Chapter 4

24 1 18
                                    

Alas otso na ng gabi kaya aakyatin ko na si Lola sa taas dahil kakain na kami

Nung nasa harapan na ako ng pinto, na alala ko yung sinabi ni Brent

Nakita ko na ang kanyang tinutukoy. Isa iyong sinasabit sa pintuan na gawa sa kahoy

O.A

Ang ganda ng disenyo. Simple lang siya. Krema ang kulay nito at ang sulat naman ay itim

Naka italic ang mga sulat nito. Napakaganda nga naman. Hindi ko na iyon tinutunan ng pansin at pumasok nalang para gisingin si Lola

Pagpasok sa guest room. May makikita kang isang malaking higaan na nasa gitna at may malaking cabinet don sa dulo. Kulang gray ang kulay ng ding ding na hinaluan ng kaunting white na siyang nagpapaliwanag sa kwarto. Ang cabinet naman ay kulay gray din. Kasyang kasya ang mga damit na pinamili ko para sa kanila

Medyo madilim ang kwarto dahil sa kulay neto. Masakit ata sa ulo para kay Lola ang madilim kaya bibili nalang ako ng kulay kremang pintura at papalitan iyon

May isang table sa side ng higaan at don nakalagay ang maliit na lamp at alarm clock

"Lola" sambit ko ng makalapit ako sa kanya

Nakita kong naimulat na niya ang kanyang mata ng dahan dahan

Tumayo siya ng marahan at tinupi ang kumot na kanyang ginamit at nilagay iyon sa ibabaw ng unan

"Nag abala kapa iha, sana si Brent nalang ang iyong pinaputa dito" sabi niya

"Ay nako lola, si Brent ho nag ayos ng mesa" sagot ko ng nakangiti

Tumango nalang siya at ngumiti nalang den

Pagkababa namen nakahain na ang kanin at ulam. Sinigang na baboy ang niluto ko. Tinulungan din ako Brent magluto non, alam niya den naman

Bata pa pero ang dami ng alam. Magluto, magwalis at iba pa

Dagdag points to kay Joann ah.  Joinkz

"Brent nandito na si Lola" sabay alalay sa pag upo ni Lola

"Hmm ate, nakikita ko nga" bahagyang natawa siya sa sinabi niya at mukhang di iyon narinig ni Lola

Natawa nalang din naman ako

"Ang sarap ng luto mo iha, siguro ko tinulungan ka ni Brent no?" pagpupuri ni Lola sa kalagitnaan ng aming kainan

Tumango ako sakanya at ngumisi

"Oo nga ho Lola, siguro ko dadag puntos yon kay Jo--" naputol ang sasabihin ko

"Lola kain  kapa!" masayang sambit ni Brent, pero nasa mukha parin niya ang kaba

Nilagyan ni Brent ang pinggan ni Lola ng kanin

Sumubo nalang ulit si Lola at hindi na umimik. Nagtama ang tingin namin ni Brent. Nakita ko ang pagka dismaya sa kanyang muka. Ngumuso nalang siya at nagpatuloy na sa kain

"Iha nagka boypren kana ba?" di ko inaasahang tanong ni Lola

"Ah wala pa ho Lola"

Tumango siya

Di ko alam kung bakit di pa ako kahit kailan nag kaka boyfriend

"Ah siya nga pala Lola, magpapatingin ho tayo sa Doctor sa susunod na linggo" sabi ko sakanya

Nagulat siya sa aking sinabi

"Ay wag na iha nag abala ka pa" sambit niya

"Ay Lola hindi naman po. Wala ha ho akong trabaho sa ngayon kaya makakalugar lugar ho ako. At sa susunod ho na linggo dun tayo kakain sa labas at mag cecelebrate ng kaarawan ko" sabi ko sabay ngiti

Still The One (ONGOING)Where stories live. Discover now