Chapter 3

24 2 17
                                    

"Ma'am medium nalang po yung nandito" sabi nung sales lady

"Ah sige, I'll get that nalang" sabi ko

Binilhan ko si Brent ng pambahay chaka na din si Lola. Binilhan ko na din sila ng pang alis since ipapasyal ko naman sila sa susunod na linggo. Di ako kuripot sa mga ganito. I'll do everything for them. Magaan ang loob ko sa kanila

"13,270 po ma'am" sabi nung cashier

Inaasahan kong aabot sa ganito kalaking halaga

"Ah here" sabay abot ng card sa kanya

Pagkalabas ko, pinahiram na nila ako ng cart para hindi na daw ako mahirapang magbitbit.

Mag grogrocery pa pala ako

Iniwan ko lang muna yung cart sa guard. Kumuha na ako ng isang malaking cart para sa groceries. Di ganitong cart yung kinukuha ko everytime na nag grogrocery. Pero ngayon ay may kasama na ako sa bahay, mukhang ang dami ng kakailanganin ko

I also bought biscuits for Brent. Pumunta na ako sa soap section. Kinuha ko nalang ang mga kailanganin. Dinamihan ko na rin tutal ako na din maglalaba sa damit nila Lola. I went to the meat section para bumili ng baboy. Of course baboy, alanga namang manok

May mga isda din don kaso mukhang hindi fresh kaya baka sa palengke nalang ako bibili ng gulay at isda

After sa grocery napag isipan kong bilhan muna sila ng tsinelas chaka na rin sapatos.
I'll use my savings. Buti nalang at nakakapag save pako ket papano

Dalawang cart na ang dala ko ngayon. Do I look dumb?

Linga linga kong inikot ang aking paningin at nabuhayan ako ng makita ko ang Dunkin. Pumasok na ako doon at nag order ng tatlong box

Pagkalabas ko napawi ang ngiti ko ng makita yung babaeng tinutukoy ni Brent kanina

Ang pamilyar niya saken. Sobra. Di ko maalala kung saan ko siya huling nakita. Kanina malamang, pero sa nagdaang taon, parang nakita ko na siya somewhere

"Hannah" sambit ng babaeng katabi niya

"Oh Rachelle?" Maarteng tugon nito. Nanginit ang dugo ko sa boses niya. Di siya bagay sa inaasta niya

"Guess what? Boyfriend mo andito, but he's looking for someone ata e" sambit nung nagngangalang Rachelle

"Really? Oliver's here?" tanong nung si Hannah

Tango lang ang natanggap niya mula kay Rachelle

Pinipigilan ko ang sarili kong wag silang komprantahin at baka makagawa pa ako ng iskandalo dito. Di naman ako ganon, pero kung di lang siguro masama ang sumabunot noh? Kanina pa ata kalbo yan

Nagtama ang tingin namin ni Hannah. Nagtaas ang kilay niya habang naglalakad pa punta sakin

"Miss" sambit niya

Tinaasan ko lang siya ng kilay at inirapan

"Napansin ko lang, kanina kapa tingin ng tingin sakin eh" ngumisi siya. Nang aasar

"Seselos kapa ba hanggang ngayon?" pagdudugtong niya

"Pinagsasabi mo diyan?" tinaasan ko siya ng kilay. Matapang din ako noh

"Wala" sabi niya sabay talikod

Di ko nalang siya kinompranta tungkol sa sinabi ni Brent. Papalagpasin kolang muna iyon, pero sa susunod na ulitin niya. Malilintikan na talaga siya

Bitbit ko na ang dalawang cart. Ang totoo nahihirapan na ako sa pagtulak nito

'Seselos kapa ba hanggang nagyon?'

Still The One (ONGOING)Where stories live. Discover now