Chapter 8

146 128 5
                                    

Sinabi niya lang na kung pwede daw ba kaming magusap saglit at pumayag nalang ako. Naglakad lang kami ng kaunti at ngayon ay nasa tapat na kami ng isang magarang kainan. Sa labas palang ay halata nang puro mayayaman o mga may kaya lang talaga ang nandon at kayang pumunta don. Tinitigan lang namin saglit ni Joharra ang labas.

La Vue Restaurant, ang pangalan ng kainan na nasa harapan namin ngayon.

Pumasok kami ni Joharra at ang tahimik lang na mga taong kumakain ang bumungad samin. Nakayuko kami habang naglalakad na tila parang nahihiyang makita kami ng mga tao. Kahit na matagal na akong nakatira dito sa Brisbane ay hindi ko parin inaasahang may gantong klase ng restaurant na pala ngayon dito. Dati kasi ang magkadikit lang noon ay ang The Gresham Bar at ang paborito ko noong theme park. At yun ay ang Roma Street Parkland.

Pagkatapos um-order, we immediately looked for a vacant seat where we would sit. At duon yon sa bandang gitna kung saan makakatabi namin ang grupo ng mga senior high students ng hindi ko mawari kung saang paaralan yon. Tsk, gabing gabi anak ka ng pating at landian parin? Mga kabataan nga naman oh…

“Cass,” tawag atensyon sakin ni Joharra kaya napalingon ako. Mukhang kailangan ko ng madaming tubig dahil iba ang pagkakaseryoso ng mukha nito. Now, I’m scared.

“Joharra..”

“You’re my friend, so I hope you would not disappoint me in the hope that you will not betray me, us.”

Natahimik ako. Hindi ko kasi alam kung anong sasabihin. O kung kailangan ko nga bang magsalita. Napatingin ulit ako sa kanya at talagang pinanindigan niya ang pagiging seryoso. Mas lalong natikom ang aking bibig.

Ramdam kong kumakalam na ang itsura ko ngunit hindi ko yata magawang abutin ang kutsara’t tinidor dahil nakakailang naman itong kasama ko. Before Nicole and I became super duper best friends, Joharra became my FIRST bestfriend. I met her since we we’re in elementary and I remember we were in grade four that time. She was the first one who approached me when I had problems about my family and my former bestfriend.

Pero ngayon, mukhang talagang unti unti nanga yatang bumabaliktad ang mundo. Dahil kung sino pa yung alam kong kaibigan ko naman ay sakanya naman ako ngayon naiilang at hindi man lang magawang kausapin ng casual just like we used to be before.

“Cass,” muling tawag niya sa atensyon ko ng hanggang ngayon ay hindi parin ako nasagot. Seryoso lang itong nakatingin sakin at hindi ko alam kung malabo na ba ang paningin ko o ano pero may konti akong nababasang pagaasam sa mga mata niya, pagasang hindi ko nga siya tatraydurin kagaya ng iniisip niya.

I really want to be with her, gusto ko siyang samahan sa lahat ng bagay na gusto niyang gawin, sa lugar na gusto niyang puntahan, sa grupo na gusto niyang duon siya kabilang at sa desisyon na kanyang napagisipan ngunit parang hindi ko yata magawa. Andami kong hindi magawang mga bagay ngayon, especially this problem is between my two close friends.

Kung kay Aiyana ako kakampi ay maipapagpatuloy ko ang role bilang cctv ngunit si Joharra ang first friend ko. At kahit ilang beses ko pang itanggi, aaminin kong mas gusto ko parin syempre kumampi sa grupo nila Joharra. Which is kailangan kong ipagpatuloy ang pagpapanggap na kagaya nalang ng sinimulan ko kanina dahil hindi naman ako marunong lumandi at kumerengkeng.

“Joharra…” hindi ako makakapa ng maisasagot dahil naiilang talaga ako at kumakalam na talaga ang sikmura ko. Alam kong naririnig niya narin yon.

“Fine, let’s eat first.” Anito at bahagyang tiningnan ang tiyan kong tuloy tuloy parin kasi sa pagkalam. Ngumiti ako ng palihim nang nakayuko na ito upang magsimulang kumain.

Nagsimula na kaming kumain at kahit tahimik lang ay okay parin sakin, ang mahalaga ay hindi na kumakalam ang gutom na gutom ko na talagang sikmura. Grabe kakakain lang namin ng maraming pagkain sa bar kanina tas ilang oras lang ang lumipas at gutom na naman ako. Hays,

“Bukas na pala yung cooking competition,” bigla ay panimulang usal ulit nito. Nakikinig lang ako sa lahat ng kanyang sasabihin at nakailang order narin ako ng pagkain ngunit ramdam kong hindi pa yata ako busog.

“Hindi masyadong nakapagprepare sina Harvey.”

Napaangat ako ng tingin. Paano niya naman nasabi?

“Hays dibale nanga,”

Nagpatuloy lang kami sa pag-kain at saktong katatapos lang namin kumain ay tumunog ang cellphone ko. Yan nanga, tumatawag na si Aiyana. Mukhang kating kati ng malaman kung ano yung nangyari samin kanina sa bar.

Sa una ay in-ignore ko muna ang call ni Aiyana dahil nakakahiya naman kay Joharra. Isa pa, si Joharra ang kaharap ko ngayon, si Joharra ang kasama ko ngayon.

Ngunit sa pangalawang pagkakataon ay tumawag na naman si Aiyana. Dun na ako tuluyang nilingon ni Joharra, napapahiya ko tuloy na ibinaba at itinago sa likod ang nagri-ring parin na cellphone. Sinilip iyon ni Joharra at sapilitang ngumiti. Napakamot tuloy ako ng batok.

Nagiwas ito ng tingin at saka tumingin sa malayo. “Sagutin mo na, uuwi narin ako.” Anito. Wala akong nagawa kundi sagutin ang pangatlong tawag ni Aiyana.

Hinintay ko munang makaalis at makasakay ng taxi si Joharra bago ko sinagot ang tawag ni Aiyana. “Hell-“

“Putikk! Bat ang tagal mong sumagot!!!” nailayo kopa nang bahagya ang aking cellphone sa aking tainga dahil sa mala-SPEAKER ang lakas ng boses nito.

Hanepp

“Pasensya na, ano ba yon at napatawag ka?” kalmado kong tanong. Naging kalmado narin ito.

“Ano na?” paunang tanong nito. Bumuntong hininga ako saka nagsimula ng maglakad palapit sa antayan ng taxi or bus. Sa bawat para ko ay walang nahintong sasakyan kaya napaupo na lamang muna ako sa bench.

“Bukas ko nalang sasabihin” napapahikab pa ako ng ibulalas yon. Malamang dahil sa sobrang kaantokan.

“Alright, then. I know you’re tired.” Hindi ko man ito nakikita ngunit alam kong nakangiti ito. Napangiti nalang din ako sa katotohanang sobrang makasarili at bastos kong tao para magkaroon naman ng mga kaibigan na kagaya niyang mabait at maalalahanin naman na si Joharra. Bigla ding sumagi sa isip ko na anim na pala kaming magkaibigan ni Joharra and since kakakilala lang namin ni Aiyana nung kami ay nasa grade 9 palang, naka-one year narin pala kami. Bibihira daw yung ganung katatagal na pagsasama ng magkaibigan.

Saktong pagkaend ni Aiyana ng call ay ibinaba ko narin ang aking cellphone nang may humintong magarang kulay puting sasakyan. Based on it appearance, I know it’s an expensive vehicle in the world. The Lamborghini.

Well yun ang sa pagkakaalam ko. Nalalaman ko lang din naman o halos araw araw ko na nga yatang naririnig sa iba lalo na sa mga mamahalin o pang sososyal na mga tao.

Ibinaba nito ang bintana ng kanyang sasakyan at kung nalalaglag lang ang panga ay baka kanina pa yon nangyari sakin. Paanong nakakaya niya pang magmaneho at bakit siya nandito?

Sumenyas naman ito na parang pinasasakay ako. Saglit ko pa muna itong pinagmasdan pati narin ang kanyang sasakyan dahil baka nananaginip lang ako. Ngunit lumipas na yata ang bente minutos ay wala pa ring nagbago. So ibig sabihin siya nga?!

Wala tuloy akong nagawa kundi ang napapahiyang maglakad papalapit sa gawi ng sasakyan niya. Lumabas naman ito mula sa driver seat para pagbuksan ako ng pintuan sa harap. Pagkatapos non ay umikot ulit ito upang bumalik sa driver seat.

Naiilang ako

“I don’t know where do you live. Tell me your location so I can take you to your house.” biglang usal ni Trevor.

Kaibigan ka nga talaga ni Luke. Galing din mag-english eh. Mukhang may lahing pustisong hilaw ata ang mga ‘to.

“Cassandra.” Tawag niya na ngayon sa pangalan ko nang hindi ako makasagot.

“A-ah? Hahahaha, ibaba mo nalang ako sa Countess street.”

“What?”

“Sabi ko sa Countess street.”

“I can’t hear you.”

“Just drive.” Naisagot ko nalang. Mababadtrip pa ako kapag ganito lang pala ang mangyayare.

Sinunod niya naman ang sinabi ko. Hanep, hindi ko alam kung ano naba talagang samu’t saring powers meron itong si Trevor at parang kailan lang na parang pilay kung maglakad dahil sa kalasingan pero ngayon nakakaya niya na agad magmaneho?

Mabilis lang ngunit maingat naman ang pagpapatakbo nito kaya ngayon ay nasa Roma street na agad kami. So it means, ilang minuto nalang at kung ganto naman mabilis magpatakbo ang driver ay paniguradong mabilis lang kaming makakarating sa bahay. Umilaw kasi ang red light para patawirin ang mga tao. Naghintay lang kami saglit at pagkagreen palang ng traffic light ay walang anumang pinaandar agad ni Trevor ang sasakyan. Naramdaman ko pang medyo humiwalay pa yata ang kaluluwa ko dahil sa bilis at biglaan non.

Lumiko ito sa kaliwa gaya ng itinuro ko at wala pang sampung minuto nang makarating na agad kami sa tapat ng gate ng bahay namin. Nakita kong kapapatay lang din ng ilaw ng sasakyan ni ate pagkatapos niya itong igarahe. Malamang na kagaya ko ay may pinuntahan din ito at hindi din alam ni papa kaya ganun ko nalang maramdaman kung paano siya ingat na ingat kumilos.

She was about to open the door when, “Ate.” Tawag ko sakanya at gulat naman itong napabitaw sa saraduhan ng pinto namin. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ako. Ngunit ilang saglit lang ay napataas ang kilay at kaagad ulit nagbago na parang kinikilig. Putsang ‘to. Di mawari kung ano talaga reaksyon eh.

Nilingon ko yung gawi ng likod ko kung saan siya nakatingin at kaya naman pala umaandar na naman ang ganung ugali ni ate ay dahil mula sa kotse na aking sinakyan ay lumabas si Trevor. Hinubad niya ang kanyang shades at binuksan ang dalawang butones ng kanyang polo shirt sa taas upang dun isampay ang hinubad nitong shades. Napalingon ulit ako kay ate at mas lalo akong nandiri nang hindi na naalis ang titig nito kay Trevor.

Humarang ako kay ate at sapilitang ngumiti at agad naghanap ng sasabihin. “Anong ginagawa mo? Aliis diyan!” asik nito. Inilingan ko lang ito

“Tara na sa loob ate.” Pinilit kong hilain ang braso niya papasok sa loob ngunit ang bruha ay hinintay pa talgang makalapit ng tuluyan si Trevor sa pwesto namin. Ngumiti ito at nagbow kay ate. Nagoffer din ito ng kanyang kamay na parang senyales ng pakikipagshake hands.

At ang malandi kong ate. Nagpapacute pa habang inaabot ang kamay ni Trevor. Pinanggigilan niyang pisilin iyon saka napabuga nalang ako ng hangin nang pagsaklupin niya iyon. Nilingon niya ako saka nag make face.

Bale nasa gitna namin ngayon si Trevor. At heto ako nasa kanan niya, nakakailang beses ng pinipitik at kinukurot ang nakapamulsa nitong isang kamay ngunit ang kumag ay nangaasar yata. Nakita kong mas lalo niya lang hinigpitan ang pagkakasiklop ng kanilang kamay ni ate kaya ang bruha kong kapatid, kulang nalang ay maihi na sa kilig.

Tanging sala at kusina nalang ang naabutan naming bukas ang ilaw. Pero ang dalawa, magkaholding hands parin hanggang sa makaupo kami sa lamesa ng kusina. Ako na ang tumayo upang kumuha ng kahit konting makakain man lang or sabihin nalang nating meryenda.

Naglakad ako papalapit sa ref upang kumuha ng pineapple juice, pringles, brownies, pretzels, cheezels at ang paborito ko sa lahat ay ang Tim Tam.

Habang nakain ay nakikinig lang kaming dalawa ni Trevor sa kung ano anong random stories ni ate. Ni hindi ko nanga mawari kung ano ba talaga topic pinaguusapan o kung tungkol saan yung mga sinasabi niya dahil sa kada isang sentence ng isang topic ay magpapanibago ulit ito.

“Hahaha alam mo ba Trev, yang si Cass, kung hindi molang alam iyakin yan nung bata. Hahahaha” dagdag kwento pa ni ate. Napataas nalang ang kilay ko habang nadukot ng pringles dahil pati ako ay dinadamay pa nung bruha. Napatingin naman ako kay Trevor nang tumawa ito ng bahagya na parang ngayon kolang yata napansin. Sa dami na ng naikwento sa kanya ni ate ay para bang ngayun lang siya nagkaroon ng interes makinig. Hindi ko alam.

Tsk, kapal ng face. Trev huh?

“Yun bang tipong iiwanan lang namin yang magisa sa kwarto walang pang ten seconds iiyak na kaagad yan ng napakalakas. HAHAHA!” dagdag pa ni ate saka napapahawak na tuloy ito sa kanyang tiyan habang nagkukwento.

Si Trevor din ay panay na ang tawa. Tanginang yan.

“Tsaka si Cass, hahaha grabe ang epic talaga nung nakuhanan kong litrato niyan. Pag may time ako sesend ko say-“

“Oh siya siya tama na ang daldalan. Trevor…” putol ko saka binigyan ko ng nanlilisik na tingin si Trevor. Ngunit napahiya lang ako ng gayahin niya lang ako saka pagtawanan.

“Ate, diba dapat ngayon ay nasa kwarto kana ngayon para magayos ng sarili mo?” pilit ang ngiting baling ko dito.

“Mamaya na Cass, as long as my future boyfriend is here. Ayoko muna.” Pagmamatigas nito saka nakangiting binalingan ulit ng tingin si Trevor. Tumayo pa ito para lapitan si Trevor at hawakan ang mukha niya.

And yeah, aaminin ko, I felt a ittle jealous. I don’t know why.

“Ate.” Sapilitan ko na namang tinanggal ang mapagsamatalang kamay ni ate sa mukha ni Trevor.

“Ate alas onse na, tas magaalas dose na naman” pagdadahilan ko nalang. Nasilip kolang din naman ang oras sa relo ni Trevor na nakasuot sa kanyang palapulsuhan. At tingnan mo nga naman kung gaano nanga talaga kayaman ang kumag na‘to, na pati mismo relo ay isang pinakamamamahaling brand din ang suot na relo niyang yon.

Mukhang alam kona kaagad kung ano ang isa rin sa mga dahilan kung bakit magkaibigan din sila nung Luke nayon, at dahil siguro sa masyado silang angat sa mga taste of fashions. At ang mga brand ng mga bagay na kanilang ginagamit ay kailangang mamahalin pa. Kagaya nalang ng kay Luke, pati ballpen lang ay luxury pa ang tatak. Kaiba din.

“Fine!” sa wakas ay kumalas narin si ate at humiwalay sa masyadong pagkakalapit niya kay Trevor. Hinila kona agad si Trevor palabas ng bahay bago kopa masapak ang isa sa kanila.

“Pati din sa ate ko pasimple kadin eh!” paunang sigaw ko agad kay Trevor pagkaharap sa kanya. Nagulat pa ito.

“Anong ako?! Siya itong unang humawak sakin!”

“Nyenyenye, pero pinatulan mo namang lalaki ka!”

“Hindi nga ako! Tsaka sinabayan kolang para naman hindi siya makahalata!”

“Wow! Kaya pala ngiti mo kanina habang nakatitig sa kanya na nagkukwento abot langit?!”

“Cass normal na ngiti kolang yun-“

“Anong normal?! Ni hindi konga nakita yung matamis na ngiti mong yon kapag ako naman kausap mo-“

“Fine! So bakit ba nagagalit ka?!” sigaw na putol nito at napatigil ako. Oo nga noh? Bat parang ako pa itong galit na galit?!

“Hindi ako galit.”

“Galit ka.”

“Hindi nga.”

“Galit ka sabi.”

“Hindi nga sabi!”

“Bat mo ako sinisigawan?” tila nanghahamon pang tanong nito dahil kakaiba na yung nakapormang ngiti sa kanyang labi.

“Kase ate ko yon!”

“Nagseselos kanga.” Bulong nito ngunit narinig ko kaya mabilis ko itong binatukan. Kapal din ng mukha eh noh

“U-umuwi kana nga!” naiilang na tuloy ako. Kasi naman!

Tumango naman ito ngunit bago pa niya tuluyang lapitan ang kanyang magarang sasakyan ay lumapit siya sakin at,
.
.
.
.
.
NIYAKAP NIYA AKO!!

Sa sobrang gulat at hindi ko inaasahan yon ay ganun ko nalang naramdaman agad ang bumilis na pagtibok ng aking puso. Iisa lang daw ang ibig sabihin niyon ngunit hindi ko naman yata matanggap.

Inilapit naman niya ang labi sa tenga ko at saka marahang bumulong. “Gudnight, wifey.” Malambing nitong usal at nagdulot iyon sakin ng matinding kiliti. At parang buong katawan ko ay nadamay.

Sinuot niya na ulit ang nakasampay nitong shades saka kumaway sakin. Duon narin niya tuluyang binuksan ang pintuan ng kanyang kotse saka ibinaba pa ulit ang bintana para muling kumaway. Ganun narin ang ginawa ko.

Pagkatapos non ay mabilis niya nang pinaandar ang kanyang magarang sasakyan. Tumalikod narin ako upang dumiretso papasok sa loob-

Mali pala, para masalubong ko si papa kasama ang kanyang…waaaaaaa. Ayan nanga ang makapangyarihang latigo ni Juan Esperanza!!!

“Sino ang lalaking yon?” tanong ni papa. Naglakad narin ulit kami papasok sa loob. Wala na si ate sa kusina pero kalat parin ang mga pinagbalatan ng mga kinain namin kanina.

“H-he’s Trevor pa…”

“Surname?”

“Hindi ko po alam pa-“

“Sumasama ka sa mga taong hindi mo pa  pala masyadong kilala? And worst, lalaki pa?”

“Alam kona pala pa, S-silvano pa. Tama Silvano pa. Trevor Silvano.” Tuloy tuloy kong sagot. Ba naman yan! Bat nga ba hindi ko naisipan kaninang tanungin yung mga kahit simpleng bagay man lang na may kinalaman sakanya bukod sa alam ko ang pangalan niyang Trevor.

“Silvano..?” napapaisip na tanong ni papa. Humawak pa ito sa kanyang baba na tila parang nagiisip.

“Hindi yata ako familiar sa mga Silvano na iyan.”

“Ang akala niyo lang yon pa pero magiging maingay din yon dito sa Brisbane kapag habang tumatagal ang panahon.” Paggawa ko nalang ng kwento. Bwisit na Trevor yun! Kung ano ano pang kwento ang nasasabi ko kay papa!

“Sa itsura ay parang mabait, responsible, magalang, mapagmahal at marespeto naman ang isang yon,” sambit ni papa. Palihim nalang akong napataas ng kilay dahil lahat yata ng ugali sa binanggit niya ay walang wala kay Trevor. “Mayaman din, pero kailangan mas angat parin sa ugali ang piliin mo.” Dagdag ni papa. Napapatango nalang ako kahit kanina pa akong sawang sawa na pagusapan yung Trevor nayon.

“Anak…” bigla ay usal ni papa at napalingon ako ng hawakan niya ang kamay ko. “Hindi kita pinagbabawalang magkanobyo.” Anito at nagulat naman ako. Tanginang, ni crush nga wala ako tas boyfriend agad?! Hanep din utak ni papa, kung saan saang kalawakan na nakakapunta.

“Pero sana, piliin mo yung worth it. Yung mamahalin ka, alam ko naman na ang hanap mo ay gwapo, mayaman, maputi, lakas ng karisma, heartthrob…” patuloy ni papa. Napaiwas nalang ako ng tingin. “At hindi naman kita pinipigilan sa gusto mong yon, you are gorgeous and intelligent like your mom.” Patuloy nito saka tumitig sakin. Ganyan si papa, magalit man siya sakin sa una lalo na’t pagdating sa gantong usapan ay sa huli, walang araw na pinagalitan niya akong hindi pinuri sa huli. Na palaging sinasabing worth it ako at ang buhay ko ay hindi basta basta.

“So I can’t blame you, because a beautiful girl like you deserves a man who’s smart, handsome, rich, gentleman, or what else kind of character that you like from boys. But… you still need to find a boy who will love you, take care of you, respect you and who will never leave you till the rest of your life.” Dagdag ni papa at imbis na umiyak sa harap niya ay niyakap ko nalang agad siya. Sa lahat ng nagdaang pangsesermon sakin ni papa at ngayun niya lang sinabi sakin ang gantong klaseng bagay na‘to.

Pagkatapos ng mahabang usapan naming iyon ay pinatulog narin ako ni papa dahil 12:42 na, konting oras nalang ang natitira sakin para matulog. Kailangan ko pang magising ng alas kuwatro bukas para hindi ako malate sa klase, lalo na’t may competition nga pala bukas.

Kiniss ko lang si papa sa kanyang pisngi at nagpaalam na akong matutulog. Umakyat ako sa taas at napasilip ako sa nakaawang na pinto ng kwarto ni ate, ang bruha kala mo 3years old kung matulog eh. Napailing nalang ako saka binuksan ang kwartong katapat ng kwarto niya, ang kwarto ko.

The Obscure Secrets (Kim sisters, series #1)Where stories live. Discover now