Chapter 11

14 1 0
                                    

Kinabukasan ay Sabado. Walang pasok. Nagising ako dahil sa tahol ni Koochie

Umakyat siya sa higaan ko at dinilaan ang aking pisngi "Aww, Koochie. You smell good" batid kong pinaliguan siya ni Daddy o manang

Agad akong nag-inat at tumayo na. Niligpit ko muna ang higaan ko at pumasok sa cr para mag toothbrush at maghilamos

"Kain na iha" ani ni manang ng makita niya akong bumababa galing sa hagdan

"Okay po. Sila Mama?" tanong ko

"Pumuntang Japan daw" ani ni manang

Japan? Ng ganon ganon lang? O baka naman may aasikasuhin si Daddy? Pero bat kasama si Mama? Walang kaalam alam si Mama sa business. Doctor ang trabaho ni Mama pero nag resign na siya. O baka naman?

No. Di pwede ang iniisip ko. Ayaw ko pang maging ate

Hindi naman sa ayaw kong magkaroon ng kapatid. Hindi lang ako handa sa ngayon, nasanay na rin kasi akong walang kasama kundi si Beatriz lang

Sabay kaming lumaki ni Beatriz, yung nga lang ay nauna siyang ipinanganak kaya 1 year ang agwat namin. Kaka eighteen lang niya ng ilang nakaraang buwan

Kumakain ako ng biglang tumawag ang pinsan ko

"Bakit?" tanong ko. Di masyadong malinaw ang pagkasabi non dahil puno ang bunganga ko sa aking kinakain

"Ha?" nalilitong tanong niya

Linunok ko muna iyon at uminom ng tubig bago siya kausapin

"Wala. Sabi ko bat ka napatawag" sagot ko

"Ano uhmm, Alis tayo?" ani niya

Nag isip isip mo na ako kung sasama ba ako sa kanya. Pag sumama ako maiiwan si Koochie dito mag isa. Pero sobrang boring din naman dito sa bahay aalis lang muna ako

"Hmm sige, punta ka dito sa bahay. Sunduin moko ah?"

"Oo na nga" sabi niya na natawa pa

Alas diyes na pala ng umaga. Agad kong inubos ang pagkain at tumayo na para ilagay sa kusina ang plato at hugasan ito

"Iha ako na diyan" ani ni manang

"Ay wag na manang isa lang naman ho to" sabi ko

Ng matapos ako ay hinanap ng mga mata ko si Koochie

"Koochie!" sigaw ko sa sala. Agad naman siyang lumabas galing sa ilalim ng upuan

"Lalabas lang ako saglit ah" ani ko dito sabay karga sa kanya

"Arf" ani nito na para bang naiinitindihan niya ang sinabi ko

Agad kong binitawan si Koochie sa higaan at naghanap ng masusuot. Kinuha ko agad ang mom jeans na isa sa mga paborito ko at ang gagamitin kong pang itaas ay ang crop top na cardigan

Pumasok na ako sa cr at naligo. Pagkatapos ay naglagay mo na ako ng lotion sa kamay ay binti at nag damit na

Bumaba ako ng marinig ko ang pangalan ko. Sa laki ng bunganga niya alam ko na kung sino iyon

Nakatuon lang ang paningin ko kay Koochie ng bumaba ako sa hagdan. Nilalaro ko ang tiyan ni Koochie dahil ito ang gusto niya

"Triz si Kooch--" natigilan ako ng hindi pa ako umaangat ng tingin ng binilang ko ang binting may suot na sapatos at ang isa naman ay sandal lang

Anim iyon. Alam kong si Triz ang nasa gitna at ang kanyang nag iisang Lucas

Alam ko na kung sino ang mokong na isang yon. Ni hindi ako nag abalang tapunan sila ng tingin at tumalikod ng walang paalam.  Nakayuko akong umakyat ng hadgan pabalik

Still The One (ONGOING)Where stories live. Discover now