Chapter 10

12 1 0
                                    


Lumapit mo na ako kay Mama ng ilahad ko ang denim jacket ko sa kanya. Naiinitan ako ngayon. Mas lalong umiinit pag umaakyat ang dugo ko sa ulo

Nagpaalam akong magpapahangin lang ako sa labas. Tutal wala pa yung kakainin namin

Ng makalabas ako ay agad nadatnan ng mata ko si Oliver na naka pamulsa at nakasandal sa sasakyan niya. Nakatuon lang siya sa magandang view

Humarap ako sa kanya at pinalo siya sa braso "Ano bang problema mo?" inis na tanong ko sa kanya

Hindi niya ako sinagot at tinignan lang ng masama. Ibinilang niya ulit ang kanyang paningin sa tiyan ko

Nag init ang mukha ko ng ibaba niya ng marahan ang aking damit para di makita iyon. Inayos niya din ang aking hibla ng buhok ay hinawi iyon sa gilid

Nanlamig bigla ang katawan ko. Gininaw tuloy ako

"Sorry" iyon ang nabanggit niya sabay sinuksok ang mga kamay sa bulsa

Hindi ako nakasagot sa halip ay sumandal nalang din sa sasakyan niya

Ng tumunog ang cellphone niya ay agad niyang binuksan iyon. Nanlaki ang mata ko ng makita ang mukha ko!

Isang epic pic iyon! Mukhang gulat na gulat ako don. Kung hindi ako nagkakamali ay kanina lang niya pinicturan iyon. Sigurado akong naglinga linga ako kakahanap sa kanya sa oras na yun

Agad kong kinuha ang kanyang cellphone. Halos mabitawan ko ng makita ang naka pop up sa lockscreen. Isang text iyon

From: Celine

I miss you:<

Agad kong ibinalik sa kanya yon at tinanggap niya naman. Halos nanlaki ang mata niya ng makita ang text galing sa Celine na yon or whatever

Nanikip ang dibdib ko sa nabasa kong iyon. Ibinaling ko nalang ang aking paningin sa magandang view na nasa harapan ko

Agad akong huminga ng malalim ng sumalubong sa akin ang preskong hangin

I like nature

Walang may umimik samin kahit ni isa. Tanging ang tunog ng punong sumasayaw dahil sa hangin lang ang aking naririnig

Nakaramdam na ako ng lamig pero di ako umimik. Narinig kong tumunog ang sasakyan ni Oliver at binuksan ang kanyang pintuan at isinara. Di ko siya makita pero ramdam ko ang lahat ng galaw niya

Na estatwa ako ng hawakan niya ang dalawang balikat ko at iniharap sa kanya. May dala na siyang kulay black na hoodie ngayon. Sinenyasan niya akong itaas ang dalawang kamay

Ako naman si uto uto na sinunod ang utos niya. Isinuot niya ng dahan dahan ang hoodie. Nag init ang mukha ko dahil don

Nakain ko ang ibang hibla ng buhok ko kaya kukunin ko na sana iyon ng inunahan niya ako

Kinuha niya ng marahan ang pira pirasong hibla ng buhok ko at inilagay iyon sa may tainga. May kung anong kuryenteng dumaloy sa batok ko ng kinuha niya ang ponytail ko

Sinuklay niya ang buhok kong nakalugay gamit ang kanyang mga daliri. Inulit niya ang pagkatali non dahil alam kong nagkalat iyon sa pagsuot ng hoodie kanina

Nakahing lang ako ng natapos niyang taliin ang buhok ko. Humarap siya saakin at ngumiti "It's Celine, my cousin" ani nito

"Like I care" kunwaring galit na sabi ko

Nakita kong biglang naging malungkot ang mukha niya

Teka wait, bakit ako nagkukunwaring galit? Para ano? Suyuin ni Oliver? Pwede, pwede

Still The One (ONGOING)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang