigurado.

“Bumagsak ka daw sa exam niyo?! Paano mo nagawang piliin maging pilot kung sa ganitong exam pa nga lang! Bagsak kana! Hindi ba’t sinabihan na kita non na business management ang kunin mo!” tila sasabog na talaga si dad dahil sobrang lakas at gigil na yung boses niya.

“No, I can’t let this happen anymore. Hangga’t alam mo kasing wala akong ginagawa, kahit anong mangyari, wala kang pakialam! Kaya ngayon, grounded ka na. I will not allow you to hang out with your friends, I will not allow you to touch any of your credit cards anymore, lahat ng bank accounts mo. Hindi kita papayagang makapagcheck in sa kahit anumang hotels. And I’ll take all of your gadgets! If you want any of those to be in your hands again, then fix yourself! Pass the exam, at pagkatapos hindi na talaga kita hahayaang gawin ang gusto mo. Sa ayaw at sa gusto mo, mag bu-business ka!” mahabang usal ni dad dahilan para dun ako tuluyang manghina. Yes I know it's my fault na napabayaan ko ang pag-aaral ko because of Chanel. But still, I’m not blaming anyone because of what happened but myself. Nagpabaya ako.

Ilang beses akong kumuha ng exam makapasa lang.

Na halos mag isang taon kong hindi nahawakan yung mga credit cards ko.

Na kung kailan nasa gitna na ako.

Saka naman sasagabal yung ex niya.

May ex na si Chanel.

Nagsinungaling siya samin na never pa siyang nainlove. Na kahit kailan hindi pumasok sa isip niya ang magkalovelife. Na oo oklang naman sakin, but why does she have to be like Nicole? That she also let me court her if in the end? Wala rin akong pag-asa?

“I’m really sorry Kaizen… I didn’t mean to lie to you but-“

“Save it, I don’t need your explanation. I don’t think your explanation will make me feel atleast better.” malamig kong tugon nang magkausap kami sa coffee shop malapit lang din dito sa JIS.

“Kaizen please-“

“No Chanel. I have to go.”

Na noon ko lang narealize ang gustong buhay ni dad para sakin.

So at this moment, I followed his command.

I continued my study in business management.

Na eto rin ang unang pagkakataon na naging proud sakin si mom and dad.

Now I’ve already found out the answer why I can’t have those things I’ve been dreaming. Why I can’t have Nicole on my side, why I can’t make Eillish as my girlfriend. Why I can’t reach Chanel. Why I have to face those kind of difficult CHALLENGES

It's becausee sometimes life doesn’t give you what you want, not because you don’t deserve it, BUT BECAUSE YOU DESERVE SUCH MORE.

Aside from being a pilot, I became a successful business man.

And I’m now the currently young CEO of Compton Agency. And all of companies that owned by my father.

A/N: pasensya na po kung mahaba masyado, parang lahat ng nangyari sa buong buhay ni Kaizen po kasi yung nilagay ko. Actually short cut pa nga ito kasi sinimulan ko agad nung nasa highschool na siya. Sabi ko para hindi sobrang haba pag nung parang mula sa kapanganakan niya yung ilalagay ko. Tsaka yung mga highlights lang kumbaga yung nilagay ko.

The Obscure Secrets (Kim sisters, series #1)Where stories live. Discover now