Chapter 15

11 1 1
                                    

Nauna na akong bumalik sa hapag.  As if nothing happened

What was that?

Masakit mang isipin ay baka sakali ito ang totoo. Na baka pinaglalaruan niya lang ako. Kanina ay wala naman siyang sinabi ng kumawala siya sa yakap

Pagdating ko doon ay agad akong nilingon ni Jacobi ng may pag alinlangan. Sobrang tagal ko ba?

Inalalayan niya ako bago maupo. Tinignan ko si Hannah na nakatutok ang mga mata sa akin. She looks like a dragon na papasabog na at buti nalang ay hindi iyon napapansin nila Tita dahil abala silang kumain. Hindi ko nalang siya pinansin at inabala ang pagkain ng panghimagas

Maya maya pa ay bumalik na si Oliver. Naupo na siya sa aking harap. Hindi ako nag angat ng tingin dahil nahihiya pa ako.

"Hannah, tell your parents that I'm inviting them for dinner sa susunod na linggo. I still don't know when's the exact date but I'll tell Oli about it so that he will tell you nalang" panimula ni Tita Laviste sa usapan

"Sure tita. I'm sure Mommy and Daddy will be happy about it" ani ni Hannah

"Ava, what about your parents? Tell them to come Iha, ha?" baling ni tita sakin

"Ah sige ho" nahihiyang sagot ko

Nag angat ako ng tingin sa aking harapan at nadatnan ang mga mata ni Oli ng nakatingin sakin. Our eyes met at mabuti nalang nagsalita si Tito William

"Sabihin mo sa Daddy mo Iha na pag uusapan na namin ang tungkol sa proyektong matagal na naming ipinaplano" ani ni Tito William sa akin

"Sige ho" yun nalang ang isinagot ko

Pagkatapos kumain ay nagpaalam na si Oliver na ihahatid na niya si Hannah. Oliver kissed his Mom's forehead bago siya umalis

"My, baka hinahanap na si Ava sa kanila" pagbabasag ni Jacobi sa usapan. Binaling ko ang tingin sa aking wrist watch at napagtanto mag aalas diyes na pala

It's been thirty minutes ng umalis sina Hannah

"Sige Iho, ihatid mo na si Ava sa kanila. Be safe" ani ni Tita Laviste

"Yes, My" sabi niya sabay tayo. Kaagad naman akong tumayo at nagmano

"Thank you ho" mahinahong sambit ko

Tango at ngiti nalang ang kanilang ibinigay sa akin. Pagbubuksan na sana ako ni Jacobi pinto sa sasakyan ng may dumating na sasakyan at napagtanong si Oliver iyon

Lumabas si Oliver ng nakabukas pa rina ang makina ng kanyang sasakyan. I felt nervous ng dahan dahan siyang naglakad patungo sa amin

"Bro, I forgot to buy meds for Mommy. Since may drugstore naman sa malapitan ng bahay nila" turo niya sa akin "Ako nalang ang maghahatid" dugtong niya

Halos malaglag ang panga ko sa sinabi niya. I can picture the moment pag nasa loob na kami ng sasakyan niya. Punong puno ata ng awkwardness iyon

"Wag na bro, I'll be the one who's going to buy meds nalang for Mom" sagot ni Jacobi

"Wag na, ako na" ani ni Oliver sabay tingin sa akin. Kaagad naman akong nag iwas ng tingin

Gosh! This two!

"Let her choose, then" ani ni Jacobi

Shit! Pati ba naman sa pag sakay ng sasakyan ay papapiliin pa ako? Of course I'll go with Jacobi since siya naman ang nag aya saakin dito ay dapat siya din lang ang maghatid sa akin doon. Not that I don't wanna be with Oli. Damn! Kung pupwede lang ay sa kanya na ako sasakay

I don't know if he's just making that as an excuse para makasama ako?

Hell no! As if naman gusto niya ako makasama noh! Hindi dahil hinalikan ka niya Ava ay may namamagitan na sa inyong dalawa

Still The One (ONGOING)Where stories live. Discover now