Chapter 8

20 1 1
                                    

Ng makarating kami sa mall ay pinark mo na niya ang kanyang sasakyan sa taas. Ng maipark niya ito ay agad akong lumabas at tinalikuran siya. Hindi dahil sa naiinis ako sakanya kundi dahil sa ginawa niya kanina. Naiirita na ako habang naglalakad ng maalala ko na nanaman ang kalokohang ginawa niya

"Luh, di naman kita tinititigan ah" ani ko dito ng hindi nakatingin sa mukha niya. Dinungaw ko nalang ang mga taong nasa labas na nag aantay ng jeep

Biglang huminto ang kanyang sasakyan dahil sa traffic. Ng ibalik ko ang aking paningin sa unahan ay halos napamura ako ng makita ang kanyang mukha sa aking harapan. Isang dipa lang ang layo non. Inilagay niya ang kanyang kamay sa may pintuan at ang isang kamay naman ay nasa sandalan ko. Kinorner niya ako!

Di ako makagalaw sa aking kinakaupuan

Damn Ava! asan na tapang mo ngayon? Asan?

Di man ako nakatingin sa kanya ay alam kona nakatingin ito saakin "Now, bakit di mo ako titigan?" tanong niya

Wala siyang natanggap ni kahit isang sagot sa akin

"So weak" ani nito

Isang malaking buntong hininga ang aking pinakawalan ng pinindot ko ang button ng elevator. Tinatamad akong mag hagdan

Nakita kong may pumindot din iyon. Sa sobrang pamilyar ng wrist watch niya ay agad akong napagtanto kung sino iyon. Alam kong nakatayo lang siya sa likod kaya hindi na ako lumingon don

Pagbukas ng elevator agad ng nadatnan ko ang mukha ni Alyssa! Sana di siya magtanong kung sino ang nasa likod ko

"Ava! dapat sinabi mong boyfriend mo pala ang kasama mo" aniya.  Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Nilingon ko siya, walang pakealam sa sinabi ni Alyssa

Pahamak ka ngayong araw Aly. Arghh

"Ah hindi Aly, ano he's...he's my new driver" ani ko dito at bahagyang natawa

Kanina mo pa ako hinahamon ah? Ako naman ngayon. Ng nilingon ko si Oli ay agas sumalubong sa akin ang kanyang madilim na paningin

Sorry ah pero hindi ako takot diyan sa titig mo.  Kayang kaya kong labanan yan no!

Nalaglag ang panga ni Alyssa sa sinabi ko "Seryoso ka?" aniya

Tumango ako at pinigilan ang pag tawa para mag mukhang totoo ito "Akin nalang driver mo" ani ng kaibigan niya. Di ako nagkakamali siya si Hannah, yung maarteng supladang babae

"Sorry, he's mine" ani ko

Ng marealize ko ang sinabi ko agad akong nagsalita para bawiin yon "I--I mean na driver ko na siya. Hanap kana lang iba. So yea--h" ani ko dito

Umiling iling lang sila at ng lingunin ko si Hannah ay agad niya akong inirapan. Di ako nagpalugi. I rolled my eyes

Bumukas na ang elevator papuntang 5th floor. Siniguro kong nandoon naka park ang kanilang mga sasakyan

Sa 4th floor nalang din naman si Oli nag park

"Alis na kami Ava ah" ani ni Alyssa at ngumiti sa akin

"Hmm" nalang ang sinabi ko. Naiwan kaming dalawa ni Oli. Binalot ng katahimikan ang elevator ang tanging maliliit na tunog lang ng manika nito ang aking naririnig

"Mine huh?" basag niya sa katahimikan. Liningon ko siya at inirapan. He smirked

Ng umabot sa 3d floor ay agad akong lumabas. Nakarinig ako ng yapak sa likod ko. Nakabuntot amp. Mukha tuloy siyang aso na hinahanap ang amo

Liningon ko siya at binigyan ng 'Aww-poor-dog-look'. Nakita kong unting unti nanamang namumuo ang kanyang madilim na paningin kaya nag iwas nalang ako ng tingin at inilabas ang cellphone para tawagan si Beatriz

"Hoy ano ba sabi mo sa mall!?" sigaw ko ng sinagot niya ang tawag ko

"Ah kasi Ava biglang dumating sila Mommy at Daddy, at ang sabi naman nila ay dito nalang daw ito mag hapunan" ani ni Triz

Uminit ang ulo ko hindi dahil sa sinabi ni Triz kundi dahil makakasama ko si Oli dito mag isa! Ayoko!

Nahihirapan akong tanggihan si Triz bukod sa 1st monthsary nila ngayon ay ngayon din lang niya ipapakilala sa personal si Lucas. Alam lang nila Tito at Tita na may boyfriend siya pero hindi pa niya ito ipinapakilala sa personal. Todo suporta naman ang ibinibigay nila kay Beatriz

"Hmm sige, mag cocommute nalang ako pauwi" sabi ko. Rinig kong bumuntong hininga pa siya sa kabilang linya

"Andyan naman si Oli eh, magpahatid ka nalang sa kanya" aniya. Nilingon ko si Oli nanlaki ang mata kong nakahawak na siya sa bewang ng isang babae! Umakyat na ata ang lahat ng dugo ko sa aking ulo di ko alam kung ano ang dahilan. Ng lingunin ko siya di niya ata napansin yon.

"Hindi wag na, mukhang busy eh" sabi ko kay Triz

May sasabihin pa sana siya ng biglang pinutol ko ang linya. Di ko naman sinasadya yon kasi akala ko wala nang sasabihin eh

Dahan dahan akong naglakad at hindi nalang tumakbo baka kasi mapansin niya ako. Di pa ako umaabot ng elevator ay nilingon ko ang likod ko at nanlaki ang mata ko ng makita siyang nakasunod

Walang reaksyon ang kanyang kaawang awang mukha. Tatalikod na sana ako ng hawakan niya ang braso ko at hinarap sa kanya "Why did you leave?" tanong niya

"Eh mukhang busy ka sa babae mo dun eh" sabay turo kung saan sila naka pwesto kanina. Natawa siya ng bahagya

"Are you jealous?" tanong nito. Ng init ang pisngi ko sa sinabi niya. I rolled my eyes

"Hell no!" inis na sagot ko sabay talikod sa kanya

"Good, I don’t want you to lose your trust on me" ani niya. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at hinarap siya

"Anong trust trust ka diya oy, walang mabubuong trust sating dalawa. Balakajan" naiiritang sagot ko sa kanya at sumakay sa elevator. Agad naman siyang sumunod at pinindto ang 4th floor. Uuwi na din siya?

Hindi na ako sasabay sa kanya. Di ko alam basta, naiirita ako sa kanya. May kung anong galit na namumuo sa looban ko. Ng umabot na sa 4th floor ay agad siyang lumabas at hindi man lang ako nilingon. Bastos! tss

Ng malapit na ang elevator ay agad siyang lumingon. May kung anong kirot akong naramdaman ng makita ang kanyang mukhang malungkot. Walang luha pero ang kanyang mata ay ang nagpapahiwatig kung anong sakit ang nararamdaman niya

Ilang segundo bago sumara ang elevator ay bumuntong hininga ako. Ang kaninang modo kong iritado ay napalitan na ng halong halong emosyon

Pagkasakay ko ng jeep, buti nalang di ako naka uniform. Sa sobrang iksi ng palda naiirita ako. Wash day namin ngayon kaya nag jeans lang ako at simpleng white shirt at sneakers, tote bag lang din ang dala ko. Parang di lang estudyante ah. Buti nalang kanina ko pa linagay ang aking ID sa bag ng nasa sasakyan kami ni Oli

Hays Oli nanaman. Bat ba napapadalas ka sa isipan ko? Selos? Luh ano ba tayo? F.R.E.N.E.M.I.E.S

Kung hindi lang dahil kay Beatriz ay hindi ko sana makikilala to. Pero kahit papano mayroong parte saking masaya akong nakakasama siya kahit sa panandalian lang

_____________________________________

see u sa next chap hihi!!

Thenchuu!!








































Still The One (ONGOING)Where stories live. Discover now